SORRY SA MGA GRAMMATICAL ERRORS. FEELINGERANG WRITER LANG AKO. HAHA!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
TEXT MESSAGE
Dee: Papunta na ako sa dyan. Nasa store ka lang ba? :)
Arianne: Yep. Deretso ka na dito. Ingat ka. :)
Dee: I will. See you. :D
Hmm. Ang laki nang ngiti ah. Ano nga kaya ang sasabihin niya?
At dahil malapit nang dumating ang pinsan ay minadali na niya ang pagtatapos sa pag-iinventory ng stocks ng bookstore niyang Aria's Nook. Noon pa man niya pangarap ang magkaroon ng sariling bookstore.
Mahilig din kasi siyang magbasa nang mga libro kaya naman kahit isang taon pa bago siya matapos sa kursong Nursing ay nagtayo na siya ng negosyo. Di na niya muna inuna ang paghahanap nang trabaho sa hospital at nagconcentrate nalang sa negosyo niya nang magbloom ito. Ang kapital na kanyang ginamit ay hiniram niya muna sa kanyang Mommy at Ate na pareho ng nasa US at doon na naninirahan.
Matagal nang namatay ang kanyang ama. Nang mag-asawa ang kanyang Ate ay dinala na ito ng asawa nito sa US at doon na nanirahan. Sumunod ang kanyang Mommy doon nang magbuntis ang kanyang Ate at ito na ang nagboluntaryong mag-alaga ng apo nito.
Gusto sana ng kanyang mommy na sumunod na din siya sa mga ito, ngunit mas pinili niyang manatili sa Pilipinas. Nakakapunta na din naman siya doon dahil meron siyang US Visa. Nang mag-bloom kasi ang kanyang negosyo ay ayaw na niya itong bitawan. Naintindihan naman siya at pinayagan ng kanyang mommy.
Maya-maya pa. Dumating na ang kanyang pinsan.
Arianne: Wala ka bang dalang meryanda diyan? *pambungad agad niya matapos silang magbeso*
Dee: *Napalatak ito* Bilib din naman ako sayo babae ka. Ako talaga ang hinintay para sa meryenda ha? *reklamo nito pero may iniabot namang bag ng sikat na bakeshop sa kanya.*
Napangiti siya, sabay kuha ng plastic bag.
Arianne: Yan ang gusto ko sa'yo Tukayo e. Love na love mo talaga ako.
Dee: Wag mo nga akong inuuto, bruha ka. May bayad yan. *nakaismid kunwari ito.*
Aria: Sus! Sige, ilista mo lang. *alam naman niyang nagbibiro lang ito.* O girls, meryenda muna tayo. Halina kayo habang wala pang costumer."
Sabay na lumapit ang mga ito para kumuha ng ensaymadang binili ni Dee. May maliit na refrigerator sa store niya kaya wala ng problema para sa kanilang iinumin.
Pagkatapos ay pumasok na sila ni Dee sa maliit na opisina slash stockroom ng tindahan niyang iyon. Nasa loob ng maliit na opisina niya ang kanyang mesa at laptop. Sa gilid naman naka-pile ang mga stocks niya ng libro. May couch din sa loob na kasya ang dalawang tao.
Minsan, di na nauupuan ang couch lalo na pag-araw nang delivery ng stocks. Doon kasi minsan nilalagay ang ibang mga libro. Sa ngayon ay yung mga nasa gilid nalang ang naiwan. Sa susunod na linggo pa ulit darating ang bagong mga orders.
Sa couch umupo si Dee. Habang lumigid siya sa swivel chair ng mesa niya.
Arianne: O ano na? Magkwento kana. Bilis! Binibitin mo ako e.
Dee: Ay, di pa ba muna tayo kakain? *ngumiti ito nang pacute.*
Arianne: Magmulti-tasking tayo. Kumakain habang dumadaldal. Kaya natin yan. *at nagsimula na nga siyang kumagat ng ensaymada habang naghihintay sa iku-kwento umano nito.*
BINABASA MO ANG
Every Breath You Take [COMPLETED]
RomanceArianne loves Sam. Pero siya ba mahal ng binata? May patutunguhan ba ang relasyon nilang mas nabuo sa text message and online social network? Papano pag bumalik ang dating kasintahan ng binata na mas matagal nitong kakilala at mas maraming pagkakata...