SORRY SA MGA GRAMMATICAL ERRORS. SABI KO NGA. FEELINGERANG WRITER LANG AKO. HAHA!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"It is not destiny that determines love. It is choice. Our so called destiny is a lie. Relationships last long not because they're destined to last long. Relationships last long because two brave people made a choice – to keep it, to fight for it and to work for it. Meanwhile, other relationships fail not because they're destined to fail. They failed because one of two, or both, made the choice – to set each other free..
Destiny or Choice?"
************************************************************************
Heartaches.
Dee and JP's Wedding Day.
Nagdaan ang mga araw. Ilang bese pinakita ni Sam sa kanya ang pagmamahal nito. Bumabawi ito. Madaming beses siyang nakatanggap ng bulaklak mula rito. Ilang beses na din silang lumabas para mag-date. At palagian nang sa bahay niya umuuwi at natutulog ang binat at minsan sa bahay naman nang binata. Para na nga silang mag-asawa. Yun ang mga araw na sobra sobra ang nararamdaman niyang kasiyahan.
At sana, sa kaibuturan ng kanyang puso, humihiling siya na di na matapos ang mga sandaling ito. At tulad nangg ibang nagmamahalan, sana humantong din sila ng binata sa simbahan. Di naman siguro kalabisang hiling yun di ba? Lahat naman ng nagmamahalan doon ang punta? Gaya nalang nila JP at pinsang si Dee.
And speaking of the lovebirds, ngayon na ang kasal nila.*
Dee: My God tukayo! Kinakabahan ako!
Nasa loob sila ng hotel suite kung saan inaayusan si Dee. Tapos na siyang ayusan ng make-up artist at suot-suot na din ang kanyang gown.
Arianne: Tukayo, relax, it's your wedding day. Wedding jitters lang yan.
Dee: Hay. Tama ka. At teka nga, bat ang ganda ganda mo? Blooming na blooming din a.
Arianne: Loka! Kumpara naman sa'yo, pang maid of honor lang talaga ang level ng beauty ko. Mas lamang talaga ang bride.
Barbie (Gay make-up artist): Naku mga sisters. Parehas lang kayong maganda. At ang mga hombre niyo ha. Ang ya-yummy ha.*Malanding komento nito.*
Arianne: Naku Barbs, may bonus ka niyan sa amin ni Dee. *At paimpit siyang natawa.*
Dee: *Natawa na rin.* Oo nga, may bonus ka talaga sa pagsasabi parati ng katotohanan.
Barbie: Salamat sisters. *At pagkatapos ng paglalagay ng belo ay.*
Dyaraaaan, I present to you, the Bride. *At inalalayan nitong humarap sa malaking salamin ang kanyang pinsan.*
Napakaganda ng kanyang pinsan sa wedding gown nito. Nakadama siya ng longing inside her to have the same thing that her cousin had. A wedding. With Sam.
*Wedding.
Nag-umpisa na ang seremonya ng kasal nila JP at Dee. Pagdating nila kanina sa simbahan ay nandoon na ang lahat. Dahil hindi pa sila pinapalabas ng kotse hanggat hindi nag-uumpisa ang wedding march, hindi na siya nabigyan ng pagkakataon makita ang nobyo na siya namang tumatayong bestman.
Nang siya na ang papasok at maglalakad sa red carpet ay namataan agad niya ang binata na katabi si JP. He was so gorgeous in his barong-Tagalog. Di maiwasang mag-imagine siya na siya ang bride na naglalakad at ito ang groom at hinihintay siya. She was all smiles and blushing dahil sa malalagkit na titig nito.
BINABASA MO ANG
Every Breath You Take [COMPLETED]
RomanceArianne loves Sam. Pero siya ba mahal ng binata? May patutunguhan ba ang relasyon nilang mas nabuo sa text message and online social network? Papano pag bumalik ang dating kasintahan ng binata na mas matagal nitong kakilala at mas maraming pagkakata...