EBYT - It's a small world.

677 9 66
                                    

SORRY SA MGA GRAMMATICAL ERRORS. FEELINGERANG WRITER LANG AKO.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CALL: Arianne and Dylan Joshua

 

Dylan Joshua:  So, payag ka?

 

Arianne: Yes. Pero pwede bang dito lang din sa mall. May mga resto naman sa first floor. Kailangan ko kasing bumalik agad. Sorry ha. Kailangan kasing tapusin ang inventory today.

 

Dylan Joshua: It's ok with me. Kung saan mo gusto. Nahihiya nga ako at baka naistorbo kita.

 

Arianne: Hindi naman. Na timing lang na may tatapusin dito sa store. So pano, kita nalang tayo mamaya.

 

Dylan Joshua: Yup. Sunduin kita diyan. Bye Arianne.

 

Arianne: Bye Deejay.

 

*She hung up. Deejay invited her to have lunch. Kanina pa ito tumawag. Na missed niya ang call kaya naman nagtext siya dito at nagpa sorry. Busy kasi sila. Akala niya magtetext back ito ngunit nag ring ulit ang kanyang cp. Hindi pala ito sanay sa pagtext kaya tawag talaga ang ginagawa nito. She sighed. Nawala na pala ang kanyang constant textmate. Hmm, naalala niya ang kanyang mahiwagang notebook na nakatago na ngayon sa isang box na nasa drawer ng kanyang closet. Kundi ba naman sa kabaliwan niya, lahat nang text ng binata sa kanya ay kanyang sinulat dito. Kung pwede nga lang na pati pag-uusap nila sa phone ay irecord din niya..

 

OK! Tama ng kabaliwan yun.

 

She went to check her face in the mirror. The girl infront stared back at her. Kung titingnan, maganda na ang aura nito. Pero nang pakatitigin niya ang mga mata ay nakita niya ang lungkot na matagal na panahon pa siguro bago mawawala.

 

LUNCH!

 

*They were eating pasta in an Italian restaurant. 

 

Dylan Joshua: Are you busy on Saturday night?

 

Arianne: Nope. Why?

 

Dylan Joshua: Well, I want to invite you again. Kung ok lang sa'yo. Ini-invite kasi ako nang pinsan ko para gumimik. Don't worry, mabait naman yun at ang mga kaibigan niya.

 

Arianne: Hmm. *Tumango siya bilang sagot dahil puno pa nang spaghetti ang kanyang bibig.*

Sige.

 

*Nakangiting sabi niya dito. Ngumiti din si Deejay. Tapos, kinuha nito ang ang tissue sa gilid nang plato nito at pinahid sa gilid nang kanyang bibig na para bang natural nalang dito ang ginagawa. Natigilan siya at ito din, mukhang ito man ay nagtaka sa ginawa at atubiling ngumiti sa kanya.

 

She stared at him. Then she smiled.

 

Every Breath You Take [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon