EBYT - Love and Heartaches. 1 (Love)

627 10 8
                                    

SORRY SA MGA GRAMMATICAL ERRORS. FEELINGERANG WRITER LANG AKO. HAHA!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Sometimes, when people decide to leave you, you have to let them - no matter how much you don't want them to. There are some things that are far beyond our control. Even if you have the strength to fight for them you have to accept the cold, harsh truth, that the people you can't live without, can live without you."

LOVE

Dee: Okey ka lang ba?

Arianne: Ha? Okey naman tukayo. Medyo nag-aalangan lang ako dito sa gown ko. Parang medyo lumuwag. *laugh*

Dee: Arianne, alam mong hindi yan ang ibig kong sabihin. *bumuntong hininga ito* Kamusta na kayo ni Sam?

Natigilan siya. Tatlong araw na silang di nag-uusap ng binata at nagkikita. Well, sa part ng binata, gumawa naman ito ng paraan. Nagtext at tumawag ito kinabukasan, ngunit hindi niya sinagot ang tawag nito. Pumunta din ito sa store ngunit di niya ito hinarap. At heto nga, tatlong araw na niyang iniiwasan ito. Ayaw nga sana niya, pero masama parin talaga ang loob niya.

Arianne: Ah, pwede wag na muna nating pag-usapan?

Dee: Tukayo, bakit kasi di mo siya kausapin? Ilang araw mo na ding iniiwasan. Heto nga o, nagtetext kung magkasama daw ba tayo.

Arianne: Hayaan mo siya.

Dee: Arianne.

Arianne: Dee, masama parin loob ko sa kanya. Baka mas lumala kung pipilitin kong makipag-usap sa kanya nang ganito ang estado ng damdamin ko. Alam mo yung nagkasagutan kami, tapos magtetext siya kina-umagahan na parang wala lang. Na para bang ang nangyaring pag-uusap namin nung gabing yun balewala lang sa kanya. Iyak ako ng iyak nun. Tapos siya? Ay ewan. Ayoko muna siyang makita.

Dee: Alam mo, mali yan. Baka mas lalong lumala ang problema ninyo kung di mo aaksyunan agad. Saka walang maidudulot na mabuti ang patuloy na pag-iwas mo sa kanya.

Arianne: Hayaan mo na muna Dee. Please?

Dee: Hay. Ikaw ang bahala. Wag mo lang sanang pagsisihan ito sa bandang huli.

*Di na niya ito sinagot. Ngunit makalipas ng ilang minuto.*

Arianne: Papano kung mahal pa nga niya si Amber?

*Tumingin sa kanya si Dee.*

Dee: Siya lang ang makakasagot niyan tukayo. Bakit di mo siya tanungin?

Arianne: Natatakot ako sa magiging sagot niya.

*Lumapit ito sa kanya at hinawakan sa balikat.*

Dee: Wag kang magpadaig sa takot mo. Saka, sa nakikita ko naman, mahal ka ni Sam. Baka naman paranoid ka lang masyado.

Arianne: Iba kasi pakiramdam ko. Saka ang tagal nilang naging magkasintahan ni Amber. Samantalang, magtatatlong buwan palang kami.

Dee: Alam mo tukayo, kinakain ka ng insecurities mo e. Ilagay na nating 2 months ang official relationship ninyo, pero more than a year na din kayong magkakilala at naging malapit na magkaibigan. Noon pa na-established na ang relasyon ninyo at nito ngang huli mas lumalim pa. Ayan at di na niya napigilang magtapat sa'yo. Ikaw na ang mahal niya ngayon. Saka naalala mo yung pinayo mo sa'kin noon para kay JP? Wala sa tagal nang pagkakilala yan. Nasa lalim yan nang nararamdamam niyo para sa isa't isa.

Every Breath You Take [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon