SORRY SA MGA GRAMMATICAL ERRORS. FEELINGERANG WRITER LANG AKO. HAHA!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Author’s sentiment. 😂
“Sometimes, you don’t have to own him to be happy, you just have to stay at his side and secretly be happy.”
************************************************************************************************************
2months.
2months na sila ng binata.
Text Message
Arianne: Goodmorning baby. Wake up na. Love you. Mwah :*
*Matapos mai-send ang text message ay hinalikan pa niya ang mobile phone. Alam niyang para siyang baliw. Pero pakialam na ba. In love siya e. Alam niyang di pa makakapagreply agad ang boyfriend dahil medyo late na itong nakatulog. At alam niyang tulog pa ito sa kasalukuyan. Bumangon na siya at naghanda para sa pagpunta naman sa bookstore*
Text Message
Sam: Morning Baby. Kagigising lang. Kape tayo :)
*Nasa Aria's Nook na siya nang matanggap ang reply ng nobyo. Medyo nanlumo siya sa text nito. Wala kasing “I love you too.” Hay! Ilang ulit na ba itong nangyari? Siguro ganun lang talaga ang mga lalake. Di masyadong sanay na mag - I love you back sa text. Ngunit ang kinatakutan naman niya noon na baka hindi magagawang magsabi ng “I love you” sa kanya ni Sam, ay hindi naman nangyari.
Alalang-alala pa niya ang araw na yun. Ang araw kung kailan unang nasabi ng binata ang mahiwagang salita. One week after ng may mangyari sa kanila. *
May 25, 2011
Sam: Uminom ka na ba ng gamot?
*Humalik muna ito sa kanya bago sinara ang pinto. Kararating lang nito sa kanyang bahay. Umatake na naman ang kanyang dysmenorrhea. May buwanang dalaw siya. Sa sobrang sakit di na siya nakapunta ng bookstore*
Arianne: Oo. Kanina.
*Bumalik siya sa sofa. Dito siya nakahiga bago dumating ang binata. Inalalayan siya nito.*
Sam: Kumain ka na ba?
Arianne: Di e.
Sam: Tsk baby. Inom ka lang ng inom ng gamot, di ka kumakain? Kahit konti lang sana kumain ka.
Arianne: Sanay na'ko .Pag-ito na ang umatake sa akin. Wala talaga akong ganang kumain.
Sam: Di maganda yan. Kain ka naman kahit konti lang. Ito o, may dala akong prutas. Kahit itong apple lang.
Arianne: Haaaay. Ang kulit ng mama. Sige na nga. Pakagat nga! *malambing niyang kinagat ang braso nito*
Sam: Good. Papayag akong magpakagat sa'yo kahit buong araw, basta kumain ka lang at ng malamnan yang tiyan mo.
Arianne: Opo Father .
*Pinagbalat at pinaghiwa nga siya nito ng mansanas. Naubos naman niya ang isa. Pinagtimpla din siya ng kape. Nang mahiga siya ulit sa sofa ay umupo ito at nilagay ang kanyang ulo sa mga hita nito para gawing unan. Nang umatake ulit ang sakit ay halos maiyak na naman siya. Medyo nataranta ito. Gusto pa nga sanang dalhin na siya sa hospital pero pinigilan lang niya. First time kasi nitong makita siya sa ganung kalagayan. Pinakuha niya ito ng hot compress. Ito na mismo ang naglagay sa may bandang puson niya. Saka minasahe-masahe nito ang kanyang ulo. Hanggang sa makatulog siya.*
BINABASA MO ANG
Every Breath You Take [COMPLETED]
RomantikArianne loves Sam. Pero siya ba mahal ng binata? May patutunguhan ba ang relasyon nilang mas nabuo sa text message and online social network? Papano pag bumalik ang dating kasintahan ng binata na mas matagal nitong kakilala at mas maraming pagkakata...