George POV
Ang walang hiyang cellphone ko lang pala ang tumunog. Tinakot ko lang pala ang sarili ko. Nag echo ang tunog non sa empty room kaya halos matulig na ako bago ko pa makuha iyon sa dala kong shoulder bag.
Napasimangot ako ng makita na si Gian ang tumatawag.
"Oh Gian, bakit ka ba tumatawag?!" Aniko sa kapatid ko
"Ang sungit talaga! Kaya ka tatandang dalaga e! Kinakamusta lang kita, makikibalita. Anong itsura ng demonyo?" Ani Gian sa kabilang linya. Palaisipan sa lahat ng tao sa probinsyang ito ang itsura ni Callum Mackelroy. Wala pa kasing nakakakita sa mukha ng binata. Bukod kay Aling Juanan at sa sumalangit nawa na si Kuya Jaime ay wala ng ibang taong nakakita kay Callum at tikom ang bibig ni Aling Juana pag dating sa amo. Marami ang nagsasabi na mukha daw itong demonyo, may nagsasabi na mukha itong bampira at may nagsasabi na sunog na sunog ang itsura nito na halos magmukha ng halimaw.
"Lokong to! Kakaalis ko lang diba? Tigilan mo nga ako. Hindi pa nga ako naiinterview!" Aniko sa kanya
"Sus! Inaalam ko lang naman kung buhay ka pa eh! Baka kasi bampira ka na dahil titira ka sa bahay ng bampira!" Anito sabay nagtawa ng malakas.
"Aist... Gian Leandro! Makukutusan kita pag uwi! Tigilan mo ang pagsasayang ng load ha at ako din ang nagloload nyan!" Aniko na ikinatawa naman ni Gian
"Ate hindi ka na nga makakauwi eh. Diba dyan ka na titira?!" Dagdag pang aasar pa nito sabay tawa at patay ng tawag nya.
Abat pinatayan pa ako ng tawag ng damuhong yon! Alam na alam na sasagot pa ako sa pang aasar nya!
Kahit kelan talaga ang kapatid kong yun ang stress reliever ko. Dahil sa tawag nya ay sandaling nakalimutan ko ang takot ko at napalitan ng bahagyang ngiti. Ganon lang kasi kami mag usap at mag asaran pero mahal na mahal namin ang isat isa. Muli akong napalingon sa likod ko at sa mga gore paintings na naka display doon, pakiramdam ko kasi ay may nakatingin at nagmamasid sa akin. Kinilabutan akong muli ng ilibot ko ang tingin sa walang kalaman laman na kwarto. Nagsisi pa tuloy ako kung bakit nag sleeveless ako. Niyakap kong muli ang sarili ko at sa kabadong dibdib ay naghintay sa pagbalik ni Aling Juana.
Halos isang oras na akong naghihintay sa parlor kung saan pinagdalhan sa akin ni Aling Juana pero hindi pa rin nya ako binabalikan. Natitigan ko na din lahat ng paintings dito at isa isang ininspeksyon. Pakiramdam ko kasi ay may kakaiba sa kwartong ito pero hindi ko ma-pin point kung ano. Matagal na rin akong nakaupo sa gintong trono na tanging kasangkapan sa kwarto. Naiinip na nangalumbaba ako. Kung alam ko lang na ganito pala katagal akong paghihintayin ay sana nagpagabi na lang ako ng dating. Muli kong kinuha ang cellphone ko at maglalaro sana ng tumunog ang warning, Lobat na din pala ang baterya non kakalaro ko kanina pa. Ipinasok ko na lang iyon muli sa shoulder bag ko at tumayo. Pinasadahan ko ng hagod ang sleeveless black dress ko. At pinasadahan ko din ng kamay ko pasuklay ang buhok kong inayos ko pa at kinulot sa dulo para lang magmukhang presentable. Napatingala ako para iunat ang ulo ko ng mapansin ko ang isang cctv na naka installed sa may gilid ng kwarto. Napakunot ang noo ko don.
May nanonood ba sa cctv? Kaya ba pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin?!
Kabadong lumapit ako at tinitigang mabuti ang cctv. Halos hindi talaga ito mapapansin dahil sa pulang kulay din nito.
Inusog ko ang upuan para apakan at makitang mabuti ang cctv ng biglang may nakakabinging tunog na animoy mikropono na hindi nai-tune.
Napatalon ako mula sa pagkakatayo ko sa bangko at halos takbuhin ko na ang pinto sa gulat sa nakabibinging tunog na iyon.
Diyos ko! Magkaka- heart attack na yata ako! Kanina pa ako nagugulat!
BINABASA MO ANG
The Castle of Callum (COMPLETED)
RomanceWho dares enter the lair of Callum Mackelroy? Georgina Pitonghari does