14 Rules

31.6K 888 5
                                    

George POV

Madilim pa ng dumating ako sa kastilyo, bitbit ang isang malaking bag ko na naglalaman ng mga damit ko. Nagdoorbell ako na himalang sinagot agad ni Aling Juana. Kung ganon alas singko pa lang ay gising na ang mga tao dito. Grabe naman sa aga. Pinatuloy ako ni Aling Juana at giniya sa taas.

"Ito pala ang kwartong gusto ni master na okupahin mo. Dati doon si Jaime sa dulong kwarto." Ani Aling Juana habang turo ang dulo sa isang hallway. Pumasok kami at natulala ako sa laki at ganda ng kwarto. Hinanda ko pa naman ang sarili ko kagabi na magulat sa klase ng kwarto na ibibigay sa akin pero eto ngayon at mala reyna ang kwarto ko. May mga malalambot at mapuputing kurtinang nakasabit sa four poster bed. Off white ang kulay ng pader, may painting pa sa kisame ng mga cute na anghel na nakangiti animoy naglalaro sa ulap, may mga kagamitan ding moderno gaya ng flat screen tv. May lampshade din sa gilid at may maliit na office table malapit sa balkonahe. May maliit na shelves din na puno ng libro katabi ng office table. May mga paintings din doon na kung titignan ay mukhang mga mamahalin, kumbaga ay collector's item.

"Saan po ang kwarto nyo Aling Juana?" Aniko kay Aling Juana pagkatapos na mabusog ang mata ko sa magandang kwarto. Ibinaba ko lang ang gamit ko sa kama at sumabay sa paglabas ni Aling Juana.

"Sa east wing ako. Naroon kasi ang kusina kaya doon na din ang kwarto ko." Ani aling Juana habang tinuturo ang isa pang hallway. Napatango na lang ako. Nasa west wing kasi kami ng kastilyo.

"Si... si Sir Callum po saan?" Aniko. Gusto ko lang malaman kung saan sya pwede manggaling.

"Ah si master. Sa taas ang kwarto nya. Nga pala, bawal kang umakyat doon ha. Kabilin bilinan yun." Ani Aling Juana na ikantango ko na lang.

Sus! As if naman gusto kong puntahan ang kwarto ng halimaw na yun!

"George, medyo maaga magsimula si master ng trabaho. Marahil sa dami din ng tinatrabaho nya. Alas sais pa lang ay nagtatrabaho na sya kaya kailangan ka nya sa office room nya dito sa loob ng kastilyo ng alas sais impunto."

"Opo Aling Juana. Wala pong problema doon." Aniko kay Aling Juana.

"Tara sa kusina para mag almusal. Mamaya ko na sayo ituturo ang office dito." Ani Aling Juana.

Binigyan ako ni Aling Juana ng kape at tinuro ang niluto nyang almusal. Kumuha lang ako ng pancakes doon at sinimulang kumain. Si Aling Juana naman ay naglalagay ng isang heavy meal sa tray. May rice, egg, hotdog at bacon doon.

"Iaakyat ko lang to kay master Callum ha, kumain ka lang dyan." Ani Aling Juana at lumabas na sya ng kusina.

Pagkatapos ay tinuro sa akin ni Aling Juana ang magiging opisina ko. Nagtaka pa ako ng hindi pala kami magkasama ni Sir Callum, hindi sa gusto ko kami magkasama. Akala ko lang naman.

Sa opisina ko ay may dalawang pinto. Isang entrance at isa sa gilid. Hindi ko alam para saan ung isa. Sinubukan kong buksan sa pag aakalang cr iyon pero nakalocked.

"Aling Juana para saan ang pintong ito?" Aniko kay aling Juana na ikinangiti nito.

"Adjoining room kasi ang kwartong ito. Ang kabila ay ang opisina ni Sir Callum. Mag-uusap kayo sa telepono na yun." Ani Aling Juana sabay turo sa telepono sa lamesa.

"At kapag may kailangan sya sayo, iaabot mo lang yun sa kanya sa kabilang kwarto. Alam mo naman na ayaw nyang nagpapakita sa tao, bale ilulusot mo lang sa ilalim ng pinto ang files na kailangan nya. Kapag naman malaki ay iaabot mo sa kanya at bubuksan nya ang pinto." Natulala naman ako sa mga sinabi nya. Napangiti naman sa reaksyon ko si Aling Juana.

Grabe naman! Malala na talaga ang anti-social problems ng lalaking iyon! Or...
Maybe he is deformed that he is embarrassed to be seen? I dont really care if he is physically deformed, I am more concerned with how will he treat me.

Sinabi pa ni Aling Juana ang iba pang bawal gawin sa kastilyo tulad ng paglilibot sa kabuuan ng kastilyo. Bawal din akong pumunta sa likod na hardin ng kastilyo dahil doon daw madalas maglagi si Callum kapag inilalakad ang aso nya o kaya ay nag eehersisyo. Lalo na daw sa hapon kapag ito ay gustong mag isip ay madalas daw ito sa kagubatan sa likod. Nagkibit balikat lang ako, sa totoo lang ay ayaw ko din makasama ang lalaki at talagang iiwas ako kung nasan man sya.

The Castle of Callum (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon