19 Haunted

32.7K 920 21
                                    

George POV

Araw ng linggo ngayon at nakaka apat na araw na ako bilang sekretarya ni Sir Callum. Hindi na din muling bumalik ng kwarto ko si Sir Callum simula nung unang gabi ko dito, marahil galit pa rn ito ng sagutin ko sya. Gabi gabi ay halos hindi ako makatulog na baka nasa loob na sya ng kwarto ko pero naging tahimik iyon, mag isa lang ako hanggang sa pagtulog ko.

Tumawag na din ako kila mama at papa. Napag alaman kong may trabaho na si Papa as HR manager sa Mackelroy Malls. Si sir Callum daw ang nagbigay. Nagulat ako na ginawa yun ni Sir Callum pero natuwa na din ako dahil masayang masaya si Papa habang nagkukwento. Ramdam ko yun sa bawat salita nya at pati na din si Mama dahil nagtatawanan sila. Napalagay ang loob ko dahil sa isiping masaya sila at bumalik na ang self confidence ni Papa nakonsesya tuloy ako sa pagsagot ng pabalang sa lalaki.

Sabi ni Aling Juana ay araw ng pahinga ang linggo. Kaya nagpatanghali ako ng gising. Alas nuebe na ng bumaba ako ng kwarto at nagpunta sa kusina. Sa laki ng kastilyong ito pakiramdam ko napakaliit lang ng pwede kong galawan. Gusto ko sana libutin ang kabuuan ng kastilyo pero pinagbabawal naman nila.

Nasa may hallway ako ng may mapansin akong maliit na anino sa may hallway na animoy nakatayo sa may gilid ng kwarto. Nanigas ang buong katawan ko at sa isang iglap lang ay naglaho din iyon. Naglakas loob akong lumakad at tignan ang kwartong pinanggalingan ng anino pero pag tapat ko doon ay wala naman akong nakitang tao. Nangilabot ako at nagtatakbo ako papasok ng kusina. Imposible kasi na si Sir Callum at si Aling Juana iyon dahil sa liit ng aninong nakita ko.

Oh my God! Haunted nga ata ang bahay na ito!

Sapo sapo ko ang dibdib ko ng mapatili ako ng bumangga ako sa isang bulto.

"George! Ayos ka lang?!" Ani Aling Juana na hawak ang braso ko.

"Aling Juana! Ginulat nyo naman ako! Bakit ba bigla na lang kayong sumusulpot?!" Paos at takot na takot na aniko kay Aling Juana.

"Aba ikaw nga itong humahangos na pumasok ng kusina! Ayan tuloy nagkabanggaan pa tayo! Bakit ka ba nagmamadali?" Ani Aling Juana

"May... May nakita k-kasi akong maliit na anino sa hallway!" Aniko kay Aling Juana

"Anino? Baka naman namalikmata ka lang. Motion sensor kasi ang ibang ilaw sa mga hallway baka ang nakita mo ay anino lang ng mga nakasabit na display. Wag mo ng takutin ang sarili mo, kumain ka na doon. Masarap ang niluto ko ngayon paborito ni Sir Callum, kare kare." Mahabang ani ni Aling Juana. Kaya napatango na lang ako kay Aling Juana.

Baka nga namalikmata lang ako.

Pagkatapos kong kumain ay bumalik na lang ako sa kwarto ko at nagbasa ng libro sa may balkonahe ko ng mapansin ko sa baba ang isang pigura.

Si Sir Callum iyon na nakasweat pants at jacket na as usual kulay itim. Nakabullcap pa din ito habang nag pupush up sa may tagiliran ng kagubatan. Medyo malayo na ito sa kastilyo kaya hindi ko na din maaninaw ang mukha nya. May mga dala din itong barbell doon. Nag eehersisyo pala ito. Pinanood ko kung gaano kabilis nitong mag push up na halos hindi ko na din mabilang.

Ng tumayo ito ay napatingin ito sa direksyon ko at mabilis akong pinanlakihan ng mata. Agad kong itinaas ang librong nakalimutan ko na palang pagtuunan ng pansin. Itinago ko ang mukha ko doon.

Shìt! Baka isipin nya nagpunta ako dito para tanawin sya!

Ilang minuto pa ang lumipas at naglakas loob akong sumilip sa librong hawak ko. Nakahinga ako ng maluwag ng wala na doon ang lalaki. Wala na rin ang gamit nitong pang ehersisyo nya.

Napakalma na bumalik na lang ako sa pagbabasa ng libro.

Bandang hapon na ng makaramdam ako ng pagkabagot. Hindi ko na alam ang pwedeng pampalipas oras ko kaya lumabas ako ng kwarto. Pero hindi ko naman makita si Aling Juana sa paligid.

Nagpunta ako sa kusina at nakielam doon, magbe-bake na lang ako ng cookies. Nakakatuwa lang na kumpleto ang lahat ng supply doon. Ikaw ba naman ang may ari ng mall panigurado lahat meron ka na. Naamoy ko na ang bango ng gawa ko ng mailabas ko ang first batch ng cookies ng gawa ko. Tinikman ko iyon at napapikit pa ang mata ko sa sarap.

Perfect!

Nakaka second batch na ako ng lagay ng cookies at pinapalamig ko na sa lamesa ang mga una kong gawa ng naisipan kong kumanta habang nakatingin sa nalulutong cookies ko. I sang the first song that came into my mind... How far I'll go...

I've been standing at the edge of the water
Long as I can remember
Never really knowing why
I wish I could be the perfect daughter
But I come back to the water
No matter how hard I try...

Ng mapatigil ako ng may marinig akong mahinang bungisngis ng bata. Sobrang faint lang na mapagkakamalan mong creak lang ng lamesa pero narinig ko iyon. Nanindig ang balahibo ko at nag umpisa ng kabugin ang dibdib ko.

"Sinong n-nandyan?" Kabadong aniko pero katahimikan lang muli ang sumalubong sa akin.

Napabuga ako ng hangin sa kaba at napatingin sa niluluto ko. Tapos na iyon kaya inilabas ko na lang at muling pinalamig sa lamesa ng mapansin kong kulang na ng halos pitong cookies ang unang batch ng cookies na pinalamig ko kanina.

Aba! Ayos kang multo ka ah! Kumakain ka na pala ngayon!

Nasa ganon akong pag iisip ng pumasok si Aling Juana at may dalang pinagkagatan ng cookies.

"Aba George! Ang sarap ng gawa mong cookies! Chocolate flavor ba ito? Pasensya na ha kumuha na ako." Ani Aling Juana habang angat angat ang cookies

Tignan mo itong si Aling Juana naka pitong cookies na tas sasabihing chocolate! Butter cookies yan e!

"Tong si Aling Juana nagpapatawa, butter cookies ho yan e!" Aniko na nagpatawa ng malakas sa matanda

"Biro lang naman George! Sige na at maglagay ka sa mangkok, tamang tama at dadalhan ko si master ng meryenda! Iyang gawa mo na lang ha. Di kasi ako marunong magbake para maiba naman ang panlasa ni master." Tuwang tuwang anito habang nireready ang tray nya.

"Aling Juana, pwede bang pakisabi na din kay Sir Callum na salamat dahil binigyan nya si papa ng trabaho?" Nahihiyang aniko kay Aling Juana na nangunot ang noo.

"Ginawa ni master yun?!" Gulat na aniya at tumango ako.

"Tignan mo nga naman... Hay..masaya talaga akong narito ka George!" Anas ng matanda na ikinakunot ko ng noo.

Ibinigay sa akin ni Aling Juana ang mangkok na paglalagyan ng dadalhin kay Sir Callum kaya pinuno ko na lang iyon ng maraming cookies. Nag iwan lang ako ng kasya sa amin ni Aling Juana

Sana magustuhan din nya.

The Castle of Callum (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon