20 Sinister 2

32.1K 916 9
                                    

George POV

Kakatapos lang ng maghapon pagtatrabaho ko ng may marinig akong mga boses sa baba. Nagtatakang sumilip ako at nakita ang dalawang babaeng naroon. Siguro ay kasing tanda ni Aling Juana.

Bumaba ako at sinalubong sila.

"At sino naman ang babaeng yan?! Wag mong sabihing babae nanaman yan ni Callum?!" Masungit na anas nung isang babaeng may katabaan. Mapang uyam nya akong tinignan at tinaasan ng kilay. She pulled her hankerchief and cover her mouth as if I have some infectious disease she didnt want to get.

"Naku hindi po Ma'am Guada, sya po ang pumalit kay Jaime bilang sekretarya po ni master. Si George po. George si Ma'am Guada at Ma'am Clarissa ang tiyahin ni master." Ani ni Aling Juana

May tiyahin pa pala ang diablo?! Na parang sugo din ng lupon nya..tsk..

"Magandang hapon po." Magalang pero labas sa ilong kong bati.

"Ikuha mo kami ng maiinom!" Sigaw naman nung si Clarissa sa akin na nagpatulala sa akin. Nagsindi pa ito ng sigarilyo sa harapan ko gamit ang isang personalized lighter with her engraved name on it, she blows her puff on me. My hand fisted at her obnoxious behavior.

"Ah saglit po, ako na po ang kukuha." Ani naman ni Aling Juana

"Tutulungan ko na po kayo Aling Juana." Aniko na lang. Ayaw kong maiwan sa dalawang hukluban na iyon.

Pagkapasok namin sa kusina ay agad nagtimpla ng juice si Aling Juana at mahinang nagsalita.

"George, pasensya ka na sa dalawang yun ha. Narito nanaman siguro yun at wala ng pera. Pupunta lang naman yun para huthutan si master. Ewan ko ba kay master laging pagbigyan yang dalawang yan. Kaya namimihasa. Step sister yan ng madam, yung nasirang mama ni master. Ni hindi nga kadugo nila master at madam yan." Mahabang kwento ni Aling Juana sa akin na ikinatango ko lang.

"Mawawala din kaagad ang mga yan mabilis pa sa sinisilabang damo kapag binigay na ni master sken at inabot ko na sa kanila ang cheque nila." Dagdag pa ni Aling Juana

"Bakit po pumapayag si sir na mahuthutan sya?!" Bulong ko kay Aling Juana

"E kasi sobrang bait ni master! Tinuturing pa rin nyang kamag anak yang mga yan! Kahit kung tutuusin di naman sya tinuring nilang kamag anak!" Ani ni Aling Juana. Halata ang pagkadismaya sa mukha nya.

"Nakakaawa talaga ang alaga ko. Mag isa na nyang hinarap ang buhay at hanggang ngayon naghahanap pa din sya ng hustisya." Mahinang ani Aling Juana na animoy kausap ang sarili.

"Hustisya para saan Aling Juana?" Aniko na ikinagulat ni Aling Juana

"Naku.. Wala..wala yun.. Tara na sa dalawang impakta." Ani Aling Juana na may pagkataranta pa.

Napataas pa ang kilay ko ng sigaw sigawan nila si Aling Juana kesyo raw ang dumi ng paligid at kung bakit daw hindi inaayos ang trabaho.

Tama nga si Aling Juana dahil pagkabigay nya ng cheque ay agad ding nagpaalam ang dalawa. Napapailing na lang ako sa kasamaan ng ugali ng mga kaalis na bisita. Hindi dapat pinapamihasa ang mga ganon.

-----

Kakatapos kong maligo at nagtutuyo ako ng towel ng magulat ako sa tikhim sa likod ko. Naroon ang lalaki sa may bandang madilim na parte ng kwarto ko at nakasandal sa dingding. As usual hindi ko pa din maaninaw ang mukha nya sa malamlam na ilaw ng lampshade ko.

"P-paano ka nakapasok? Nakalock ang p-pinto ko ah!" Aniko kay Sir Callum. Ang nilock ko kasi ay yung lock na pang tarangka para walang makapasok sinoman kahit may susi pa, ginagawa ko iyon tuwing magbibihis ako, ayoko lang na pumasok ang lalaki kapag nagbibihis ako, gaya ngayon at tinatanggal ko din iyon pagkatapos. Tinanaw ko ang pinto ko at nakitang nakatarangka pa din ang lock ng pinto.

"This is my castle. I know my ways." Sagot ng lalaki

Napabuntong hininga na lang ako sa sagot nya.

"Pwede bang lumabas ka muna? Magbibihis lang ako?" Mahinang aniko habang mahigpit na hawak ang dulo ng towel ko. Ramdam ko ang unti unting pag iinit ng katawan ko sa nararamdamang pagtitig ng lalaki.

And for crying out loud...kakaligo ko lang bakit parang ang init?!

"You're throwing me out of my own place?" Anito na nakahihimigan ko ng mapaglarong tono

"H-hindi po sa ganon sir." natatatantang aniko.

"Lose the towel sevenkings. I want to see you with the lights on." Anas ng lalaki na nagpalaglag ng panga ko.

Oh my God! Eto nanaman sya!

The Castle of Callum (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon