15 The phantom

32.5K 977 14
                                    

George POV

Nakaupo na ako sa desk ko at pinapamilyar ko ang sarili ko sa mga nababasa ko sa mga emails ng lalaki para maintindihan ko ang work flow nya at namangha ako sa pagka organized at well managed. Binabasa ko din isa isa ang mga kumpanyang pagmamay ari ni Sir Callum. Nangangapa pa kasi ako at alam kong wala naman ibang magtuturo sa akin kaya self study ngayon ang ginagawa ko. Tinignan ko ang orasan at pasado alas diyes na. Pero wala pa ring indikasyon na may tao sa kabilang kwarto. Tahimik lang ang paligid ko na parang ako lang ang tao sa mundo. Muli akong nagfocus sa binabasa kong company profile ng biglang tumunog ang intercom.

"Give me the red file on Hudson's mercantile. Jaime usually put it at the top shelves. Just slip it under the door." Anas ng baritonong boses ng lalaki.

Kaya dali dali akong tumayo at humarap sa naglalakihang shelves na sa sobrang dami ay hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Umakyat ako sa pang dalawahang hakbang na hagdan na naroon at inumpisahang hanapin ang sinasabi ni Sir Callum. Naiintindihan ko ang hagdan na yun dahil maliit na tao lang si Kuya Jaime na gaya ko. Nasa pangatlong usog na ako ng hagdan at nasa pangatlong shelves ng may biglang brasong lumabas sa gilid ng mukha ko. Halos manigas ang buong katawan ko sa gulat. Naka-long sleeves na black ito, napatitig ako sa mahahabang daliri nyang nakaturo sa files na animoy iniisa isa ang naroon. Now I can smell his manly intoxicating scent that assaulted my nostrils and I breath in deeply, he really smelled good.

"Dont turn your head." Husky na bulong nito sa likod ko. I can feel his breath fanning my nape as he speaks. I swallowed hard, trying with all my might not to move. My heart racing and my body rigid. Kinuha lang ng kamay nya ang red file malapit sa mukha ko at ramdam ko na din ang paglayo nya.

"Next time. Do everything with haste. I dont have all day to wait for you." Anito at ilang minuto pa ay narinig ko ang mahinang pagsasara ng pinto.

Bakit hindi ko man lang naramdaman ang presensya nya?! At wala man lang syang ingay nung lumabas sya. He is like a phantom in the dark!

Nanginginig na bumaba ako ng dalawang hakbang na hagdan at nanlulumong umupo sa swivel chair ko. He didnt touch me but I felt myself tingling to the sensation of his nearness.

Fvck! What is that?!

I found myself wondering what it is. Maybe I was just afraid, I am so fvcking afraid of him.

---
Bandang alas dose na ng bumaba ako sa kusina at nakitang naghahanda ng pagkain si Aling Juana, inalalagay nito ang lutong ulam sa tray.

"Oh George, gutom ka na ba? Ipagdadala nga sana kita ng tanghalian mo eh. Uunahin ko lang si master Callum." Anito

"Aling Juana, pwede bang dito na lang ako kumain? Sabay na po tayo, gusto ko ng kasabay. Ang hirap din kumain sa lamesa ko eh, tambak ang mga papel doon." Aniko na ikinangiti naman ni Aling Juana at tumango sya.

"Sige, hintayin mo na lang ako at ihahatid ko lang ito kay master." Anito at inumpisahan ng lumabas ng kusina.

Kumakain na kami ni Aling Juana ng magkalakas ng loob akong magtanong kay Aling Juana

"Aling Juana, nakita nyo na po ba ang mukha ni Sir Callum?" Curious na aniko. Napaangat ang tingin ng matanda sa akin at may naglalarong ngisi sa labi nya.

"Oo naman." Anito na ikinatango ko pero muli lang nagbalik sa pagkain ang tingin ng matanda na animoy hindi talaga magkukwento kaya muli ko syang tinanong.

"Ano pong itsura nya?" Dagdag ko.

"Aba edi sobrang gwapo!" Anito sabay tawa ng malakas na ikinaingos ng nguso ko.

Hindi ko maintindihan ang matanda kung seryoso ba sya o nagbibiro dahil nagtatawa pa ito.

Ang labo naman ni Aling Juana!

"Aling Juana naman eh! Bakit naman kayo tumatawa? Seryoso ba kayo?" Hindi ko napigilang itanong. Nagtawa lang muli ang matanda at umiling iling. Muli itong sumubo na tanda na hindi na ito sasagot.

Ano ba naman itong si Aling Juana! Kasing malihim gaya ng amo nya! Bagay talaga silang magsama!

Tinapos ko na lang ang pagkain ko at bumalik sa opisina ko. Binalik ko ang sarili ko sa pagbabasa ng ibat ibang company back and forth emails at iba pang file na nakalagay sa lamesa ko.

Hindi ko na namalayang alas singko na pala. Ang bilis lang talaga ng oras kapag naging busy ka. Iniunat ko ang likod ko at sumandal sa swivel chair. Kahit papaano ay marami na akong nalaman. Napag aralan ko na din kung paano inarrange ni Kuya Jaime ang files sa shelves nya. Nasa pag iisip ako ng tungkol sa pamilya ko ng biglang tumunog ang telepono ko.

"Sevenkings, We end our day at five." Anito na ikinairap ko sa hangin. Iyon pa din kasi ang tawag nya sa akin at sa aga ba naman namin nagsimula dapat lang maaga din matapos. Ng bigla kong maalala ang gusto kong itanong sa kanya. Kaya mabilis akong nagsalita bago pa matapos ang tawag nya.

"Sir... Itatanong ko po sana ang tungkol dun sa titulo ng bahay namin. Bakit nyo po ginawa yun? Ano pong kapalit non?" Kabadong aniko. Gusto kong malinawan sa bagay na ito. I heard him sigh on the other line.

"I know its not in the contract, dont get too stress out about it. I'm not a monster Sevenkings, Consider it your bonus." Anito na nagpasinghap sa akin.

Wow! Nauna pa ang bonus sa trabaho! Pero di ko tatanggihan yun dahil sobrang nawala ang pag aalala ko kung saan lilipat sila Papa.

"Sir thank you po! Maraming salamat talaga! Pagbubutihin ko po ang trabaho! Makakaasa kayo sa akin..." masayang aniko sa kanya. I heard him clacked his tongue in annoyance with my show of gratitude. Pero ang mga sumunod na sinabi nya ang nagpatulala sa akin.

"I'll come in your room tonight." Anito sabay patay ng telepono. Halos nanlamig ang buong katawan ko sa sinabi nyang yun. Napahigpit ang hawak ko sa handle ng swivel chair ko at napalunok. Muntik ko ng makalimutan na hindi lang pala ako basta sekretarya lang. Isa din pala akong bedwarmer.

Holyshìt! Paano na?!

The Castle of Callum (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon