George POV
I let out a deep breath as I tried to remained calm. I need all the strength and convincing power in my body to get through to the monster, scratch... I mean master of the house.
I knocked and waited for Aling Juana to answer the door. After a minute of fidgeting, the door finally opened and Aling Juana looked shocked to see me.
"Oh George, pasok ka iha, dinadalaw mo na ba ako?!" Pabirong anito na ikinangiti ko ng tipid.
"Aling Juana, may problema po kasi kami. Nagbabaka sakali akong matulungan ako ni Sir Callum." Panimula ko na ikina kunot ng noo ni Aling Juana.
"Bakit hija? Anong nangyari?" Anito habang iginigiya ako sa isang kwarto na sa pakiwari ko ay receiving area nila.
"Si Gian po kasi napagbintangang nagnakaw. Nakakulong po sya ngayon." Malungkot kong kwento kay Aling Juana.
"Naku abat bakit nasangkot si Gian doon? Abay mabait na bata yon!" Gulat na ani ni Aling Juana.
"Eh hija, ako'y hindi sa nagtataboy, pero pano naman makakatulong si master Callum doon?" Ani Aling Juana ng may pagtataka. Napayuko ako.
"Kasi po sa Mackelroy Bank po kasi nangyari. Nagbabakasakali lang po ako na matulungan si Gian ni Sir Mackelroy." Nahihiyang aniko kay Aling Juana. Nagpatango tango si Aling Juana at pagkatapos ay nag isip.
"Aba ang sinasabi mo ba ay yung nabalita ko nung isang araw? Na may nagnakaw sa bangko ni Master?" Ani ni Aling Juana na ikinatango ko. Napatango din si aling Juana sa akin.
"Hindi kasi tumatanggap ng bisita si master Callum ng basta basta. Hindi din sya humaharap sa tao ng basta basta. Siguro naman alam mo na iyon ng interview-hin ka nya mula sa kwarto." Malungkot na pahayag ni Aling Juana na ikinalumo ko.
Ano ng gagawin ko. Paano na?!
"Pero..." narinig kong ani Aling Juana kaya napatingin akong muli sa kanya.
"Pero susuway ako ngayong pagkakataon ito lang. Para makabawi ako sayo nung huling nagpunta ka dito. Ganitong gagawin mo, Nilalakad ni master Callum ang hardin sa likod, paikot kasama ang aso nyang si Titus. Doon mo sya kausapin at sabihin mong umikot ka lang dahil kumakatok ka at walang nagbubukas. Sige na hija, doon ang daan. Bilisan mo bago pa sya pumasok ng bahay." Mabilis na pahayag ni Aling Juana sabay turo sa maliit na pasilyo. Mabilis akong napatayo at tumakbo ako pero mabilis din akong bumalik at hinalikan sa pisngi si Aling Juana.
"Salamat po." Aniko, ngumiti lang at tumango si Aling Juana kaya ginantihan ko muna sya ng ngiti at muling tumakbo ako sa likod ng kastilyo.
I need to do this for Gian. I will face the monster or even demons just to free my brother.
BINABASA MO ANG
The Castle of Callum (COMPLETED)
RomansaWho dares enter the lair of Callum Mackelroy? Georgina Pitonghari does