George POV
Callum has been quiet and aloof for the last five days. He would call me and ask for files and schedules, but he is not the playful and sweet guy anymore. Something definitely changed and I dont have a clue what it is. He became his old self again, the progress I had with him seems to vanish into thin air. It left me to think if I did something wrong or am I'm just overseeing things between us. It left me to doubt about his feelings towards me. It got me to thinking of where I stand.
Does he still like me? Did he got bored with me?
Its been five days that I havent seen him and I'm missing him so. He didnt sleep in my room again or even showed up in my office. And it got me to thinking of the whys.
It was a gloomy friday afternoon when an unexpected visitor came to the castle. It was the two aunts that can turn a good day into a bad one. They started barking orders at Aling Juana and demanding Callum's presence. I quickly gave them some refreshments.
Tinignan nila ako na animoy nang uuyam sa kabuaan ko, hindi ko na lang sila pinansin at nagderetsong muli sa kusina. Nakita ko si Mawi na naginginig na natulos sa isang gilid ng kusina at nakatanaw sa dumating na bisita. I called him but as soon as he heard me, he scrambled to his feet and left my side like a scared cat. I went running after Mawi and he turn to the hallway and into my room. He jump to my bed and put the blanket over him. I touched Mawi's arms and he flinched. Too scared and shaking like a leaf.
"What's wrong Mawi? Bakit ka natatakot? Ako ito Mawi, pwede mong sabihin sa akin lahat." Mahinahong kong ani kay Mawi. Tinanggal ko ang kumot na nakatalukbong kay Mawi at kita ko ang takot sa naiiyak at malamlam nyang mata. Namumutla na rin sya kaya hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya.
Something is definitely scaring him this much! He looks like he has seen a ghost.
"Bakit Mawi? Anong problema?" Muli kong subok pero bumuka lang ang bibig ni Mawi pero walang lumabas na salita doon. Pagkatapos ay humagulgol na ang bata. Naawang niyakap ko sya at hinayaan umiyak ng umiyak.
"Ma...ma...ma..mama.." Ani ng bata na ikinatingin ko sa kanya. Kung ganon ay naaalala nya ang mama nya. Ngayon ko lang narinig ang malamyos na boses nya kaya nagulat pa ako na marunong nga palang magsalita ang bata.
"Miss mo na ba ang mama mo?" Aniko na ikinatango lang ng bata.
"Pwedeng ako ang maging mama mo, kung gusto mo lang naman... Hindi sa pinapalitan ko ang mama mo. Ang tunay mong mama nasa puso mo sya lagi. Binabantayan ka din nya nasisigurado ko yon." Mahinahong aniko ng biglang yumakap sa akin si Mawi.
"Sunog... Sinunog ni..la si ma..ma!"ani ng bata sa pagitan ng pag iyak na ikinagulat ko. Nilayo ko si Mawi at tinitigan ang mukha nyang luhaan. Mapaghanap ang matang inilibot ko sa kabuuan ng maamong mukha nya.
"Anong sabi mo Mawi?" Paos na aniko
"Si mama ko... Sinunog siya nung dalawang babae sa baba." Ani ni Mawi na sanhi para mangilabot ako at halos tumigil ang puso ko sa pagpintig.
Sinasabi ba ni Mawi na hindi aksidente ang naging sunog dito sa kastilyo at talagang may sumunog dito?! At ang dalawang tiyahin ni Callum ang salarin?!
"Mawi... Mawi.. Paano mo nasabi yan?!" Aniko sa bata.
"Nakita ko sila! Nakita ko sila na sinilaban ang kwarto ni Ma'am Daisy!" Ani ng bata sa pagitan ng pag iyak.
Halos mangilabot ako sa mga sinasabi ni Mawi. At di ko alam ang mararamdaman ko.
"Nandoon si mama sa kwarto ni Ma'am Daisy. Nakita ko lahat, Mama George." Ani ng bata sa pagitan ng paghikbi
"Sino si Daisy Mawi?" Aniko kay Mawi.
"Asawa po ni Halimaw." Sagot muli ni Mawi
"Sino si Halimaw?" Paninigurado ko kahit bahagyang alam ko na ang sagot.
"Yung lagi pong tumatabi sa atin tsaka lagi po kinakain ang labi mo Mama George." Ani ng bata na ikinangiwi ko. Pero hindi mawawaglit sa akin ang mga sinabi ng bata.
Ang dalawang bruhilda ang may gawa ng sunog?! Bakit?!
Napakasama talaga ng budhi ng dalawang impakta na yon?!
"Mawi, anong dahilan nila para gawin ang pagsunog sa kastilyo?" Tanong ko kay Mawi
"Ayaw na po kasi silang bigyan ng pera ni Ma'am Daisy dahil nagsumbong si Mama na nakita nya na pinansusugal lang nila ang pera. Kinulong po nila si Ma'am Daisy at mama sa kwarto tapos po nagsunog na po sila." Umiiyak na sumbong ni Mawi na ikinaiyak ko na din sa sobrang awa sa bata.
Kailangang managot ng dalawang impakta na yon!
"Mawi, sinabi mo na ba yan kay Callum?" Aniko na ikinailing ni Mawi.
"May sinabihan ka bang iba bukod sa akin?" Ani ko at muling umiling ang bata.
"Sabi nilang dalawa susunugin din nila ako pag nahuli nila akong nagsalita. Pumasok ako sa sekretong daanan kaya hindi nila ako naabutan Mama George. Papatayin daw nila ako gaya ng ginawa nila kay Mama kapag nagsalita ako at tinuro sila." Ani ni Mawi, nanginginig pa din ang bata habang kinukwento iyon kaya naawang inakap ko sya. Kaya marahil pinili nitong hindi magsalita, marahil sa takot sa dalawang bruhildang iyon! Grabe ang ginawa nilang pangto-trauma sa batang ito. Isipin pang limang taon lang ang bata nung panahong yun. Naikuyumos ko ang ang palad sa galit at sinubukang pakalmahin ang sarili para tumahan si Mawi.
"Walang makakapanakit sayo Mawi. Hanggat nandito ako, hindi ka nila mahahawakan at masasaktan. Naniniwala ka ba sa akin Mawi?" Mahinahong aniko sa bata kahit nagpupuyos na ako sa galit.
"Opo Mama George." Ani ni Mawi kahit nanginginig pa rin ito sa takot. Inakap ko lang si Mawi hanggang sa mawala ang panginginig nya. Hinagod ko lang ng hinagod ang likod nya hanggang sa hindi ko na marinig ang iyak nya.
Namigat si Mawi para lang mapagtanto kong nakatulog na pala ito. Dala marahil ng sobrang pagod at takot. Inihiga ko lang ang bata sa kama at pagkatapos ay kinumutan at nagmartsa na ako patungo sa hagdan. Susuungin ko ang mawala makita lang ang kwarto ni Callum. Kailangan ko syang makausap at ipaalam lahat ng nalaman ko. Importateng malaman nya na ang dalawang pinaluluwagan nya ng pera ay ang syang kriminal na nagsunog sa pamilya nya.
Nagngingitngit sa galit at determinadong naghanap ako ng kwarto ni Callum
BINABASA MO ANG
The Castle of Callum (COMPLETED)
RomantizmWho dares enter the lair of Callum Mackelroy? Georgina Pitonghari does