9 The jerk

31.4K 924 20
                                    

George POV

I was running trees after trees looking for any glimpse of another person but I found myself alone in the big forest almost jungle-liked.

Napapagod na napaupo ako sa isang nakatumbang puno. Ano bang naisip ni Aling Juana! Akala ko naman ang hardin nito ay maliit na may bulaklaking mga tanim, hindi naman sinabi nito na gubat pala ang pupuntahan ko.

Hinihingal na napasandal ako sa puno at pilit pinakakalma ang puso ko na nasobrahan ata ng takbo at hapong hapong katawan ko ng makarinig ako ng irit ng aso. Nanigas ang katawan ko at napatingin ako sa pinanggalingan non. Halos mahulog ako sa pagkakaupo sa puno ng makita ang mala-kabayo na sa laki na aso. Itim na itim ang kulay nito na animoy kapre sa dilim. Hindi naman sinabi ni Aling Juana na ang aso na tinutukoy nito ay higante sa laki. I recognize the breed of the dog, it's a huge great dane.

Napadasal pa ako ng tahulan ako ng aso ng sobrang lakas. Umirit ito at pinakita ang nagtataliman nitong ngipin. Napatayo ako ng bigla itong tumakbo papunta sa direksyon ko. Napatakip na lang ako ng mukha ko gamit ang palad at mariing napapikit.

"Down Titus! Down boy!" Malakas na bigkas ng maawtoridad at baritonong boses na ikinatigil ng asong kapre. Umupo ito sa tapat ko na animoy maamong maamo.

That was close! Akala ko katapusan ko na.

Hinanap ko ang pinaggalingan ng boses at nakita ko ang isang pigura sa ilalim ng puno. May kalayuan ito kaya hindi ko masyado maaninaw ang lalaki. Matangkad at matikas ang pangangatawan nito. Pinasadahan ko sya ng tingin. May suot itong itim na bullcap sa ulo. Itim na long sleeved shirt. Itim na gloves, itim na pants at itim na running shoes.

Huhulaan ko ang favorite color nito. White?! Gets ko na! Gets ko na! Pati nga aso mo itim! Alam ko na din na pati budhi mo itim!

Bahagya akong nangiti sa iniisip ko ng biglang dumagundong ang boses nito na ikinangiwi ko.

"How the hell did you get in here? You are tresspassing this land! I will put you in jail!" Anito na ikinalaki ng mata ko.

Hala! Imbis na mailabas ko yata si Gian ay magkakasama pa kami ngayon sa kulungan!

"Sir! Sir Mackelroy, h-hindi po sa ganon. Kumatok po ako sa front door nyo pero wala pong nagbubukas ng pinto. Kailangan ko lang po kayong kausapin kaya nagbakasakali ako at umikot na po ako dito." Paliwanag ko sa kanya na ikinatahimik nyang sandali. Ramdam ko ang paninitig nya kahit hindi ko maaninaw ang mata nya sa suot nyang cap. Ang tanging naaaninaw ko lang ay ang baba nito na may pino na balbas na mukhang kakaahit. Kahit ang labi nito ay bahagya lang ang nakikita ko dahil sa natatakpan ng shadow ng bullcap nito.

"Why are you here?" Anito sa akin na muling nagpabalik sa akin sa sitwasyon kung bakit ako nangahas na puntahan ang lalaki.

"Sir... kasi po ang kapatid ko, napagbintangan po syang nagnakaw sa bangko nyo. Hindi po magagawa ng kapatid ko yun. Napulot lang po nya ang bag na may lamang pera sa may malapit sa bangko nyo at isasauli nya ng dakpin sya ng mga pulis." Paliwanag ko sa lalaki.

"And that concerns me why?" Anas ng lalaki sa bored na boses nito na ikinasinghap ko naman.

"Dahil pinagbibintangan sya sa kasalanang hindi naman nya ginawa sa mismong bangko nyo." Madiing aniko na sandaling nagpatahimik sa lalaki. Hinitay ko ang sasabihin nya. Nakipagtitigan ako kahit na hindi ko sya makitang mabuti.

"Let the authorities handle it. They know what they are doing. Get off of my property now." Anito na muli kong ikinasinghap.

"I wont get off unless you listen to me. It's your bank! Hindi ka ba makakaramdam ng guilt na nagpakulong ka ng walang kasalanan? At isa pa... isa pa binugbog nila ang kapatid ko. Ginawa na nilang may kasalanan kahit hindi pa nila napapatunayan!" Muling giit ko na ikinatawa ng mahina ng lalaki. Ito ang tawa nya na makapanindig balahibo gaya noong iniinterview pa nya ako sa parlor room nya. An evil laugh. A laughed that is meant to be a warning.

"Do you think I care miss? I dont give a damn about you or your brother! You can rot in hell for all I care!" Anito na may talim sa bawat bigkas ng salita na lalo kong ikangitngit sa galit.

"Ang sama mo!" Aniko sa lalaki

"Why? Did you come here and expect for a prince charming who will rescue a damsel in distress? Because all that is left in this castle is a beast who will take no pity and devour you! Leave now before I changed my mind and feed you to my dog instead!" Madiing anito na ikinatalim pa lalo ng mata ko.

"Come Titus!" Anito sa asong mabilis ding lumundag at nagtatakbo papunta sa amo nitong diablo.

There is no use using guilt trip on this man! He is apparently without conscience! Moving to my second plan instead.

Tumalikod na ang lalaki ng makarating sa tabi nya ang aso nya at nagsimulang maglakad. Lumakad din ako habang nagsasalita.

"Could you spare me another minute? I have something to offer please." Aniko sa pakiusap na boses na ikinahinto ng hakbang ng lalaki. Muli syang bumaling sa akin ng payuko. Trying to hide behind his bullcap.

Shìt! Sana mag-work ito!

The Castle of Callum (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon