George POV
Bumalik na lang akong muli sa kusina ng mapansing halos ubos na muli ang iniwan kong tinapay na nasa lamesa. Wala pa ang tray at mukhang hindi pa nakakababa ng office room si Aling Juana.
Abat napagaling ng batang yun ah!
"Ikaw talaga na bata ka! Ang galing mo magpasikot sikot dito sa kastilyo ha! Lumabas ka na! Kapag lumabas ka igagawa kita ng chocolate donuts, gusto mo ba yun?!" Malakas kong sigaw. Alam ko kasing pinapanood nya ako kahit hindi ko sya nakikita.
Narinig ko muli ang pagbungisngis nya pero hindi naman sya sumasagot.
Kulit ng batang ito ah!
"Ikaw din! Ang sarap kaya ng donuts. Pwedeng white chocolates or buttercream filing or strawberry filling.." pang eengganyo ko pa. Pero lumipas pa ang ilang minuto pero walang batang lumabas. I heaved a deep sigh at umikot na para lumabas ng kusina ng makarinig ako ng mahihinang yabag sa likod ko kaya napatigil ako at muling umikot. Nakita ko ang isang batang lalaking nakatayo doon. Nakayuko sya na animoy nahihiya. Pinagpapatong nya ang paa nyang walang saplot at ang kamay nya ay magkasalikop sa harapan nya. Napakarumi nyang talaga at ang haba na ng itim na itim na buhok nya. Cute ang bata pero may kapayatan ang katawan.
"Hi! Anong pangalan mo?" Aniko dito pero tumingin lang sya sa akin at nahihiyang ngumiti. Kaya nginitian ko din sya.
"Himala! Nagpakita sayo ang batang yan!" Anas ng boses sa likod ko, nakabalik na pala si Aling Juana.
Nakatayo lang ang bata at animoy may hinihintay.
"Sino po sya Aling Juana?" Aniko kay Aling Juana.
"Si Mawi yan. Mawi ikaw pala ang nananakot kay George ha, bakit mo naman ginagawa yun? diyaskeng bata ka!" Ani Aling Juana sa bata na ngumiti lang at pagkatapos ay tinuro ang tinapay na kakagawa ko at pagkatapos ay nagbukas ng ref at nilabas ang mga strawberry na prutas doon. Nahihiyang inaabot nya iyon sa akin. Napangiti naman ako ng maintindihan ko ang ibig nyang sabihin.
"Gusto mo ng strawberry filled donuts?" Aniko sa kanya na ikinaningning ng maamo nyang mata at excited na tumango sya sa akin. Narinig ko namang tumawa si Aling Juana sa bata.
"Kaya pala nagpakita ka ha! Dahil nanaman sa katakawan mo!" Ani Aling Juana na nagpabungisngis sa madusing na bata.
Napangiti ako sa sinabi ni Aling Juana.
"Okay Mawi. Gagawa tayo ng strawberry filled donuts pero sa isang kondisyon." Aniko sa bata na ikinakunot ng cute na noo nya.
"Maliligo ka muna at magsesepilyo. Para matulungan mo akong gumawa ng donuts." Masayang aniko na ikinabusangot ng bata at ikinatawa naman ni Aling Juana.
"Ano? deal?" Aniko sa bata na bahagyang nag isip. Pagkatapos ay bumuntong hininga pa sya at maya maya ay tumango tango ang ulo nya dahilan para matabunan ng mahabang buhok nya ang mukha nya.
"Osige, saan ka ba nakatira?" Aniko sa bata na ikinakunot muli ng noo nya.
"George, dito nakatira ang batang yan. Pagala gala dito sa kastilyo." Ani Aling Juana na ikinatango ko.
"Ligo ka na! San ba kwarto mo?" Aniko na muling ikinakunot ng noo ng bata. Hindi nanaman ito sumagot at umiling lang.
"Wala yang kwarto dito George. Ayaw nyang matulog sa kama." Ani Aling Juana sa akin na ikinatango ko naman kay Aling Juana
"Okay, tara sa kwarto ko. Dun ka na lang maligo." Aniko sabay abot sa kamay nya. Tinignan nya lang magkahawak naming kamay at ngumiti.
Binigyan naman kami ni Aling Juana ng bagong damit nya at sepilyo. Pagkatapos ko kuskusin ang grasa at ang itim na animoy kumapit na sa bata at ang buhok nitong dikit dikit na at napakadumi ay nakita kong hindi naman pala ganon kaitiman ang bata at ang cute nito.
Magkahawak kamay kaming bumaba ni Mawi at tumungo sa kusina. Hinayaan ko na sya ang magdikdik ng strawberry para gawing jam. Iluluto ko iyon mamaya para gawing fillings. Gumawa naman ako ng dough. Kita ko na enjoy na enjoy sya habang tinitignan ang nalulutong jam. Kinuha ko sya sa kutsara at hinipan at iniumang sa kanya. Agad naman nya iyong tinikman at ngumiti sya ng ubod tamis.
"Masarap?" Ani ko sa kanya at excited na tumango sya.
Magkatulong naming pinuno ng jam ang donuts na gawa namin at muling isinalang sa oven. Pagkatapos ay iniroll namin iyon sa powedered sugar.
Masayang kumakain na si Mawi ng abutan kami ni Aling Juana sa kusina.
"Aling Juana, nasan po ang magulang ni Mawi?" Bulong ko sa matanda para hindi marinig ni Mawi
"Ulila na yan. Kasambahay ang nanay nya dito. Nasawi sa sunog apat na taon na ang nakakaraan. Matagal ng ibinibigay ni master sa DSWD ang batang yan kaso ay magaling magtago yan dito sa kastilyo, ayaw umalis dito. Tuwing darating ang DSWD ay nawawala yan at nagtatago." Kwento ni Aling Juana.
"Ayun, hanggang sa hinayaan na ni master na andito sya. Pinapag aral ko nga kaso ayaw naman pumasok sa skwelahan. Buti nga nagpakita sayo. Kahit sa akin kasi ay madalang magpakita kaya di ko maliguan." Dagdag pa ni Aling Juana habang kumakagat sa donut.
"bakit po hindi sya nagsasalita?" Tanong ko dahil simula kanina ay hindi ko pa naririnig ang boses ng bata. Iiling o tatango lang ito at minsan ay kukunot ng noo.
"Abay ewan ko nga ba sa batang yan! Simula ng sunog, di na yan nagsalita. Samantalang nagsasalita naman sya noong bata pa sya." Ani Aling Juana na ikinatango ko na lang.
"Ilang taon na po sya Aling Juana?"
"Siyam na marahil." Ani Aling Juana
Muli kong nilingon ang bata na sinisipsip ang kamay nya na may strawberry. Nakakatuwa ang ka-cute-tan ng bata.
Sabay din kaming tatlong naghapunan. Pagdating ng gabi ay di ko na pinakawalan si Mawi at isinama sya sa kwarto ko. Pinagsepilyo ko muna sya bago sabihing humiga na sa kama na sinunod naman ng bata. Kinuwento ko sa kanya ang pamilya ko at kita kong matamang nakikinig sa akin ang bata. Maya maya lang ay nakatulog na din ito. Kinumutan ko sya.
"What is that kid doing here?!" Dumadagundong na ani Callum na nagpakislot sa akin sa gulat. As usual nakakapasok sya ng hindi ko namamalayan. Kung saan sya nanggagaling ay hindi ko din alam. Parang tulad ng ginagawa ng bata.
Nasisigurado ko na may mga secret doors and passage sa kastilyong ito.
"Ang galing mo talaga manggulat! Pareho talaga kayo ni Aling Juana!" Aniko sa lalaki na nakasandal sa madilim na parte
"Answer me baby, what is that kid doing here?!" Ani Callum na ikinakabog ng dibdib ko sa narinig kong tawag nya.
Not Georgina
Not sevenkings
But
Baby.I cleared my throat of the invisible lump and answered him when I felt that he is waiting for my explanation.
"Dito ko sya pinatulog." Aniko
"And why would you do that?!" Galit na anito
"Eh kasi kung saan saan sya natutulog." Aniko sa lalaki
"What about me?! Ako?! Saan ako matutulog?!" Anito na ikinangiti ko.
Ahhh.... So iyon pala ang ikinagagalit ng lalaking ito?!
BINABASA MO ANG
The Castle of Callum (COMPLETED)
RomanceWho dares enter the lair of Callum Mackelroy? Georgina Pitonghari does