George POV
Nakasalubong ko si Aling Juana sa may hallway pagkaakyat na pagkaakyat ko ng hagdan.
"Oh George, san ang punta mo? Nakalimutan mo na bang bawal ka dito..." Anito na ihinarang ang sarili nya sa dinadaanan ko.
"Aling Juana, kailangan kong makausap si Callum... importante lang po ang pakay ko." Aniko kay Aling Juana, umiling ang matandang babae.
"Pwede mo bang ipagpaliban yan George, hindi lang ayos si master ngayon." Seryosong ani ni Aling Juana, pero sa nalaman ko ngayon alam kong hindi na ito makakapaghintay pa.
"Hindi na ito makakapaghintay pa, Aling Juana." Aniko at nilagpasan si Aling Juana.
"Pero George..." protesta pa ni Aling Juan, hindi ko na sya pinakinggan at nagderetso na ako papasok sa kwarto na panigurado ko ay kwarto ni Callum.
Agad ko iyong pinihit at binuksan para lang matagpuan sa malamlam na liwanag ang naka upong si Callum, naka boxers lang ito at may dala dala itong kopita ng alak sa kanang kamay habang sa kaliwa ay ang malaking bote ng alak na halos wala ng laman. Sa itsura nito ngayon ay mukhang lasing na ito at kanina pa nag iinom.
Tinitigan ko sya habang nakatingin sya sa kalangitan sa bintana, may lungkot, galit at sakit na mababanaag sa mga mata nya habang tinutungga nya ang kopita ng alak. Mukhang di nya namamalayang nakapasok na ako sa kwarto nya.
"Callum..." tawag ko sa kanya. Nakita ko ang madilim na tingin na itinuon nya sa akin. Iba sya ngayon. Animoy isa na syang mabagsik na hayop kung tumingin. Nakakapanindig balahibo ang mga tingin na iyon.
Anong nagyayari kay Callum?!
"Get out of here Miss Pitonghari! Now!" He growled at me and I felt my body shook from the sound of his voice and my knees wobbles from fear.
Then I remembered why I came. I took one step towards him and tried to talk with all the courage I could muster.
"Callum, I h-have something important to t-tell you... about the fire four years ago... h-hindi aksidente yun... ang mga tiyahin mo ang may kagagawan ng..." napatigil ako sa pagsasalita ng ibato nya ang kopita na hawak nya at nabasag yun sa sahig malapit sa kinatatayuan ko. May tumalsik pang basag na butil sa binti ko na palagay koy gumawa ng hiwa doon.
"Fvcking whore!" Mas lalong bumagsik ang tingin ni Callum. Animoy isa siyang nababaliw na hayop. Ibinato nyang muli ang bote naman sa malapit sa akin na ikinatulos ko at napahiyaw pa ako ng mabasag iyon sa likod ko, marahil ay tumama sa pader. His eyes glisten from so much hatred directed at me that I stepped back from fear. He is really scaring me now.
"Who are you to talk to me about the fire? Who are you to tell me who did it?! You are just the woman who warms my bed! Who says you have the right to barge in here?! Get the fvck out before I ravished you here and now!" Malakas na sigaw niya na nagpangatog muli ng tuhod ko. Hindi na sya si Callum na malambing. Hindi na sya si Callum na animoy nanunuyo. Hindi na sya si Callum na mahilig magbiro. Nakakatakot na sya. Natatakot na ako kay Callum. It is like in the five days that I didnt see him he became his old self again. Acting like a hateful beast again.
Ano bang nangyayari kay Callum?!
Ramdam ko ang luhang tumakas sa aking mata, mabilis na pinahid ko iyon. All this time pala, isang bedwarmer pa rin ang tingin nya sa akin. May hatid na kirot iyon sa puso ko na palagay ko'y matagal bago mawawala.
"I said get the fvck out! Get lost! Just get the fvck out of my life!" Muli nitong bulyaw kaya agad akong pumihit at nagtatakbo palabas ng kwarto nya. Nakita ko pa sa pasilyo si Aling Juana na may naaawang ekspresyon ang mukha. Mukhang narinig nya ang bulyaw sa akin ni Callum.
"George... pasensya ka na sa alaga ko... ngayong araw na ito ang araw kung kelan nangyari ang sunog, apat na taon na ang nakakaraan. Wag mo sanang itanim sa puso mo ang mga nasabi nya. Lasing lang sya at naaalala nya ang nangyari sa magulang nya at kay Daisy." Ani Aling Juana pero walang salitang nilagpasan ko lang si Aling Juana at nagtatakbo ako papasok sa kwarto ko.
Hindi ko alam na kahit naliwanagan ako sa dahilan ni Callum bakit sya nagkakaganon ay may sakit pa rin dulot ang dahilan nya. Nagkakaganon sya dahil nawala sa kanya ang mahal nyang asawa. Nagkakaganon sya dahil kay Daisy.
Naroon pa rin si Mawi sa loob ng kwarto pero nakaupo na ito at gising na. Ng makita nya ako ay agad syang tumalon sa kama at tumakbo sa akin. Agad akong lumuhod at yumakap kay Mawi. Pakiramdam ko ay kailangan ko din ng yakap pagkatapos ng nangyari kanina.
"Ano pong nangyari sa inyo Mama George?" Aniya at nakatingin sya sa labi kong palagay ko ay namumutla, kinagat ko iyon at pinilit ngumiti.
"Wala ito Mawi." Aniko kay Mawi.
"Napagalitan ka po ba ng halimaw? Hindi po ba sya naniwala?" Inosenteng anito na ikinailing ko.
"Mawi, ano sa palagay mo kung bumisita tayo sa pamilya ko? Gusto mo ba yon?" Ani ko, ramdam ko pa din ang panginginig ng boses ko sa takot pero kailangan kong pagtakpan iyon dahil sa batang kausap ko.
"Ah sa mama at papa at kapatid nyo po Mama George?" Ani Mawi na agad na ngumiti.
"Oo. Tara, dadalaw tayo sa kanila. Sigurado ako na magugustuhan ka nila." Aniko at pilit na ginantihan ang ngiti ng bata.
Magkahawak kamay kaming lumabas ng kastilyo. Pasalamat ko na lang na hindi kami nakita ni Aling Juana kung hindi ay siguradong pipigilan nya kami.
BINABASA MO ANG
The Castle of Callum (COMPLETED)
RomanceWho dares enter the lair of Callum Mackelroy? Georgina Pitonghari does