13 Luck

32.2K 966 6
                                    

George POV

Nakapagpaalam ako kila mama at papa at sinabi ko na kailangan ko doon tumira. At tama ako sa hinalak ko na nakauwi na si Gian. Masayang masaya ang mga magulang ko na nabawasan ang problema namin at kahit papaano ay magkakasama kami. Kung papaano agad napalaya si Gian ay hindi ko na alam ano ang ginawa ni Sir Callum. Ang sabi ni Gian basta na lang daw binuksan ang selda at sinabing lumabas na sya at laya na sya. Napag alaman ko din na nagpadala si Sir Callum ng abogado at nakipagtulungan kay Attorney Sioson para makasuhan at matanggal sa trabaho ang mga pulis na nambugbog kay Gian. Puro papuri ang sinasabi ni Papa at mama at pati na rin si Gian patungkol kay Sir Callum na lihim kong ikinangingiwi. Mukhang napabilib sila sa mga ginawa ng lalaki.

Hay... kung alam nyo lang!

Pero hindi ko sisirain ang mga pagkawala ng pangamba sa mga mukha ni Papa at Mama at lalo na ni Gian. Ngayon pa na sa dinami dami ng problema namin ay kinakikitaan ko na sila ng pag asa. Ang tanging problema ko na lang ay ang titirhan nila kapag kinuha na ng bangko ang bahay. Ang sabi ni Gian ay maghahanap daw sya agad ng trabaho para makaipon ng pang renta man lang at si Papa naman ay nagsabing magpapatulong kay Frits. Yung kaibigan nyang attorney para makakuha ng kahit na anong trabaho. Hinanda ko ang mga gamit ko ng araw na iyon at masaya kaming kumain ng tanghalian.

Bandang hapon ng may dumating na bisita na hindi ko kilala. Matangkad iyon at gwapo at nakamamahaling suit. Nakipagkamay si Papa na abot sa tenga ang ngiti. Si Gian naman ay halata ang paghanga sa lalaki.

"Anak, ito nga pala ang abogado ni Sir Callum na kasama ni Frits na nag ayos sa kaso ni Gian, si Attorney Trenton Montegrande." Pagpapakilala ni Papa

"Magandang hapon po Attorney. Salamat po sa lahat ng tulong." Magalang kong ani.

"Nah, It's Callum's. I just did my job. Anyway, I came here to give you this." Anas ng abogado at binigay kay Papa ang nakarolyong papel.

Nagtatakang binuklat iyon ni Papa habang curious kaming nakatingin sa kanya. Si mama ay tumabi kay papa at nanlaki ang mata habang si papa naman ay natulala na sa hawak nya.

"Pa ano po yan?" Ani Gian na puno din ng kuryosidad gaya ko

"That is your land title. Callum paid your debts. Well, its basically his bank so he just perish the debts." Anas ng nakangiting abogado na ikinalaglag ng panga ko sa gulat.

"Ibig bang sabihin, amin na uli ang bahay na ito? Hindi na kami aalis?!" Masayang hiyaw ni Gian

"Yes and yes." Anas ng abogado na sanhi para magtatalon si Gian.

Abot langit naman ang ngiti ni Papa at si Mama ay napapaluha habang nakangiti.

Anong nangyayari? Bakit ginagawa ito ni Callum?!

"Hija, anak kasama ba sa kasunduan nyo iyon?" Ani ni Papa sa akin na nagpagising sa diwa ko. Hindi pwedeng makahalata ang pamilya ko.

"Aba oo naman Pa. Para hindi na po tayo aalis ng bahay. Babayaran ko naman po si Sir Callum ng serbisyo ko eh." Pinasigla ko pa ang boses ko sa pagsagot na ikinangiti ng buong pamilya ko. Napapasuntok pa si Gian sa ere habang tuwang tuwa.

"Ate okay lang kahit maging isang tulad ka ni Aling Juana! Basta ba mabayaran mo ang kabaitan ni master Callum!" Ani Gian sa akin na ikinasimangot ko.

"Ikaw talagang lalaki ka! Puro ka kalokohan! Halika dito ng mapukpok ko ang ulo mo ng matauhan ka!" Aniko na ikinatawa ni Papa at Mama habang pilit kong inaabot muli si Gian na panay ang iwas sa akin at nagtatawa.

Pagkatapos ng magandang balita ay nagpaalam na ang abogado ni Sir Callum kaya ako na ang naghatid sa kanya sa labas.

"I saw your expression back there. You dont know anything about it right? I'm a lawyer and we learn to read people's faces." Ani ng abogado sa akin.

"Wala talaga akong alam don. Ayaw ko lang pag alalahanin ang pamilya ko." Aniko

"I understand. I've been Callum's lawyer for five years now and this is the first time he breaks his own rules. Ang totoo nyan ayaw nyang naiinvolve kahit kanino, well hindi lang basta kahit kanino. Ayaw nyang mainvolve period." Anas muli ng lawyer.

"I know about the contract you signed and it really shocked me. Dont worry Its my job to keep quiet about Callum's dealings. Nagulat lang talaga ako, he's not the gracious type if you know what I mean, and I'm sure you do. My father is their lawyer too. So I know him all my life but this is the first time he.... ah... he got involve." Anas ng lalaki na nakangiti sa akin.

"I know its a desperate move. Pero gagawin ko lahat para sa pamilya ko." Nahihiyang aniko.

"I understand. I hope this is the start for the beast to change. I hope you can be his light in his most darkest days. Salamat at mauuna na ako." Ani ng lawyer na ikinakunot ng noo ko. Nakalayo na ang lawyer pero hindi pa din ako gumagalaw.

Ano kayang ibig nyang sabihin ?!

The Castle of Callum (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon