CH 14

2.1K 62 3
                                    

Rin's P.O.V.

Whooooo!!!! nakakapagod palang maglinis.. Pano ba naman??!! 20 kwarto lang naman po ang nilinis ko at eto pa, lahat ng kwarto ang dumi dumi. Kaya pano ko di mapagod?

Kunti nalang iisipin kong bakla talaga yang si Veyn. Aba! akalain mo ba naman mga bes? ang linis parang babae. Sya lang yata yung may malinis na kwarto ehh yung iba parang binagyo. Haysusmaryosep! ( A/n: sinaunang panahon ang peg?) hindi po Author. Mala-lola ang peg ko ngayon. Pak ganern!

Ngayon nasa huling kwarto na ko at yung kwartong nililinisan ko ngayo ay parang dinaanan ng hurricane. Lahat ng damit sabog sabog, tapos yung brief nakasabit saan saan tapos may naligaw pang panty. O to the M to the G! Eiiiiiwwwww!!! Dito ba sila nag-gaganon? Yuck lang ha, yuck lang. Author naman kasi ehhh! (A/n: ba't nasama ako? Tumigil ka dyan at baka magsisi ka hihihi)

Nilinis ko nalang at wala na kong magagawa. Pasalamat nga sila at nilabhan ko yung mga nakasabi na ewan sa gilid gilid at tinupi. Che! subukan lang nila akong galitin makita nila ang haharapin nila hmp!

Buong araw ay nilinis ko lahat ng kwarto. At saktong napadaan ako sa sofa at agad ako humiga. Mahaba naman ang sofa kaya ok lang. Sa hindi ko namalayan ay nakatulog napala ako.

Zzzzz....

...

Bigla ako naalimpungatan ng maramdam kong may tumutusok sa pisngi ko. Pag bukas ko ng mata ay agad na sumalubong sa akin ay Mukha ni Mars.

" Waahhh multo!!!!! Multo!!!!"

*boink!*

" Aray! Ba't mo naman ako binatukan Mars? kala ko friends na tayo? " tanong ko.

" Kala mo lang yon.... Joke! Ang sama mo naman Rin sa gwapong mukha ko, nag mukha akong multo? Grabe ahh.." sabi ni Mars.

" Weh? saan banda? wala kasi akong nakita ehh... hahahahha joke lang syempre! " sabi ko ulit.

Habang natawa kami, biglang tumulo ang butil ng likido sa aking mga mata. Naalala ko pa, yung mga panahon na ganito kami ni pinsan at ni papa. Nag-aasaran tapos tatawa. Sorry ha mga readers? Hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko. Patawad talaga. Namimiss ko lang talaga ang pamilya ko kaya ganito ako. Hindi kasi nagtagal ng 2 linggo ang pag hiwalay ko sakanila. Pag minasan may nag o-offer sa akin ng trabaho sa ibang bansa agad kong ito dine-decline sa takot ko mawalay sa pamilya ko.

" Uy! ba't ka umiiyak? papangit ka nyan sige. Bahala ka. " sabi ni Mars.

" Well for your information, dyosa ng kagandahan ako okay? Dyosa." sabi ko puno puno ng confidence.

" Weh? Talaga? " aba! nakakaloka na 'tong si Mars ahh...

" Totoo nga. Sabi nga ng nanay ko sya si Aprodite at naging tao lamang sya. Bleh! Babye! " sabi sabay takbo.

Hahaha! Nakakatawa yung mukha nya! hahahahha! pano ba naman nakatulala sa ewan hehehe.. Siguro natamaan na sya ng kalamandag ko hihihihi!

Habang tumatakbo ako ay bigla ako nakabangga ng isang parder at pag tingala ko ay Pulang mga mata at matutulis na ngipin ang sumalubong sa akin.

Mars P.O.V.

Hala nakawala sya! May nakatakas pa naman isang rogue sa kulungan. Nanganganib ang buhay nya lalo na't gutom na gutom ang rogue na iyon.

Oo tama kayo. Maynakakulong na mga bampira dito sa mansyon. Si Veyn ay ang prinsepe at magiging hari na pag ikinasal na sya kay Rin. Obligasyon nyang magkulong ng mga rogues.

Ang mga rogues ay mga bampirang hindi talaga pinanganak na bampira. Kumbaga nabuhay silang tao pero dahil sa ginagat sila ng isang bampira at hindi inaasahan ay naiwan ang mga venom nito. Pwede na rin syang ikumpara sa Zombie.

Balik tayo sa present. Ngayon ay alam kong lagot ako kay Veyn. Sinabi nya sa akin na bantayin ko si Rin. Pinilit ko nga syang mag stay sa tabi ko sa pamgitan ng pakikipag asaran sa kanya pero hindi ko inaasahan na iiyak sya. Sa una ay kinabahan ako at baka ako may kasalan ng bigla kong narinig:

Na miss ko na ang pamilya ko...

Bigla akong naawa sa kanya. Pero ito talaga ang responsubilidad bilang isa Vampire's wife. At pagiging malapit na rin sa kapamahakan. Aaminin ko kung hindi lamang sya magiging asawa ng pinsan ko ay agad ko na syang ninakaw at pinakasalan. Kaya dapat ay protektahin ni Veyn ang babaeng ito.

Sumunod ako sakanya at sa hindi inaasahan biglang lumitaw ang rogue at hinawakan ang dalawang balikat nito. Handa na sana akonh sumugod ng biglang lumitaw si Veyn sa kung saan at biglang hinawakan ang leeg ng rogue ng mahigpit at inangat ito.

So sobrang higpit nito ay parang naputol ang litig ng leeg ng rogue at naging sanhi sa pagkamatay nito. Nakakatakot ang itsura nito, parang gutom na gutom. Binilisan ko ang pagtakbo papunta sa kanya ng bigla syanv niyakap ni Rin.

" Tama na...huhuhu... tama na... huminahon ka na... " sabi nya tapos patuloy na dumadaloy ang mga luha sa mata nya.

Bigla syang niyakap ni Veyn. Wow! para lang ako nanonood ng Kdrama. Astig! Biglang nahimatay si Rin at buti nalamang ay hawak hawak ni Veyn ito. Binuhat sya ni Veyn at dinala sya sa kwarto nito. Umalis nalamang ako at huwag ng maka-abala sa kanila.

Rin's P.O.V.

Naramdaman ko ang sinag ng araw na tumatama sa katawan ko. Bigla akong napatayo ng maalala ko ang ngyari. Waahhh!!huhuhuhuh!! Yung lalaking humawak sakin malapit na kong irape huhuhuhu!!! Mommy!! Your byutipul anak muntik ng marape huhuhuhu.. Tapos may namatay pa huhuhu... Pero sandali... Naalala ko bigla kong niyakap si Si-este si Veyn.

*Dugdug*

Hala! May sakit nanaman ba ko sa puso? jusko po! gusto ko pa pong mabuhay! Haluhaluhalu.... Kalma lang Rin, kalma lang. Hinga ng malalim hwahhh...

Tumayo na ko at pumunta sa banyo at maligo. Pagkatapos ng ilang oras ay tapos na rin ako. Pag labas ko ng kwarto ay bigla kong napansin ang isang rebulto sa tabi ko at pagtingin ko ay nakita ko si Mars.

" Rin kamusta? Malakas ba pagtibok ng puso mo? " sabi ni Mars na parang natatawa.

" Hala! pano mo nalaman? May powers ka ba? " tanong ko ng bigla may sumampal sa akin ng katotohanan.

Bampira nga pala sya, syempre kaya nyang mabasa ang iniisip ko. Huhuhu!! ang daya nya! buti pa sya! Hindi tatanda ehh ako kukulubot ang mukha! wahuhuhuhu!!!

Patuloy lang ako sa pag eemote ng biglang may nagsalit sa likod ko.

" Lorraine, how are you? "























Shet! eto nanaman yung sakit ko!

*DugDug*

...

A/n: diba ginawa ko promise ko reader? sabi ko sa inyo ehh magu-update ako ngayon. Hihi peace po ha? late update ako.. Hectic po kasi sa school at raming project. Sorry po talaga *bow* Salamat po sa pagbabasa! Salamat! Vote and comment! ^_^

Tsubasa Log out...

Oh My Vampire!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon