CH 43

2K 40 18
                                    

Mars' P.O.V.

Magsisimula na..

Magsisimula na ang pangalawang digmaan...

" Ang mga tangke! Ihanda na, nalalapit na ang araw na itinakda! " sigaw ng lider ng mga knights.

" Masusunod Sir! " sigaw naman ng mga knights pabalik.

Nasa harap ko ang simula ng pangalawang pangyayari na magtatatak sa kasaysayan ng mundo. I always ask myself, is this event really meant to be? Wala na bang ibang magagawa upang tigilin ang kahibangan na ito?

Dahil lamang sa isang madugong nakaraan, ay magiging madugong kasalukuyan na rin ba? I don't mean to be dramatic, but I feared for the future that will come, especially for Mariane.

Until now, she's still oblivious of me being a creature she will fear off. I am still not ready for what will be her reaction. Yet there is a bugging feeling that I'll regret not telling her.

" Cel, how is the preparation doing? " biglang tanong sa akin ni Haring Veyn sa likod ko.

Yumuko ako bilang paggalang.

" Maayos naman ho ang lahat, everything is in place. And as your ordered, everything is perfect, not even a single flaw will be seen. " sagot ko sa kanyang tanong.

" Good. As what I expect from you General Cel. " Tugon sa akin ni Veyn.

" King, regarding about the rings, nailagay na rin po sa mga tamang lugar ang mga ito. Sila po ay gagana pagkatapos ng ritwal sa araw bago ang itinakdang digmaan. " Bigay impormasyon ko sa kanya.

He nodded as a recognition, then turn his back and left. As I watch his retreating back, I reminisce the past Veyn I've known when I was a kid. The Veyn in the present, is a stranger to me now.

Aaminin ko, nalulungkot ako. Pero kahit ganoon ay natutuwa ako na nasa tabi niya si Queen. I'll only be relieved if he is with Rin, dahil alam ko na, na kay Rin lamang ang kanyang kasiyahan at siya lamang ang kamyang maaasahan.

Napag isip-isip kong pumunta sa aking opisina ng madatnan ko si Edward sa harap ng pintuan ko.

" Mars.. " In his eyes reflect tiredness and hopelessness.

Matutumba sana ito ng masalo ko siya. Napansin kong gumaan si Edward at mukhang mas pumutla at maspumayat ito kaysa sa huli kong pagkikita sa kanya.

Agad kong tinawag ang mga tauhan at ipinadala siya papunta sa infirmary.

I have a bad feeling about this.

Veyn's P.O.V.

Papunta na sana ako sa aking asawa ng biglang may lumapit sa akin na knight.

" Mahal na Hari, ipina-sasabi po ni General Cel na nakabalik na ho si General Edward at may importanteng impormasyon ho itong sasabihin. Nasa Infirmary po sila at naghihintay. " Sabi sa akin nito at agad na tumungo ito bilang paggalang.

Pagkasabi niya nito ay agad akong dumiretso sa infirmary at pagkarating ko ay padabog kong binuksan ang mga pintuan na nakaharang sa aking harapan at tumungo kay Edward na nakahiga sa kama na puno ng mga galos sa katawan.

Tumungo ito bilang paggalang tapos hinintay niyang masiguraduhan ng aking mga tauhan na walang mga tenga na makakarinig sa sasabihin ni Edward. Binukas nito ang kanyang bibig at ini-ulat ang mga impormasyon na hindi ko inaasahan na marinig.

" Mahal na Hari, hindi po ang mga itim na mga nilalang sa gubat ang tunay nating kalaban kundi ang mga nasa-itaas. Habang ginagawa ko po ang inuutos niyo, aksidenteng narinig ko po ang pinag-uusapan ng mga nilalang na ito sa isang madilim na kwarto. Narinig ko po halos lahat ng kanilang pinag-uusapan, pero ang tumatak po sa aking isip na may isa pa pala tayong kalaban, at ang pasimuno rin ng digmaan. " seryosong sabi ni Edward sa akin.

Tumayo agad si Cel sa pagka-ka-upo.

" King, I'll go and strengthen the preparation. Mauuna na po ako. " sabi ni Cel at agad lumabas sa Infirmary.

" After your discharge, explain to me your whole report. I want it complete. I expect you not to tell this information to anyone else, or you know what will happen to you. " Don't even dare to test me. As if parang narinig niya ang mga salitang hindi ko binigkas at mas lalo siyang pumutla.

" Masusunod ho mahal na Hari. " tugon niya sa akin.

Relative or not, dare to betray me will experience the 100 layer of hell. Naglakad na ako palabas sa kwarto at tumungo sa kwarto ng aking asawa.

Pagkarating ko ay bumungad sa akin ang naka-upo niyang pigyura habang may hawak na libro. She look like a puppy trying to focus on the book which earned a slight smile.

I would do everything, even if I need to sacrifice lives just to make this scene infront of me stay. Even if I need to detest myself. Its worth it.

" Oh! Kagulat ka naman! Ba't 'di mo sinabi sa akin agad na na andiyan ka pala. Muntikan ko pang maibubo itong mainit na kape. Mukha kang kapre diyan habang nakatayo, halika dito at naaawa ako at baka pagkamalan kang buang diyan. " sabi sa akin ng aking asawa.

" Wife naman, masyado kang malupit sa asawa mo. Wala man lang good morning? Or I love you? " tanong ko sa kanya habang nakangisi.

" I love you mo mukha mo! Ano gusto mo at ganyan ka nanaman nakatingin sa akin. Masyado ka creep, natatakot na ako. " irita niyang balik sa akin.

" Wife, alam mo naman ang gusto ko eh. " Sabi ko habang tinataas ko ang aking kilay.

" Ay bastos! Ke-aga-aga iyan na yung sinasabi mo! Hoy, akala mo makaka-isa ka pa? Lintek, di mo ako pinahinga hanggang madaling araw. Saan mo ba kinukuha iyang lakas na iyan? Pahingi ako para di na ako mag training. " sabi niya sa akin habang nakalabas ang kanang kamay na parang nanghihingi.

My eyes soften at her gesture. Ano ba ang ginawa ko para makakuha ng asawang ganito? Kasi kahit kailan man ay hindi ako magsisi sa ginawa kong yun.

" Huy, mukha kang timang diyan! Nakatulala ka diyan na parang ewan. Ano punta na tayo sa men--- " 'di pa niya natatapos ang kanyang sinasabi ng bigla ko siyang yinakap ng mahigpit.

Nagulat siya sa aking ginawa, pero dahan dahan siyang tumugon sa aking yakap. She tapped my back slightly like how my mother used to. Mas lalo kong hinigpitan ang aking yakap.

" Wife, mahal kita. " ito lamang ang lumabas sa aking bibig.










































































































" Veyn, mahal na mahal rin kita. " hanggang sa aking huling hininga.

*****
A/n: Eto na po ang long-awaited chapter mga readers!!!! I tried my very best po for this para hindi kayo mabitin. Kahit pagod si author from training ay salamat naman at nakapag-publish na. Fighting! At regarding po sa mga tinatanong, please look po sa message board sa profile ni author, at kung may tanong pa ay wag mahiyang mag tanong. Masaya ako at iba sa inyo ay nag effort na i-contact ako via PM para lang makapag-update ako. Appreciated talaga ni author ang effort niyo. Kaya please po, once again ay wag mahihiyang mag message sa kay author ha? Salamat talaga sa pagbabasa sa librong ito!!! Luv y'all!! Maraming Salamat!! :) Vote and comment!! Sama na ang follow and share.. hehe

Tsubasa log out.....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 28, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Oh My Vampire!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon