CH 18

1.9K 57 2
                                    

Rin's P.O.V.

Parang back to square one lahat. Parang hindi kami kinasal ni Veyn o kahit ano mang kababalaghan ang ngyari sa akin. Parang bumalik sa dati ang buhay ko.

Hinayaan ako ni Veyn na mag trabaho ulit kaso hatid sundo daw ko pero hindi daw sya. Kaya ngayon ay nakatayo ulit ako sa harapan ng building ng Cristales Monteverde Company.

Pag daan ko sa doorway ay agad akong binati ni Manong Guard.

" Ma'm! Welcome back po! Alam nyo po bang lumungkot po dito sa kumpanya? Buti naman po at nakabalik na kayo! " sabi nya ng Masaya.

" Sus! nakakahiya naman kuya! Na touch po ko dun sa sinabi nyo! Sige po punta na ko sa office. " sabi ko sabay pasok sa building at dumiretso sa elevator.

Ilang sandali pa ay nakarating na rin ako sa office ni sir Reid. Sa wakas! makakabalik na rin ako sa dati! Kaso sana tanggapin nya pa rin nya ko.

Kinakabahan ko kinatok ang pintuan at paunti unti kong binuksan ito.

" What do you need? " sabi ni sir Reid habang patuloy na nag susulat.

" Sir ako po ito, Si Lorraine po. " sabi ko at nag tungo sa harapan nya.

" What do---"

" Veyn! " Mars?

" Ano nanaman Cel? what is it? " sabi ni Sir Reid or Veyn? Ayy ewan!!

" Oh nandito pala si Queen! Hi Rin! "Si M-Mars nga!!

" Teka nga!! wait a minute kapeng mainit!! Bakit ka nandito?? Atsaka bakit mo tinawag na Veyn si Sir Reid??!!!" sabi ko na hilong hilo sa pangyayari.

" Wait... You still didn't realize?? Until know?? " gulat na sabi ni Mars.

" Anong realize realize ang pinagsasabi mo dyan? " tanong ko.

" So You still don't know me, Wife? " sabi ni Sir Reid.

" A-anong wife?? Wait! kung ikaw talag si Unggoy-este si Veyn bakit nung tinanong kita ikaw ba si Sir Reid nag maang maangan ka na parang hindi mo sya kilala?!"

" Its just fun messing with you Lorraine... Atsaka tanga ka ba talaga? Hindi mo ba nababasa yung name plate ko? O sadyang wala kang utak ha, babae? " sabi ni Veyn.

Tumingin naman ako sa Name plate

Reid Veyn Monteverde C.E.O.

Kung nandito lang pinsan ko, maglulumpasay talaga sya kakatawa. Shunga shunga ka ba naman kasi Rin!! Hindi na, wala ka ng pag-asa... huhuhuhhuhuhu!!! ToT pahiya na talaga ako!! sahig lamunin mo na ko please!!

So all along si sir Reid lang ang kasama ko?! wahuhuhuhuh!!!!! Papa Lord naman ehh buhayin nyo na po yung lupa at kainin ako huhuhu!! hindi ko na kaya ang kahihiyan...

"Oh? Kamusta na? buhay ka pa ba? " tanong ni Mars.

" Anong koneksyon sa pagtulala ko sa kung buhay pa ko? Ano 'to? Gusto ma na ko mamatay? Ganern? " sabi ko ng irritado.

" Wow! Chill Queen! I am just joking. Kalma kalma rin pag may time, yah know? " sabi nya.

" Anong chill? Paano ko mag chi-chill eh etong unggoy na 'to na boss ko pala eh nag panggap na hindi ako kilala. So ikaw ba mag chi-chill ha? Eh kung--- " biglang naputol ang aking sasabihin ng salita si sir/unggoy.

" Enough with the chit chats. Ano Lorraine gusto mo pa bang mag trabaho o hindi? " Sabi ni Veyn.

" A-ano hindi pa naman ako fired diba? Kung oo edi mag simula na ko ngayon. Matagal tagal na rin anamn akong hindi nakapag trabaho. " sabi ko.

" Alam mo, marami naman akong pera eh, kaya naman kitang buhayin kaya bakit kailangan mo pang mag trabaho? " tanong nya.

" Hindi naman ibig sabihin na mayaman ka ay hindi ako mag tra-trabaho. Syempre may pangarap ako na gusto ko ay ako ang magtupad. Hindi man mukhang tamang gawin, pero para sa akin ay oo dahil marami akong taon na hinagulgul magawa lang ang pangarap ko. Masasayang lahat ng pinag hirapan ko kung nakatulala lang ako. Kaya masgugustuhin kong may gawin kaysa sa wala." sabi ko ng seryoso

" Tsk! Pumunta ka nalang dyan sa office mo. Pasalamat ka at nilagay ko lang ay nag leave ka. At ikaw naman Mars bakit ak nandito? " sabi nya.

Tumungo na ako sa office hindi na pinakinggan ang kanilang pag-uusapan dahil mukhang importante. Tsk! Kasalanan nya naman kung bakit hindi ako nakapag trabaho eh tapos ako pa mag papa salamat? No way! Ngek ngek nya! Lokohin nya lelang nyag panot 'no wag ako. Hmp!

Minsan talaga naiimbyerna talaga ako sakanya. Kasi naman eh!! Ay nako!! magsimula na nga ko!

...

Hindi ko namalayan na gumabi na. Hindi pa kumukumpas ang aking galing. Whaw! para namang ang talino ko 'no? hihihihi....

Tumingin ako sa orasan at lampas 9:00pm na. Nag overtime pala ako hehehe hindi ko napansin. Tumayo na ko at lumabas sa office ko ng biglang sumalubong sa akin ang tulog na Reid Veyn.

Ngayon ko lang napansin, gwapo pala sya ngayon ko lang napansin hahaha.. Pero aaminin ko, mukha syang mabait na anghel habang natutulog, yung facial expression nya parang maamong tuta.

" Are you done staring at me? Matutunaw ako nyan. " sabi nya na parang natatawa.

" Ahh oo tapos na. Ngayon ko lang napansin, gwapo ka pala pag tulog 'no? Pero pag gising ka para kang nag evolve na unggoy. Hehehehe... Babye! " sigaw ko sabay takbo.

Paktay ako nyan! Kaso worth it naman eh kasi unggoy naman talaga sya eh wahahahhahahaha!!! Takbo, takbo, takbo!!!



.......


.......


" Huli ka!!! Kala mo makakatakas ka? Well for your information, I am a Vampire baby. " sabi ni Veyn habang yakap yakap ang bewang ko.

" Che!!! Bitawan mo ko Unggoy ka!!! " Sigaw ko.

" No way. Ngayon na hawak na kita, bibitawan pa kita? Tanga lang ang gagawa nun, huy!" sabi nya.

" P-pero...... MAY I-IPIS!!!!! IPIS!!! MAY IPIS!!!!!" sigaw ko ng makita ang ipis malapit sa akin.

Na trauma na ko sa ipis!! wahhhh huhuhuhu!!!

" Hahaha!!! Halika na nga baka mahimatay ka pa. Maging kasalanan ko pa iyon at patayin ako ng nanay mo. "sabi nya at sabay buhat sa akin.

" H-huy anong ginagawa mo? Ibaba mo ko, huy! " sabi ko.

" Tapos gusto mo ba gumapang yung ipis sa hita mo? Akala mo ba hindi ko nakalimuta yun? " sabi nya na may halong nakakalokong ngiti.

" Sige na nga, tinatakot mo ko eh. Alis na tayo baak gumapang o di kaya lumipad yung ipis sa akin. " Gora na!

"Haha okay. "













































Ang lakas ng tibok ng puso ko.

*****
A/n: Diba ginawa ko yung promise ko mga readers? hehehe sorry kung palagi akong late update ha mga readers? Try ko pong bumawi. Atsaka naagahan ko pong mag update, yehey! At yung nasa taas po sa media si Reid Veyn po iyan. Hindi po sa akin yung picture po okay? Maraming maraming salamat po sa pagbibigay ng oras sa librong ito! Vote and comment!

Tsubasa Log out......

Oh My Vampire!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon