CH 16

2K 64 1
                                    

Rin's P.O.V.

Habang nagdri-drive si Veyn, ramdam ko ang bigat ng loob sa loob ng kotse. Meron yata nag babagabag sa kanya at hanggang ngayon ay dala nya pa. Naramadaman kong parang maysasabihin sya kaya napatingin ako sa kanya.

" Lorraine bago ko ito sasabihin ipangako mong hindi ka magugulat o ano man. " sabi nya ng seryoso.

" O sige. Ano ba iyon at para kang alalang alala." sabi ko na hindi ko mapigilan matawa sa itsura nya.

" Ikakasal na tayo bukas. " sabi nya ng walang alin langan.

" Ikakasala lang naman pala........ ---  ANO??!!!! BUKAS NA??!!" Bukas na??!!!! Ang Aga!!

" SHUT UP WOMAN!! Sabi ng wag magulat! Oo bukas na. " Sabi nya parang wala lang sa kanya.

" As in?!! Bukas na bukas talaga?!! Ganern??!! 'Ni hindi ko pa nga nasabi sa nanay ko na ikakasal ako tapos sasabihin mo bukas na ang kasal?" Loko 'tong mukhang unggoy na ito ahh.. (>_>)

" Kasalanan mo na iyon. Atsaka ang rami rami mong oras kanina tapos Hindi mo pa sinabi. " sabi nyang parang chill na chill lang.

" Pag sinabi ko naman agad edi himitayin nanay ko nun?! Kakabalik ko lang tapos sasabihin ko ikakasal ako sa isang Prinsepe?! " sabi ko na alalang alala.

" Hindi ko na problema iyon atsaka parang namang ang garbo ng kasal natin. For your information pamilya ko lamang at pamilya mo lamang at aligid ng mansion, ang makaka-alam na ikakasal tayo. Kaya wag ka ng mag-alala, after ng kasal natin parang lang tayo hindi kinasal. Babalik ka sa trabaho mo, makikita mo ang pamilya mo pero sa mansion ko ikaw titira. " sabi nya at patuloy na nag mamaneho.

Edi wow! huhuhu TvT.....

...

" Oh! Nakabalik ka na Rin! Kamusta? " sabi ni Mars.

" Ayy hinde po hinde. Picture ko lang po ito, picture lang. " sabi ko ng sarkastiko.

" Edi wow! Ba't bad mood ka ngayon? " sabi nya.

"Obvious ba? Kala ko kasi ang kapal ng balat mo para hindi mapansin ehh.. " sabi ko.

" Ang sakit mo namang magsalita Rin, tagos sa puso ko. Siguro galit ka ngayon dahil bukas na kasal mo 'no? " Sabi nya. Aba manghuhula si kuya! Whaw!

" Kasi naman Mars eh! Ba't ngayon lang sinabi?! Puro talak tuloy aabutan ko bukas pagkatapos ng kasal. Huhuhhuhuhu!!! " iyak ko.

" Ehh sa iyon yung sinabi ng tatay ni Veyn ehh.. Wala tayong magagawa dyan unless gusto mo mag tanan-este tumakas tayo?" sabi ni Mars.

" Maganda iyang na-isip mo pare ahh! Style mo bulok. Che! makatulog na nga. " sabi ko at dumiretso sa kwarto.

Mars P.O.V.

Galit ngayon ang soon to be Queen ahhh....  Syempre pa ano ba naman hindi magalit? sinabi sa iyo na parang ok lang na ikakasal kayo bukas hindi ka ba magulat? Kung ako sya, magwawala ako. (A/n: tinanong ka ba? ) Hindi po. ( A/n: yn naman pala ehh.. Wag kang mag salita kung hindi ka naman tinatanong. ) Ok.

...

...

...

...

...

...

...

...

...

*creek creek*

( A/n: Oh? ba't 'di ka nagsasalita? ) Diba sinabi mo po wag akong magsalita? (A/n: Aba'y loko 'to ahh! Gusto mo bang wag ng magnarrate? ) Ay joke lang po author sorry na po.. tuloy na po tayo sa kwento.

Pag-akyat ni Rin sa kwarto nya bigla akong nakarinig ng tawa sa gilid ko.

" Wahahahahaha!! wahahaha!!! wahaha*cough cough* nakakatawa talaga reaksyon nya hahaha!! sabi ko na eh! " Tawa ni Veyn.

" Ano nanamang kalokohan ang ginawa mo Pare? Ang priceless talaga ng itsura ng magiging asawa mo ehh. " sabi ko habang nag pipigil ng tawa.

" Alam ko. Haha! Pero alam mo bang hindi ko nakalimutan ang sinabi mo sakanya? " sabi nya habang nag lalabas ng parang gustong pumatay na aura.

" Hehe? peace pare! Paalam! " takbo Mars! Buhay mo ang nakatala!

Rin's P.O.V.

Alam nyo po ba ang meaning ng bwiset? V-E-Y-N. Veyn. Sa lahat lahat ng nilalang sa buong mundo sakanya yata ako nabwiset. Eh kasi naman pag magkasama kami, kahit gusto ko syang sampalin, subunutin, parang may pumipigil sa akin. Parang mas gusto ko syang yakapin. Che! ano ba itong iniisip ko? Trabaho muna bago lablayp at may pangarap pa ko, yah know?

Habang nakatulala ako at prinoproseso ang lahat ng ngayayari ng biglang may kumatok sa pintuan ng kwartong ito.

*knock knock*

" Pasok ho. " sabi ko.

Biglang lumitaw ang isang kasambahay ng mansion na ito.

" Ma'm sinabi po ng kamahalan na isuot ho nyo po ito bukas para po daw sa kasal. " sabi ng kasambahay.

" Ay sige po, paki lagay na lang po dyan sa gilid at ako na po ang bahala. " sabi ko.

" Ay! atsaka po magising kayo ng maaga bukas sabi po ng prinsepe. Alis na po ako. " sabi nya at umalis.

Ano ba ang ginawa ko para mangyari ito sa akin?! Ehh ang winish ko lang ay mahalin ako ng isang gwapo na mabait at masipag hindi prinsepeng arogante. Mabait naman ako Lord diba? naging mapangkumbaba ako, marunong remespeto sa kapwa ko, at palagi ho akong maingat sa ginagawa ko tapos po eh kapalit nito, isang mayabang at aroganteng prinsepe at ito pa, Bampira. Diba saya buhay ko? Kulang nalang eh makasuntok ako.

Wag ko kaya sya sulputin bukas? 0v0 hihihi maganda yung ideya hihihihi...

*beep* 

huh ?_?

*tingin sa cellphone*

Gwapong Veyn: Subukan mo lang. Patay ka sakin, damay ang pamilya mo.

*tingin sa pader*

" Ehhh!!!!!!! Ba't ba palagi nya sinisira yung trip ko?! bwiset talaga sya!! huhhuhuhuhuhu T0T"

Huhuhuhuhu T_T

...

Kinabukasan, nagising ako sa lakas ng alarm clock sa tabi ko. Grabe ang OA lang ng alram clock na ito ha. As in ang lakas talaga ng alarm clock, parang nasa concert. Jusko basag na yata eardrums ko nito eh, sisisihin ko talaga si Veyn hanggang sa mamatay sya, makita nya.

Tumaya na ko at dumiretso sa VR para makahanda na sa kasal mamaya huhuhu T_T..

Ilang oras na nakalipas at nakahanda na ko para sa kasal at inayusan ako ng kasambahay at infairness ang ganda, parang nakasalon ako ganern!

Pag baba ko ay nakita ko si Mars na naka suit at nagmukhang lalaki na talaga sya. Nang mapansin nya ko bigla syang napatulala kaya winagayway ko yung kamay ko.

" Huy! Mars! ok ka lang? malalate na tayo huy! " Tawag ko sa kanya.

" Ah! wala wala, halika ka na at magalit pa si Veyn. " sabi nya at dumiretso sa kotse.

Oh edi waw!

Ilang minuto pa ang nakalipas ay nandito na kami sa venue at pag pasok ko dun ay nakita ko si Veyn at nagtitigan kami at biglang kumabog ang dibdib ko ng malakas,





































Shet! Ang gwapo nya!

***

A/n: sorry po sa late ud po sorry po talaga. Pero eto na p ang hinihintay nyong ud kaya po yehey! Sige po next time ulit po tayo! Maraming maraming salamat po! Vote and Comment!

Tsubasa Log out.........

Oh My Vampire!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon