CH 40

1.1K 40 6
                                    

Rin's P.O.V.

Sa mga nakalipas na araw, pansin ko lumamig si Pangit. Kapal naman! Kaya nya tiisin ang diyosa kong mukha. *v*

(A/n: Diyosa daw? Baka palaka kamo.) Kung palaka ako author, edi ikaw rin palaka? (A/n: Of course not, excuse me lang ha? Eh kung ipa-bad ending ko kaya 'to? ) Joke lang syempre, Ang gorgeous nyo po kaya. (A/n: Nakakahiya naman, binola mo pa ako... Che! Ituloy mo na yung kwento mo.) Okie po.

Araw-araw, walang tigil ang pag tra-training ko. Hindi na ko magtataka kung magkaroon ako ng abs mga 'day. Jusko! palala ng palala yung mga gagawin ko para sa ensayo. Kung dati, singkwenta (50) pababa yung mga sit-ups at etc. Ngayon lampas na ng 150-200, seryoso wala talagang awa sa akin yung unggoy na yun. Hindi na rin si Mars o si Veyn ang nag mo-monitor sa akin. Isa sa pinaka malakas daw na bampira ang mag mo-monitor sa akin. Letche! Malakas daw, pero kung titingnan mo parang di makabasag-ulo at parang di makapatay ng ipis.

Pero ika-nga, don't judge the book by its cover. Malay ko ba mga people, baka kaya pala nitong maka-bugbog ng daan daang bampira. Edi ako pa yung dali diba? hehe...

Pero sa totoo lang, feeling ko nagbago si Veyn. Hindi na sya yung kilala kung Veyn, palagi nalang sya seryoso. Aaminin ko, alam ko ang tungkol sa parating na digmaan. Kasalanan ko bang marinig iyon ng aksidente? Eh kay lakas naman kasi ng boses nung mga bampira sa mansyon, kala mo nasa palengke kung mag chis-misan.

Wala na talaga, walang pinag kaiba ang tao sa bampira. Basta pagdating sa chismisan, parang shot gun ang bibig, walang tigil. Na sa hindi mo na pala alam eh, iba na ang balang lumalabas sa sobrang bilis.

(A/n: Lalim naman... May hugot? ) Wala po author, trip ko lang.

Hutang ires! Pag ako! Nakita ko yung pagmumukha ng bwiset kong asawa, idadasal nya na sana hindi na sya nabuhay. +_+ Kala mo kung sino, pero pag dating sa akin, under lang naman pala. Kung makapag-asta, wagas. Kala ba nya masayang mag-alala? Eh ngayon pa lang nga, kung ano-ano na yung nai-isip kong masamang nangyari sa kanya.

Yun yung nakaka-bwiset, wala syang tiwala sa asawa nya. Mismong asawa nya, 'di nya man lang pagsabihan ng mga problema, yun pa bang malala?

Pero, hindi naman ako mawawalan ng pag-asa, ako kaya si Xena Lorraine Lopez! este Monteverde. Siguro mga people, may dahilan naman sya diba?

" 170 squats! " sigaw naman nitong instructor ko.

Huhu, another 170?!! Wala na, bibigay na yung mga paa ko. T_T...

" Kuya, break muna tayo. " sabi ko habang hihingal-hingal.

" Bakit??!! Wag! Mahal na mahal kita loves! Wag ka naman makipag-break sa akin! Pangako, gagawin ko lahat para sayo. " sabi ni Kuyang Instuctor.

Luh? Baliw na tong lalaking ito. O0O

" Luh? Kuya, anong pinagsasabi mo? Sinong makikipag-break? " tanong ko, habang nakatingin sa kanya na parang baliw.

" Diba sabi mo, break na tayo? " tanong naman nya pabalik.

" Kuya, Ang ibig kong sabihin, mag pahinga muna tayo. Wag ka nga assumera, mapag-kakamalan kang baliw dyan eh. " Sabi ko sabay punta sa bench, sa gilid ng kwarto.

" Edi sana tinagalog mo nalang para madali. " mahinang nitong sabi.

Eh loko naman 'to eh! Kala nya di ko sya maririnig? Kasalanan ko ba mga readers na mahina yung utak niya? (A/n: Chill lang, bagong karakter lang natin iyan. Pagpasensyahan mo muna, wala yung magaling mong asawa. ) Okay po. Hinga ng Malalim, buga.. Okag chill na ako!! Yehey!! Kaya ko 'to. Fighting!

" Sige, tapos na tayo. You can go na Queen. " Sabi ni Kuyang Instructor at tumungo ito bilang paggalang.

Sus, tumungo pa, peke naman. Nagsayang lang syan ng enerhiya. (A/n: Alam mo, pasalamat ka, 'di nya binabasa ang isip mo, patay ka kung mangyari yun. ) Di naman halata author na ito yung nasa isip ko. Laki kaya ng ngiti ko, nakakangalay na nga eh.

Aywan ko, nung nagbago si Veyn, pati ako damay. Palagi nalang mainit ang ulo ko. Siguro nami-miss ko na sya. Hala! Aywan, makapag-pahinga na nga lang.

...

Naalimpungatan ako ng maramdaman kong bumigat ang kabilang parte ng kama. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga at ang unang bumungad sa akin ang mukhan ni Veyn.

" Wife... " bigkas nya.

Ilang beses kong kinurap ang aking mga mata upang malaman ko na hindi ito isang panaginip. Dahan dahan akong umupo at pagkatapos ay hinarap ko si Veyn.

" Kamusta ka na? Wala naman nangyari sayong masama hindi ba? " Tanong ko sa kanya.

Hindi sya sumagot, imbes ay yinakap nya ako ng sobrang higpit.

Hindi ako umimik, at tinugon ko na lamanng ang kanyang yakap. Nararamdaman ko na gustong kumawala ang mga luhang aking kinikimkim. Pero pinilit kong di umiyak, dahil iyon ang pangako ko.

Hindi ko nalang namalayan na nakatulog na pala ako.

Sa sumunod na araw, wala akong naabutan na Veyn. Sus, ano pa bang aasahan ko?

Bumaba na ako, at pumunta sa hapag kainan. Pagkaupo ko, agad akong kumain para magkaroon ako ng sapat na lakas para sa training. Pagkatapos ko kumain, tumayo na ako at nagsimulang maglakad patungo sa Training Room.

Habang ako'y nalakad, biglang may humawak sa aking balikat. Bigla akong napapitlag, at sa pagtingin ko, bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Mars.

" Oh Mars, napadaan ka. "




















































































" Rin, Veyn needs your help. " What?!

*****
A/n: Guys, thank you po sa patuloy na pagsuporta sa akin. Thank you sa pag-i-intindi sa akin. Salamat po at na bigyan ako ng lakas na makabangon. Maraming maraming salamat po readers! Kayo po inspiration ko! Mahal na mahal ko po kayo! Kasi kayo po ang nagbibigay halaga sa librong ito. Maraming maraming salamat!

Tsubasa log out...

Oh My Vampire!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon