CN 29

1.4K 42 3
                                    

Rin's P.O.V.

"Lorraine, Pwede ba kita maging Reyna? "

Sa hindi malamang dahilan, biglang nagtuluan ang mga luha ko sa aking mga mata. Umiiyak ba ko dahil masaya ako? o dahil sa malungkot ako?

" Oh? Bakit ka umiiyak babae? Pumapangit ka tuloy. " sabi nya.

" Panira ka rin ng moment eh! Alam mo na nag mumuni ako dahil sa mga sinabi mo! First time kaya ka naging mabait sa akin tapos ganyan ka pa. Hayaan mo kong mag enjoy kasi baka sa susunod, hindi na ikaw magiging ganitong kabait. " sabi ko sabay hinigpitan ang aking yakap.

" Anong sagot mo sa aking tanong? Oo ba o hindi? " tanong nya sa akin.

" Pwede sagutin ko yan mamaya? Stay muna tayo sa ganito. Ipa-enjoy mo muna sa akin itong moment. " sabi ko.

" Lorraine may ikwe-kwento ako sayo, makinig ka. " sabi nya sa akin.

" Okay, ano ba ang ikwe-kwento mo sa akin? " tanong ko na kinakabahan ng kunti.

" Noong una kita makita, akala ko hindi ka magkakaroon malaking papel sa buhay ko. Akala ko wala ka lang. " sabi nya.

Ay grabe sya oh! Wala lang daw ako sa kanya. Eh kung isampal ko sa kanya yung wedding ring namin at yung mga papeles ng kasal namin? (A/n: Ay sadista na sya, lumayo layo na tayo mga readers. ) Hindi naman author.

" Nagkamali pala ako, lahat pala akala lang. Ngayon, naging sobrang halaga mo sa buhay ko. Naging asawa kita, naging katuwang kita sa buhay, at naging taong mamahalin ko. Lorraine, pwede ka ba maging reyna ng kaharian ko at maging ang buhay ko? " Speechless ako.

Hindi ko na alam! Hindi ako sanay sa mga sinasabi nya! Ang sobrang cheesy nya na, na papaiyak na ko.

" Alam mo? Dapat sinabi mo pa 'to nung kinakasal tayo eh! Pero dahil sa kasal na tayo, sasabihin ko nalang. Noong una kita makilala bilang si Reid, mukha kang isnoberong tao at mukha kang masungit at tama naman ako. Palagi mo ko sinusungitan, kahit noong naging si Veyn ka na. Aaminin ko, nasaktan ako dahil hindi mo sinabi sa akin na ikaw pala ang boss ko kahit na kinasal na tayo. Pero masaya ako na sinabi mo sa akin at naging makatotoo ka. Alam mo ba? Tuwing kasama kita, biglang nagtatatakbo ang puso ko na parang nasa marathon. Akala ko may sakit ako. " Bigla syang napatawa sa mga sinabi ko.

" Pero tuwing may alitan tayo, parang dinudurog ito. " sabay turo sa dibdib.

" Kahit na ganoon, masaya pa rin ako kasi palagi ka nasa tabi ko. Kahit ngayon nga ay sobrang saya ko dahil inamin mo sa akin ang lahat ng nararamdaman mo. Maraming mga lalaki dyan na nagiging basag ulo, para lang hindi malaman ang mga kanilang nararamdaman. Kaya masaya ako, kasi hindi ka masyado naging ganoon. At kung magiging reyna mo ako, okay lang ba kung minsan ay nagkakamali ako? " sabi ko habang nakangiti.

" So sinasabi mo ba na, pwede kita maging reyna? " Tumango ako bilang sagot.

Niyakap nya ko at hinalikan ako sa noo ng biglang may tumunog na cellphone.

" Oh? May tumatawag sa iyo. " sabi ko sabay kumawala sa yakap.

" Wait lang. " sabi nya sabay sagot ng tawag.

Shemay! Lord! Salamat at may ka loving loving na ko! sa wakas, may lovelife na ako. Tama nga ang sabi ni Nanang. Pero ang sabi nya pa daw ay, may kapalit daw ito at mas malala. Alam ko may palaging kapalit ang kasayahan, dahil hindi ka pwede maging habang buhay na masaya.

Sinulyapan ko si Veyn at nakit ko na kumukunot ang kanyang noo at mukhang problemado na ito. Nilapitan ko sya dahil syempre, nag-aalala ako.

" Huy! Bakit? Anong ngyayari? " tanong ko na puno ng alala.

" Lorraine, pumasok ka na sa kotse. May pupuntahan tayo. " sabi nya.

Sinunod ko sya at agad na pumasok sa kotse. Sunod syang pumasok at agad nyang pinaharurot ang kotse na parang wala ng bukas. Ilang sandali pa ay nakarating na kami at kita ko ang nasusunog na building. At ang building iyon ay ang isa sa pinaka mahalagang branch ng Cristales Monteverde.

Eto ba ang kapalit ng pagigibg masaya namin? Ganun ba kabilis si tadhana?

Tiningnan ko si Veyn at wala man lang bakas ng kalungkutan o di kaya paghihinayang sa nakikita nya. Parang alam nya na mangyayari ito. /()0()\ Manghuhula ba sya? Sya ba si nanang version 2? Omegeley! (A/n: nag loko pa sya 'no? nasa alanganing sitwasyon na nga. ) Author naman! Para naman positive ang buhay. Sabi kasi ni mama, ang taong nasa masamang sitwasyon tapos negative pa edi pak ganern! Mas lalong lalala ang problema.

" Huy! Ok kaba dyan? Mukhang nangangain ka na dyan. " sabi ko.

" Halata ba? Sh*t! Sisiguruhin kong magababayad sila. " nakakatakot si Veyn oh, nagmura sya.

" Eh kung i-plaster ko iyang bibig mo, payag ka? " naiinis kong tanong.

Bigla sya natahimik sa sinabi ko. Aba, subukan nya lang at makita nya, nakatahi na yung bibig nya. Sinulyapan ko si Veyn at mukhang pinagpapawisan.

" Veyn! " tumingin kami kung sino tumawag kay pangit, at walang iba kundi si Mars.

" Cel. " sabi ni Veyn.

" Kanina pa ako na andito. Ang sabi ng isang investigator, yung apoy ay nanggaling daw sa pumutok na ilaw. Pero nung si-nearch namin kasama ang team ng base unit galing sa manila, Hindi lang simpleng pagka putok  nangglaling ang lahat. Naka kita kami ng bakas nila at siguradong sila ang maykagagawan nito. Balak nila kunin ang singsing ng Taron. Akala nila na dito naka tago ang singsing. " sabi ni Mars.

" Wait a minute! Kapeng mainit! Ano ba ang pinag-uusapan nyo dyan? Iyang singsing ng Taron na iyan, yan ba yung singsing na binigay ng Panginoon ng mga bampira?" tanong ko.

" Oo. Ito nga iyon. Teka nga Veyn, nasabi mo na ba sa kanya ang lahat? " tanong ni Mars.

" Sabihin ang ano? " tanong ko.

" Hindi pa. Baka pagkatapos nito ngyayari ay masabi ko sakanya. " sabi ni Veyn

" Huy! ano ba pinag-uusapan nyo dyan? " na le-left out na ko mga kababayan.

" Lorraine mag-usap muna kayo ni Veyn dyan. Maiwan ko muna kayo. " sabi ni Mars at umalis.

" Ano ba pinag-uusapan nyo? May sikreto ba kayong dalawa? " tanong ko.

" Lorraine listen to me. " shet!
















































Mukhang masama ito.

*****
A/n: Huhuhuhu TUT nagalit sa akin ang mama ko huhu!!!! Hindi nya ako pinahiram ng Wifi mga readers!!! Pero masaya ako naka update na rin ako sa wakas. Yung susunod na chapter baka po this week sya ma publish hehe sorry po talaga kung nalate ako sa pag-update. Thank you po talaga sa pag tyaga sa akin mga readers. Maraming maramin salamat po ToT. Vote and comment po!

Tsubasa log out....

Oh My Vampire!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon