CH 26

1.6K 46 5
                                    

Rin's P.O.V.

" Si Veyn. " sabi ko.

Tumingin sa akin sa Veyn na puno ng pagtataka.

" Bakit? Totoo naman ah... ikaw yung pinaka pangit. " sabi ko rin na puno ng pagtataka.

" Naiintindihan mo ba yung tanong?" sabi ni Veyn na parang naiirita.

" Oo. Ang tanong ng kapatid mo ay kung sino ang pinaka pangit sa inyo. Hindi ba? " tanong ko.

" Pffttttttt......Wahahaahahahaha!!!!! Bunso pfftttt..... Hahhahahahaha!!! " sabi ng kapatid ni Veyn.

" Shut up! " sabi ni Veyn ng pagalit.

" Bakit ba? Bakit kayo natawa dyan? " tanong ko.

" Ganito kasi iyan Rin, yung tinanong kasi sino yung pinaka gwapo sa amin hindi pangit. Yan tuloy napa-assumes si Pinsan hahaahhaaha!!" sabi ni Mars.

Tiningnan ko lang sila habang natawa at nasama na rin yung mga magulang ni Veyn sa kakatawa. Ewan ko feeling ko na OP na me (out of place).

" Oh? Done na po ba kayo? " sabi ko.

" Pffttt..... Wait lang... hahahhahahahhahaha!!! Sorry sorry....... " sabi ni Mars.

Okay, readers bakit sila tawa ng tawa? Kasi na bu-bwisit na ko people, Why are they tawa tawa??????

" Mga iho... Tumigil na tayo, at mahiya kayo oh? Kawawa si Rin, hindi sya maka relate. " sabi ng ina ni Veyn.

Tinapunan ko ng tingin si Veyn at... well wag na kayo ma-curious kasi as expected, naka busangot si pangit.

" Sorry talaga Rin, nakakatawa lang kasi umasa itong naka busangot kong kapatid haha.. " sabi ng kapatid ni Veyn.

" Tumigil ka nga! Halika, Lorraine. " biglang sabi ni Veyn sabay hablot ng kamay ko at nagsimilang maglakad.

" Huy! wait lang! " sabi ko sakanya habang hawak hawak nya ang kamay ko.

Ano ba ngyayari dito sa lalaking ito? Jusko! mababaliw na po talaga ako sa kanya readers kung ganito palagi ang kasama ko huhuhu T0T.

Sa hindi ko namamalayan ay napunta na kami sa hardin, yung dati naming pinuntahan, at biglang tumigil sa paglalakad si Veyn.

" Oh? Ano na ang ngyare sa iyo, aber? " tanong ko.

" Anong gagawin mo kung malaman mo na may papalapit ng digmaan? " biglang tanong ni Veyn sa akin.

" Bakit mo naman iyan natanong? Syempre, ihahanda ko ang sarili ko sa mangyayare. " sabi ko.

Sa hindi malamang dahilan ay bigla akong kinutuban. Ano ba ang pinag sasabi nito pangit na ito? Tinatakot nya na ako ha... Author!! Wag nyo naman gawing baliw ang asawa ko!!( A/n: Asawa daw nya readers? Ehem, Rin dati ng baliw iyan at pati na rin ikaw. ) Wag naman ganyan author oh...

Biglang napatingin sa akin si Veyn na parang mali ang aking mga sinabi. Hala! may mali ba sa sinabi ko? Wala naman diba?

" Lorraine, ayusin mo na ang mga gamit mo at uuwi na tayo bukas. " Malamig na sabi ni Veyn.

May masama ba akong ginawa sa kanya? Bakit parang dinudurog yung puso ko ng magsalita sya ng malamig? Bakit ang sakit?

Veyn's P.O.V.

" Bakit mo naman iyan natanong? Syempre, ihahanda ko ang sarili ko sa mangyayare. " sabi ni Lorraine.

Tiningnan ko sya na parang ang mga sinabi nya ay mas lalong nagbigay ng kaba sa aking dibdib. Hindi ko masabi ang mga halong halong emosyon sa aking dibdib, pinag halong kaba, takot, at iba pa. Dahil dito bigla akong nagsalita at hindi ko inaasahan na nag iba ang aking tono.

" Lorraine, ayusin mo na ang mga gamit mo at uuwi na tayo bukas. " sabi ko ng malamig.

Pagkasabi ko nun ay napansin ko ang kanyang mga mata at parang nasaktan ito sa aking mga sinabi. Pagkakita ko nun ay parang nagsisi  ako na magawa ko syang masaktan. Pero alam ko, na para sa kanyang ikinabubuti ang lahat ng ito. Mismo ako rin ay nasasaktan tuwing nagtatago ako ng bagay sa kanya.

Alam ko na balang araw ay malalaman nya rin ang mga ito, at ihahanda ko na ang aking sarili sa araw na iyon. Sa ngayon ay kaylangan ko itong matago kahit anong mangyari.

" Sige, aayusin ko na rin yung sayo. " sabi ni Lorraine at nagsimula ng maglakad palayo.

" Patawad Lorraine. " sabi ko ng mahina ng mawala na sya sa paningin ko.

...

Kinabukasan ay maaga kami nagising at nakapaghanda ni Lorraine. Hanggang ngayon ay ni isa sa amin ay nagsalita, pero alam ko na kating kati na si Lorraine na magsalita.

Pagbaba namin sa hagdan, agad na sumalubong sa amin sila mama, papa at ang aking kapatid.

" Oh? Ngayon na pala alis nyo. Bago kayo umalis kumain muna kayo at para pagdating nyo sa bahay nyo ay magpahinga nalang kayo. " sabi Mama.

" Ay sige po! Salamat po ng marami! " sabi ni Lorraine.

Tumungo kami sa hapagkainan at nagsimula ng kumain. Naging hindi kumportable ang hangin sa paligid dahil ni isa saamin ay hidni nagsalita.

Ilang minuto pa ang lumipas ay handa na kaming umalis at pag pasok namin sa kotse ay nagsalita si Papa.

" Anak, pagbalik nyo ay dapat meron ng mga batang kamukha nyo ang kasama nyo ha. " sabi ni Papa.

" Makakaasa kayo. " sabi ko.

Napansin ni Papa na iba ang tono ng aking pagsasalita pero sinawalang bahala nya lang ito.

" Oh, sige po! Alis na ho kami! " sabi ni Lorraine habang namumula.

Paglabas namin ni Lorraine, dumiretso kami sa kotse ko at pagpasok namin agad na sumalubong sa amin ang katahimikan.

Hindi man ako sanay, pipilitin kong sanayin. Para sakanya, kaya kong pilitin. At masakit mang aminin












































Mahal ko na sya.

*****
A/n: Sorry po sa late update mga readers! Sorry po talaga, marami po kasi akong mga projects at hindi ko po kaya pagsabayin lahat. Sumusulyap parin po ako sa Wattpad kung kinakaya ko po, at thankful po talaga ako sa mga nagababasa at sa mga nagvo-vote. Bukas po asahan nyo yung update ko bilang bawi po hehehe ^_^7. Ngayon po, sobrang kikilig na po ako kasi inamin na ng bida nating si Veyn na mahal nya si Rin. Hihihi ^\\\^ sana ma amin na rin ni Rin ang tunay nyang naramdaman no? Salamat po ng marami! Vote and comment!

Tsubasa Log out....

Oh My Vampire!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon