CH 37

1.1K 34 4
                                    

Third Person P.O.V.

~Flashback~

Taong 185*

" Mama! Tingnan mo oh! Itim na bulaklak! " sabi ng isang walang kamuang muang na batang lalaki.

" Reid, maghunos dili ka naman anak. Tingnan mo oh? Pagod na si Mama. " sabi ng ina ng bata habang hinahabol ang kanyang hininga.

" Pero ma..... Nevermind! Halika ma, lakad nalang tayo dito sa palasyo. Ma, hari ba talaga ang ama ko? Bakit ngayon ko lang po sya nakita? " puno ng pagtataka na tanong ng bata.

Ang bata ay walang iba kundi ang ating bida na si Haring Reid Veyn Monteverde. Sa idad na dalawang taon ay natuto na ang bata kung paano magbasa, magsalita, at magsulat ng iba't ibang lengwahe. Sa buong aklan ng monteverde, sya ang pangalawang matalino sa kahit anon aspeto at kahit na rin sa lakas.

Pero kahit man ganoon ay sya'y parin ay kasing inosente katulad ng isang puting bulaklak, na walang bahid na kasamaan. Sya ay pinalaki ng kanyang ina sa malayong lugar, na kung saan ang kapayapaan ay nananaig.

" Kasi anak, ang ama mo ay maraming ginagawa dito, busy sya. Kaya wag na tayo dumagdag ha? " sabi ng kanyang ina.

" Mama, ganito po ba talaga ang kulay ng bulaklak? Na kahit anong linis mo po ay itim pa rin sya? " tanong ng bata.

" Ang kulit mo talagang bata ka! Manang mana ka talaga sa akin! Oo anak, kahit man pinturahan mo ng puti ang bulaklak na ito, hindi pa rin magbabago ang tunay nitong kulay. Halika ka nga dito, Rawwrr!!!! " sabi ng ina at hinabol ang bata.

Oh My Vampire!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon