Si Chris ay isang normal na Teenager. Pero siya ay bully sa mga kaklase nito. Kinakatakutan siya ng lahat sa kanilang School dahil sa pagiging maangas nito.
Isang araw habang naglalakad ang dalawang babae ay pinag tripan niya ito. Hinila niya ang Bag hanggang sa masira. Walang nagawa ang mga babae kundi umiyak na lamang. At agad naman siyang tumakbo papalayo.
Sa sobrang tuwa ni Chris ay hindi niya namalayan na masyado na pala siyang malayo. Nakarating siya sa likod ng kanilang School building.
“Ang Baho naman dito! Kailangan ko nang bumalik! Marami pa akong pag t tripan!” – Chris
“PSSSSSSSSSST!” Biglang may narinig si Chris. Agad siyang tumingin sa kaliwa’t kanan niya pero wala siyang nakita. Tumingin siya sa taas nang may nakita siyang nahuhulog na papel.
Bumagsak ito sa harapan niya. Nagtaka si Chris dahil naka envelope ito. Agad niya namang pinulot at binuksan.
“MAKAKAPANG BULLY KA PA KAYA KUNG IKAW NA ANG PINAG T TRIPAN KO HANGGANG SA MAMATAY KA?!”
Natawa lang si Chris sa nabasa niya.
“Hahahahahaha! Ulol ka ba! Hindi ako natatakot sayo! Lumabas ka diyan. Sasapakin kita!” – Chris
Pero walang nagpakita kay Chris. At tuluyan na siyang bumalik sa Classroom neto.
AFTER CLASSES ay naglalakad si Chris mag isa. Wala siyang ibang kasabay maglakad. Gabi na at puro hamog lamang ang nakikita niya.
Siya ay naglalakad sa isang madilim na kalye at hindi niya namamalayan ay may sumusunod na sa kanya. Papalapit ito ng papalapit sa kanya.
Nang bigla siyang pinugutan ng ulo nang walang kamalay malay!
Ang buong katawan ni Chris ay nanginginig! At ang Ulo niya naman ay tinapon sa damuhan.
Kinabukasan ay may napaka daming taong nakapaligid sa Lugar na kinamatayan ni Chris. Nandiri ang lahat ng nakakita.
Pero nabuhayan ng pag asa ang mga pulis nang may makita silang CCTV Camera sa pinangyarihan ng Krimen.
Agad nilang pinanuod ito. Hanggang sa makita na nila ang itsura ng pumatay kay Chris.
Si Anthony ay isang matabang lalaki. Ang height niya ay nasa 176cm. Siya ay kalbo at may bigote.
Agad namang pinahanap ng mga pulis si Anthony.
BINABASA MO ANG
Letters And Messages
HorrorPaano kung ang spirit ng isang Serial Killer ay lumipat sa isang bagay, kung saan hindi mo ito pag-hihinalaan at pag dududahan. Si Annie ay isang KPOP fan na pangarap magkaroon ng isang napaka gandang Cellphone. Isang umaga habang naglalakad siya ay...