15 YEARS LATER
APRIL 2013
Sa sobrang init ng panahon ay nahihirapang matulog ang mga preso kabilang si Anthony, ang mga Guards ay nag k-kwentuhan sa tabi. 11:53 PM na. Ngunit halos lahat ng preso ay gising pa.
Umuga ang simento. Biglang nagulat ang mga preso kabilang na si Anthony.
“LUMILINDOL!” – Sigaw ng isang preso.
Sa sobrang lakas ng lindol ay tuluyang bumigay ang pader kung saan nakakulong si Anthony. Nagulat ang lahat!
Agad na tumakbo papalabas ang lahat ng preso. Hindi ito napigilan ng mga nag babantay na mga pulis. Pinaputokan ng mga pulis ang mga preso. Ang iba ay nabaril at ang iba naman ay tuluyang nakatakas sa loob ng bilangguan.
Nagimbal ang lahat ng mamamayan ng Oxford. Agad namang binalita sa TV Napakagimbal na nangyari sa Oxford Penitentiary. 78 Ang namatay kabilang na ang 24 na Pulis at 54 na Preso. 135 na Preso naman ang nakatakas sa bilangguan kabilang na si Anthony.
Pagkalipas lamang ng ilang araw ay sunod sunod na ang krimen na nangyari sa Oxford. May mga ninakawan, at ang iba naman ay pinatay.
Dumating ang mga sundalo upang hulihin ang mga nakatakas na Preso. Gamit ang mga tangke at baril. Agad agad na sumuko ang lahat ng preso sa kanila. Pero ang iba ay tuluyan paring nakatakas at nagtago na sa malalayong lugar upang hindi na makita ng mga pulis.
Kabilang na roon si Anthony. Ninakaw niya ang mga nakasampay na damit sa isang bahay upang hindi siya makilala o mahuli.
Agad siyang nag punta sa kanyang lumang bahay. Ito ay abandonado na dahil matagal nang walang nakatira dito. Ang mga pintuan ay puno ng harang kahoy at ang mga bintana ay basag na.
Sinira niya ang mga nakaharang na kahoy upang pasukin ang kanyang bahay. Pagka pasok niya ay bumungad sa kanya ang mga sapot na nakadikit sa pader ng kanyang bahay. Ang mga kagamitan ay sira na.
Pumasok siya sa kwarto. Tinanggal niya ang napakalaking kurtina upang makita ang mga kagamitan. Pag tanggal niya ay saka niya nakita ang mga kagamitang pang kulam.
May mga pulang kandila, manika, krayom, libro, inumin na nakalagay sa Mesa.
Agad niyang sinindihan ang pulang kandila upang mag dasal.
“Pumatay kaaaa…..”
May bulong na narinig si Anthony. Agad siyang nataranta sa mga narinig niya. Nagpunta siya sa kusina at kinuha niya ang napaka habang Kutsilyo.
Pumunta siya si isang kwarto at binuksan ang Cabinet. Kinuha niya ang Jacket at wig upang suotin. At umalis na ng kanyang bahay.
BINABASA MO ANG
Letters And Messages
HorrorPaano kung ang spirit ng isang Serial Killer ay lumipat sa isang bagay, kung saan hindi mo ito pag-hihinalaan at pag dududahan. Si Annie ay isang KPOP fan na pangarap magkaroon ng isang napaka gandang Cellphone. Isang umaga habang naglalakad siya ay...