Chapter 5

638 24 1
                                    

9:52 PM

Paglabas niya ng kanyang bahay ay bumungad sa kanya ang napaka kapal na Fog. Halos wala siyang makita, at ang paligid ng kanyang bahay ay punong puno ng halaman at puno.

Dumeretso siya sa Playground kung saan niya nakita ang babaeng nakaupo sa Bench.

Mag-isa lamang ito at may hawak na Cellphone. Natatawa pa ang babae dahil nababasa niya ang mga napaka lambing na mensahe sa kanya. Onti onting lumapit si Anthony upang tignan ang babae.

Pumatay kaaaaa…..” –Ang bulong na muling narinig ni Anthony.

Ang cellphone ng babaeng iyon ay I Phone 4S. Maya-maya lamang ay umupo si Anthony sa tabi ng babae.

Agad na nag taka ang babae dahil napaka daming pwedeng upuan pero dun pa siya tumabi.

“Miss. Anong pangalan mo?” – Anthony

Tinanong ni Anthony ang pangalan ng babae. Pero medyo kinilabutan ang babae dahil hindi niya kakilala ang nakikipag-usap sa kanya.

“Aubrey. Aubrey ang pangalan ko. Sige po…” – Aubrey

At tuluyang tumayo si Aubrey sa kanyang kinauupuan. Naglakad ito papalayo upang iwasan si Anthony.

Agad na kinuha ni Anthony ang kutsilyo sa kanyang bulsa at sinundan si Aubrey.

Paglingon ni Aubrey sa kanyang likoran ay nakita niyang hinahabol si Anthony. Agad naman siyang tumakbo ng mabilis upang hindi siya mahabol nito. Pero Hindi kinaya ni Aubrey ang bilis ni Anthony sa pag-takbo.

Sinakal ni Anthony ang walang awang babae at pina higa sa damuhan.

Tinutok ni Anthony ang kutsilyo sa mukha ni Aubrey. Sa sobrang takot ni Aubrey ay napa luha ito. At nag mamaka-awa na wag siyang patayin.

“Wag mo akong patayin… Please… Buntis ako….” – Aubrey

Sinampal sampal at pinag sasapak ni Anthony ang kawawang babae. At tuluyang dumugo ang bibig nito. Hindi na naka palag si Aubrey. Inangat ni Antony ang Kutsilyo.

“AHHHHHHHHHHHHHHHHH…” Napasigaw ng malakas si Aubrey.

At tuluyan ng bumaon ang kutsilyo sa bunganga nito.

Tumunog ang cellphone ni Aubrey. At kinuha ito ni Anthony. Binasa niya ang message at ang nakasulat ay…

“Ihanda mo na ang Wedding Gown mo para next week baby. Excited na ko.”

Sa sobrang pagka mangha ni Anthony sa IPhone ay kinuha niya ito at ibinulsa.

Sa di kalayuan ay may isang babaeng naglalakad. Nakita niya ang buong pangyayari. Agad siyang tumakbo papalayo upang humingi ng tulong. Nakita ito ni Anthony.

Muli niyang kinuha ang kutsilyo sa bunganga ni Aubrey at hinabol ang babaeng nakakita sa ginawa niya.

Sa sobrang tindi ng ginawa ni Anthony kay Aubrey ay nabasag ang bungo nito at umaagos ang napaka lapot na dugo sa damuhan. Labas din ang kanyang utak dahil sa tindi at lakas ng saksak.

Umabot ang babae sa gitna ng Palm Road at nahuli siya ni Anthony. Agad na tinutok ni Anthony ang kutsilyo sa leeg ng babae, sa kabutihang palad ay biglang may dumating na mga pulis.

“IBABA MO YANG HAWAK MO!” – Pulis

Nagulat ang mga tao sa di kalayuan. At agad silang lumapit para tignan ang nangyayari.

“HINDI KO TO BIBITAWAN!!” – Anthony

“Please! Wag mo akong patayin.” – Nag mamaka-awang sinabi ng babae.

Nagulat ang lahat ng mga nakakita. Dinala ni Anthony ang babae sa gilid ng pader upang hindi siya mabaril sa likod o tagiliran.

*Wind blows*

Humangin ng napaka lakas at natanggal ang wig na suot ni Anthony.

“SI Anthony! Ang matagal na nating hinahanap.” – Pulis

“SUMUKO KA NA!!!” – Sigaw ng mga Taong Bayan

Hindi nasindak o natakot si Anthony sa ginagawa niya. Inangat niya ang kaliwang kamay at nag-dasal. Kakaiba ang naramdaman ni Anthony at nakakarinig na siya ng mahinang boses na siya lamang ang nakakarinig.

“Patayin Mooooo…..”

Nanlisik ang Mata ni Anthony at wala pang isang kurap ay sinaksak niya ang babae sa Puso nito.

Nagulat ang lahat ng nakakita maging ang mga pulis. Agad na humandusay ang katawan ng kawawang babae sa lapag.

Inangat ni Anthony ang kanyang parehong Kamay at sumigaw.

“Handa na ko! Alam kong hindi pa ito ang katapusan ng buhay ko! Mag babalik ako guguluhin ko kayong lahat!!!!!!”

Biglang kumidlat ng napaka lakas!

Walang patumpik tumpik at binaril ng mga pulis si Anthony sa kanyang Ulo. Tumalsik ang dugo nito sa pader at siya ay napa luhod.

Napasigaw ang lahat ng taong nakakita. Tumakbo ang mga pulis papalapit kay Anthony pero bigo silang makita na patay na ang hostage neto. At agad na tinakpan ang kanilang mga bangkay.

Maging ang Bangkay ni Aubrey ay natagpuan. Pagkalipas lamang ng ilang minuto pagkatapos nitong mamatay.

Dinala ang bangkay ni Anthony sa Morgue at agad itong inimbalsamo. Binulatlat ang laman nito at sinaksakan ng kung anu anong mga gamot.

Kinapa ng embalsamador ang bulsa nito at may nakita itong Cellphone. Kinuha niya naman agad ito at inabot sa Pulis.

“Ohhhh! Nakita ko sa bulsa ng patay. Dalhin mo sa Oxford Police Station, baka magamit pa to bilang ebidensya.” – Embalsamador.

Agad itong dinala sa Oxford Police Station at nilagay sa Cabinet upang itago. At tuluyan nang nanahimik ang kasamaang pinag gagagawa ni Anthony.

Letters And MessagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon