Chapter 9

496 17 2
                                    

Nakita ng mga Studyante, Teachers, Principal, at Security Guards ang katawana ni Paul. Nagkagulo ang lahat ng makita nila iyon. Nandiri ang iba. At ang iba naman ay kumuha ng cellphone upang picturan si Paul. Napulot naman ng security guard ang cellphone at dinala ito sa LOST AND FOUND ng school.

Habang naglalakad pauwi si Annie ay saka pa lamang niya naramdaman na wala na ang kanyang cellphone sa bulsa. Agad siyang bumalik sa School para hanapin ito.

Hindi naman siya nabigo at agad niyang nakuha ang cellphone sa Lost and Found office ng kanilang school. Saka niya rin nalaman na patay na ang classmate niyang si Paul pagkatapos sabihin sa kanya ng teacher ang nangyari.

7:16 PM

Si Annie ay naglalakad sa madilim na kalye ng Palm road. Kinakabahan siya dahil mag-isa lamang siyang naglalakad at wala pang ibang tao. Nang dahil sa cellphone ay ginabi na siya sa pag-uwi, nang biglang…

**ting**

Kinuha ni Annie ang cellphone sa kanyang bulsa at agad na tinignan ang mensahe.

“Hi darling. Please come home. The dinner is ready :-) ”

Kinilig si Annie nang mabasa niya ang mensahe, kaya nawala ang kaba niya dahil alam niyang walang mangyayaring masama. Pinalakas ng Application na ’yon ang kanyang loob, nang biglang

**ting**

Nagtaka si Annie dahil wala pang isang minuto at may bago nanamang mensahe, agad-agad niyang tinignan ang cellphone.

“You are walking alone, don’t worry. I’m here behind you.”

Nagulat si Annie sa nabasa niya, biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Kinilabutan siya sa nakita niya. Maya-maya lamang ay unti-unti siyang lumingod sa kanyang likuran at hinanap kung may tao.

Pero wala siyang nakita kundi ang kadiliman.

Pag lingon niya sa harap ay biglang may mukha.

Ang tita ito ni Annie.

“Gabing gabi na, kung saan saan ka pa nag-pupupunta. Kala ko kung napano ka na.”

– Mrs. Jenny

Si Mrs. Jenny ay ang Tita ni Annie. Inampon siya nito pagkatapos mamatay Nanay at Tatay ni Annie sa isang Earthquake. Pareho silang natabunan ng gumuhong Bubong ng gusali. Si Annie ay walang ibang kapatid.

Pagkarating sa bahay ay kumain na si Annie, tinawagan niya ang kanyang bestfriend na si Jolina upang i-kwento ang nangyari sa kanya habang naglalakad pauwi. Pero natawa lamang ito.

Hahaha! Masyado ka na kasing adik kay Luhan. Itulog mo nalang yan. Manunuod pa tayo ng concert ng EXO.” – Jolina

“Sige baby. Good night na. Kinilabutan talaga ako eh. Pero nagkataon lang siguro yon. Geh. Bye” – Annie

At tuluyan nang natulog si Annie.

**ting**

“Goodnight munchkin. Sweetdreams. I Love You”

 _________________________________________________________

Kitang kita parin ang bakas ng mga dugo sa pader ng hallway sa school si Annie. Nang madaanan niya ito ay biglang tumunog ang cellphone ni Annie. At binasa niya ang mensahe.

**ting**

“Hahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahaha!”

Nagtaka si Annie sa nabasa niya. Bakit puro “Haha” lang ang nakasulat doon?

Hindi nalamang niya ito binigyan ng pinansin at dire diretso nalang sa paglalakad.

Agad naman siyang pumasok sa CR upang umihi. Habang umiihi ay napag-isipan niyang tignan ang kanyang cellphone, pero pag-katingin niya dito ay nag-taka siya, naka TURN-OFF ang kanyang Cellphone. At bigla siyang nakarinig ng hakbang mula sa labas. Maya-maya lamang ay nakita niya sa baba ang mga paa nito.

Bigla nitong hinampas-hampas ng malakas ang pintuan. Nagulat naman si Annie sa pangyayaring iyon.

“AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!! SINO YAN??”

-Annie

Agad namang tumigil ang paghampas sa pintuan. At ang mga paa sa sahig ay bigla nalang nawala. At pagtingin niya sa kanyang cellphone ay naka TURN-ON na ito.

**ting**

Are you having fun baby?

Hindi na niya ito pinansin at tumakbo ng mabilis papalabas ng kanyang School. At agad na umuwi kahit na hindi pa niya napapasukan ang kanyang last subject.

Letters And MessagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon