Pagdating ni Annie sa kanyang bahay ay agad siyang dumeretso sa kwarto. Nagtaklob siya ng kumot at binuksan niya ang kanyang cellphone. Sinubukan niyang i-Uninstall ang Application pero biglang nag-hang ang kanyang cellphone.
Paglipas ang ilang oras ay nagpunta si Jolina sa kanyang bahay. Lumabas si Annie ng pinto at agad na pinapasok si Annie. Pinainom niya ito ng juice. Agad niyang kinuwento ang nangyari sa kanya sa CR kaya siya umuwi ng maaga.
“Natakot talaga ako eh. Nawalan ako ng ganang mag-aral” –Annie
“Grabe. Nakakakilabot naman pala yung nangyari sayo kanina” –Jolina
“May mas weird pang nangyayari sakin eh. Yung cellphone na napulot ko. Kakaiba yung nangyayari eh. Hindi ko alam kung coincidence lang pero natatakot ako eh” –Annie
“Bakit? Anong meron sa phone mo?” –Jolina
“Yung Virtual Boyfriend App, kakaiba yung mga sinasabi niya eh.”-Annie
“Diyos ko! Baka naman nagkataon lang lahat yun?” –Jolina
“Teka. Ipapakita ko sayo.”-Annie
Agad na kinapa ni Annie ang kanyang bulsa, pero wala roon ang cellphone niya.
“Naiwan ko ata sa kwarto eh. Pwede mo bang kunin para sakin?” –Annie
“Sure. Saan ba?”-Jolina
“Dun sa table, malapit sa kama.”-Annie
Agad naming nagpunta si Jolina sa kwarto. Pero wala sa table ang cellphone. Sinubukan niyang tignan ang kama pero wala rin doon. Kaya napag-isipan niyang tignan ang ilalim ng kama kung nandoon ang cellphone. Pagtingin niya ay naroon nga.
Pinilit niya itong abutin, pero hindi niya makuha. Kaya kinuha niya ang mahabang stick para abutin ito. At hindi siya nabigo. Nakuha niya ang cellphone at pinatong niya ang Mahabang Stick sa tabi ng kama, nang bigla tumunog ang Cellphone…
**ting**
Napaisip si Jolina
“Huh? Ano ba yun? Tignan ko nga.” -Jolina
Pagtingin niya sa cellphone ay may nakita siyang mensahe.
“Mamamatay ka nang hayop ka! Pakielamera ka ng cellphone. Si Annie lang ang nagmamay-ari saakin.”
Nagulat si Jolina sa nabasa niya. Bumilis ang tibok ng kanyang puso.
**ting**
“Papatayin na kita!”
**ting**
“Hindi ka na makakalabas ng buhay dito.”
**ting**
“Hayop ka!”
Agad na tumakbo si Jolina papalabas pero biglang nag-Lock ng kusa ang pinto. Hindi na siya makalabas. Nang biglang mamatay ang lahat ng ilaw sa kwarto.
Wala siyang ibang nagawa kundi sumigaw ng napaka-lakas para marinig siya ni Annie.
“AHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!! TULONGGGGGGG!!” –Jolina
Agad itong narinig ni Annie at tumakbo ito papunta sa kwarto. Pinilit niyang buksan ang pinto pero hindi niya ito magawa.
Habang sa loob ng kwarto naman ay takot na takot parin si Jolina. Nang biglang umilaw ang cellphone.
**ting**
Onti-onti siyang gumapang papalapit sa cellphone. Pagkuha niya ay tumayo siya upang tignan ito, Pagtingin niya dito ay may isang mensahe…
“BOO!”
Pagkabasa niya neto ay biglang bumukas ang lahat ng ilaw. Sa sobrang gulat niya ay tumakbo siya papalapit sa pintuan pero hindi niya namalayan ang stuffed toy sa sahig at nadulas siya. Muling namatay ang mga ilaw.
*Blag*
“Jolina! Jolina! Magsalita ka!” –Annie
At agad na bumukas ang pinto. Walang makita si Annie kaya binuksan niya ang ilaw.
At nakita niya si Jolina na nakatusok ang Katawan sa Mahabang Stick malapit sa kama. Wala na itong buhay.
“AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!” –Annie
Nagkalat ang dugo sa sahig at sa Kama.
Pagtingin ni Annie sa cellphone ay nasa Table lang ito malapit sa kama.
**ting**
“Dinner is ready. Come on let’s eat. :-) ”
BINABASA MO ANG
Letters And Messages
HorrorPaano kung ang spirit ng isang Serial Killer ay lumipat sa isang bagay, kung saan hindi mo ito pag-hihinalaan at pag dududahan. Si Annie ay isang KPOP fan na pangarap magkaroon ng isang napaka gandang Cellphone. Isang umaga habang naglalakad siya ay...