Chapter 11

482 11 1
                                    

Tulala parin si Annie sa mga pangyayari habang nasa burol siya ni Jolina. Hindi siya makapaniwala sa lahat ng nangyari. Pero nagtataka parin siya sa pagkamatay neto. Hindi siya naniniwala na aksidente lamang ang nangyari.

Pag-uwi niya sa kanyang bahay ay natatakot siyang pumunta sa kwarto. May Trauma parin siya sa mga nangyayari. Kaya naisipan niya nalang matulog sa Sala ng bahay niya. Wala siyang ibang kasama dahil ang Tita niya ay nasa probinsya (Nung Isang araw pa).

 _________________________________________________________

3:14 AM

Hindi parin makatulog si Annie, takot na takot siya sa mga nangyayari sa kanya. Napapaisip siya na parang may kakaibang nangyayari sa kanya pero hindi niya ito maipaliwanag. Bumangon siya at binuksan ang bintana upang makasagap ng malamig na hangin dahil nahihirapan siyang huminga. Kinuha niya ang kanyang cellphone upang I-text si Jonathan.

NEW SMS:

Jonathan, natatakot ako. Wala akong kasama dito sa bahay. Pwede ka bang pumunta?

TO: JONATHAN >>> MESSAGE SENT

Pagkalipas ng ilang minuto ay nabasa ni Jonathan ang Text Messages. Natakot siya para kay Annie kaya bumangon siya at napagdesisyunan niya na pumunta kay Annie.

NEW SMS:

Sige sige. On the way na ko. Mga 20 minutes, nandyan na ko.

TO: ANNIE >>> MESSAGE SENT

3:17 AM

Nagpunta si Annie sa kusina upang magtimpla ng kape, nang biglang…

**ting**

“Hi babe, I’m in front of your house. I have some knife :-)”

Nabitawan ni Annie ang hawak niyang kape at nabasag ito sa sahig.

Sa sobrang takot niya ay bumilis ang pintig ng kanyang puso. Kumuha siya ng Kitchen Knife at dahan-dahang nagpunta sa Sala. Tinanggal niya ang Lock ng pinto at binunsan ito.

Ngunit wala siyang ibang nakita kundi ang napaka-dilim na paligid. At muli niyang sinara ang pintuan.

3:20 AM

Habang nag-hihintay si Annie kay Jonathan ay naisipan niyang buksan ang T.V. pero biglang namatay ang lahat ng ilaw at nawalan ng kuryente sa buong bahay niya.

Kinikilabutan na si Annie. Sinara niya ang bintana at nilock ang lahat ng pintuan at kinuha niya ang kutsilyo. Wala siyang ibang makita kaya kinuha niya ang kanyang cellphone upang gamitin ang kanyang flashlight, at binuksan niya ito.

At bigla siyang nakaramdam ng napakalamig na hangin mula sa kaliwang bahagi ng katawan niya.

Nanginginig si Annie sa sobrang takot, at biglang…

**ting**

Tinignan ni Annie ang cellphone at binasa ang mensahe ng Application.

“I’m going to kill you tonight :-)”

Napa-atras si Annie sa kanyang nabasa. Pinagpapawisan siya ng napakalamig sa sobrang takot at niyerbyos. At muling may nag-mensahe sa kanya. At binasa niya ito.

**ting**

“Pasensya na Annie. Kailangan kitang patayin upang makuha ko ang katawan mo at muli na akong mabubuhay. HAHAHAHAHA!”

“Sino ka! Bakit mo ginagawa sakin to!” –Sigaw ni Annie

**ting**

“Kailangan ko silang gantihan! Pinatay nila ako!”

“Hayop ka!!!! Bakit ako pa! Bakettttt!” –Annie

**ting**

“Dahil alam kong ikaw lang ang makakatulong saakin!”

“Pero… Pero… Paano nangyayari toooooo?!!!” –Annie

**ting**

“Hindi mo ba alam! Sinadya ko talagang mapunta sayo dahil alam kong ikaw ang tamang taong makakatulong saakin.”

**ting**

“Sinadya ko talagang sunugin ang Police Station upang gantihan silang lahat. Ginawa ko yon upang makatakas sa Police Station.”

“Huh! Pero Cellphone ka lang! Hindi mo ko maaring saktan!” –Annie

**ting**

“Talaga Annie? Tignan mo ang gagawin ko!”

Nang biglang nabasag ang lahat ng bintana sa bahay ni Annie. Napasigaw siya ng malakas at napaluhod sa sobrang takot.

**ting**

“Oh diba! Sino nagsabing hindi ko kayang manakit?”

**ting**

“Kaya kitang patayin kahit hindi mo pa ako nakikita!”

May napakalakas na hangin na tumama kay Annie. Ang hawak niyang kutsilyo ay nabitawan niya. At sa sobrang lakas ng hangin ay napahiga siya at hindi maka bangon. Nang biglang bumagsak sa tagiliran niya ang flower vase.

“AHHHHHHHHHHHHHH!” –Annie

At tuluyan nanghina. Ang cellphone ay biglang nag-ground. At ang mga ilaw sa paligid ay biglang bumukas. At nagkaroon ng kidlat.

**ting**

“Sa wakas! Muli na akong mabubuhay! HAHAHAHAHA!”

**ting**

“Makukuha ko na ang katawan mo Annie!”

Maya-maya lamang ay dumating na si Jonathan. At nagulat siya dahil nakabukas na ang pintuan. Hinanap niya si Annie pero ito ay wala. Tinawag niya ang pangalan nito pero walang nagpakita sa kanya.

Nang biglang lumabas si Annie sa likuran niya at sinaksak siya nito sa braso! Nagulat si Jonathan at nadapa sa sobrang pang-hihina. Gumapang siya papalayo pero si Annie ay lumalapit parin sa kanya.

“Yan! Dapat mamatay na kayong lahat! Wala kayong kwenta!” –Annie

“Annie! Anong ginagawa mo! Hindi ikaw yan!” –Jonathan

 “Tama ka! Hindi si Annie to. Dahil ako si Anthony Morales.” –Anthony

“Ikaw yung mamamatay tao! Hayop ka!”-Jonathan

 "Tignan nalang naten. Hahahaha!" - Anthony

Letters And MessagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon