Sobrang saya ni Annie sa nakita niya at agad na tinignan ito pag-uwi ng kanyang bahay. Kung anu-ano ang pinag gagawa niya rito. Nag laro, nag selfie, at nag download ng picture ni Luhan. Pero bigla siyang napa-isip. Naalala niya ang sikat na Phone Application na “The Virtual Boyfriend App”
Hindi na siya nagpa tumpik-tumpik at agad itong dinownload. Pakiramdam ni Annie ay siya na ang pinaka masayang babae sa buong mundo. Wala lang siyang ibang ginawa kundi maglakad-lakad at nakapulot agad ng isang cellphone.
Sinubukan niya agad ang Application at bigla itong nag-padala ng Virtual message.
***ting***
“Hi baby. Can you kiss me?” – APP
“AHHHHHHHHHHHHH!! Mababaliw na ko!!!!! LUHAN BABY!!! :* :* “ – Annie
Sa sobrang kilig ni Annie ay binato niya ang unan sa Pader. At sa sobrang lakas nito ay nabasag ang Picture Frame na nakasabit sa pader. Nagulat siya at agad niyang nilinis ito.
“Sayang! Nabasag yung picture naming tatlo nila Jolina at Jonathan. :-( ”-Annie
***ting***
“Hey! It’s time to sleep. Go to bed and rest.”
“OK Luhan. :-( Matutulog na ko! Tsk Tsk.” –Annie
Nilagay ni Annie ang cellphone sa kanyang tabi at agad na pinatay ang ilaw at tuluyan nang natulog ng mahimbing….
3:16 AM
Napahimbing ng tulog ni Annie. At hindi niya narinig ang mensaheng nagpadala sa kanya.
***ting***
“I’m here in front of you. Watching you sleeping.”
PHONE BATTERY: 0%
At tuluyan nang namatay ang cellphone.
KINABUKASAN
Agad na nagising si Annie upang tignan ang massage ng Virtual App pero nalungkot siya ng makitang naka Patay na ang cellphone. Lowbat na pala ito. Kinuha niya ang charger at sinaksak ang Cellphone. Lumipas pa ang ilang oras ay Full Battery na ito. Kunuha niya ito at tuluyan nang pumasok sa kanyang School.
Si Annie ay nag-aaral sa Oxford High School. Ang pinaka sikat na High school sa buong bansa.
***ting***
“Good Luck! I’m here for you! You can do it!”
Mas nabuhayan ng loob si Annie nang makita ang mensaheng iyon. Mas ginanahan tuloy siyang mag-aral para makakuha ng mataas na grades.
***ting***
“I Love You. <3”
After mag-aral ni Annie ay agad na siyang umuwi, tumakbo siya ng mabilis dahil gagabihin na siya pero hindi niya namalayan na nahulog mula sa kanyang bulsa ang kanyang cellphone sa hallway ng school.
Sakto at naglalakad si Paul na ka-classmate ni Annie at napulot nito ang cellphone. Pero imbis na ibalik niya ito kay Annie ay tumakbo pa siya papalayo.
Sobrang bilis ng kanyang takbo upang hindi na siya makita ni Annie, pagkarating niya sa hagdanan ng hallway ay biglang nagka ground ng malakas ang cellphone. Sa sobrang pagka gulat ni Paul ay gumulong siya sa hagdanan at Tumama ang ulo sa pader. Tumalsik ang dugo mula sa kanyang utak. Nanginig ang buong katawan niya at tumirik ang mata.
At tuluyan itong binawian ng buhay.
Ang cellphone sa bulsa niya ay nawala na at tumalsik ito sa kabilang bahagi ng hagdanan.
BINABASA MO ANG
Letters And Messages
HorrorPaano kung ang spirit ng isang Serial Killer ay lumipat sa isang bagay, kung saan hindi mo ito pag-hihinalaan at pag dududahan. Si Annie ay isang KPOP fan na pangarap magkaroon ng isang napaka gandang Cellphone. Isang umaga habang naglalakad siya ay...