Chapter 7

582 17 4
                                    

11 MONTHS LATER

March 19, 2014

PRESENT DAY

 _________________________________________________________

Mainit, Maaraw, at masakit sa ulo. Diyan mo mailalalrawan ang summer. Dalawang Linggo na lamang at makaka pag bakasyon na rin si Annie sa kanyang pag-aaral. Masyado na siyang pagod at nais na niyang mag pahinga sa mga School works.

Si Annie ay isang College student, mahilig siyang makinig ng Music lalong lalo ang Kpop. Palagi rin siyang nakikisabay sa mga usong Teknolohiya. Kaka release lamang ng IPhone 5S at nais na niyang mag karoon neto. Kahit gugustuhin niya ay hindi niya magawa dahil hindi niya kayang bumili ng sobrang mahal na cellphone. Nag titiis muna siya sa kanyang lumang Nokia.

Binuksan niya ang TV at nanuod sa Kpop Channel. Tuwang tuwa siya pag nakikita niya ang EXO lalo na ang bias niyang Luhan.

“AHHHHHHHHHHHHHHH!!! LUHANNN!! MARRY ME NAAAAA” – Sigaw ni Annie sa kanyang TV.

Sa sobrang kilig ay hindi niya natiis at naibato niya ang Remote Control sa bintana. Pero buti na lamang ay hindi na ito nabasag. Si Annie ay 19 Years old na at kahit kailan ay hindi pa siya nagkakaron ng boyfriend kaya Kpop lang ang nakakapag pakilig sa kanya.

“Nabalitaan mo na ba? Magco-concert ang EXO dito sa town natin!” – Jolina

“OH MY FUUUU GOD!!! MANONOD AKO NIYAN! KAHIT NA IBENTA KO ANG KALULUWA KO! GAGAWIN KO PARA MAKITA KO SILA! LALO NA SI LUHAN BABY KO!!!! :* ” – Annie

Nagulat si Annie sa mga narinig niya sa kanyang bestfriend na si Jolina. Tila parang hihimatayin siya sa sobrang kilig dahil finally. Makikita na rin niya sa personal ang matagal na niyang hinahangaan.

 _________________________________________________________

Napag desisyonan ni Annie mag-punta sa Oxford Mall kasama si Jolina dahil bibili siya ng BB Cream. Pagkarating nila sa mall ay nakita nila ang isa pa nilang bestfriend na si Jonathan.

Si Jonathan ay isang napaka bait na lalaki. At nagkakagusto rin si Annie sa kanya. Pero pinili ni Annie na itago ang nararamdahan niya upang hindi masira o magbago ang kanilang pag kakaibigan.

After nilang bumili ay umuwi na rin silang lahat dahil gabi na. Napag desisyonan ni Annie na naglakad na lamang pauwi dahil mas gusto niyang makasama si Jonathan.

 _________________________________________________________

Habang naglalakad  silang dalawa ay may kakaiba silang napansin. Sunod-sunod ang Fire Trucks na dumaan sa kalsada. Sinundan nila Annie at Jonathan ang Truck hanggang sa napadpad sila sa labas ng isang nasusunog na gusali.

Paglapit pa nila ay mas nakita nila ang pinsalang dinudulot ng sunog sa gusali. Nagtaka si Jonathan at tinanong ang mga tao sa paligid tungkol sa mga nangyayari.

“Anong gusali po ba ‘yang nasusunog?” – Jonathan

“Yung Oxford Police Station! Yan yung nasusunog!” – Sagot ng kanyang pinag tanungan.

“Oh my God! Ang daming Police Files diyan ah! Sayang naman! Natusta lang ng sunog” - Annie

“OO nga eh! Sayang talaga!” – Jonathan

Lumipas pa ang ilang oras at tuluyan nang naapula ang sunog. Sa kasamaang palad ay namatay sa sunog sa isang Pulis. Ang pangalan nito ay Gerald Cruz. Siya ang pulis na nagdala ng Cellphone galing sa bulsa ni Anthony. Nagtaka ang mga pulis dahil nakagapos ang mga kamay nito sa Lamesa kaya hindi siya naka-alis. Sunog ang buong katawanan nito. Nakilala lang siya dahil sa suot niyang I.D.

Kinabukasan ay binalikan ni Annie ang Police Station upang tignan muli ang sitwasyon dito.

“Sayang talaga ‘tong lugar na to. Ang daming nasayang na mga bagay.” – Annie

Nang aalis na si Annie ay bigla siyang napatingin sa sahig. At may nakita siyang Cellphone. Ang tatak nito ay IPhone 4S. Napa WOW siya sa nakita niya. Walang ibang tao sa paligid kaya kinuha na lamang niya ito at agad na ibinulsa.

Letters And MessagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon