After 3 Months ng paghahanap ay bigo parin ang mga Pulis kung nasaan na si Anthony.
Hanggang sa may nagpadala ng Sulat sa mga pulis.
“PUMUNTA KAYO SA DEVINE INN. TIGNAN NATIN KUNG MAKIKITA NIYO PA KO KUNG TATANGGALIN KO ANG MGA MATA NIYO! AKO NGA PALA ANG PUMATAY KAY MARK AT CHRIS.”
Nagulat ang mga pulis sa nabasa nila. Agad silang nagmadali upang puntahan ang nasabing lugar.
Ang Devine Inn ay isang abandonadong Hotel.
Agad na binaklas ng mga Pulis ang Pintuan. Dali Dali nilang hinanap kung nasaan ang nagpadala ng sulat. Umabot sila sa 6TH Floor ng gusali. Pagbukas nila ng isang pintuan ay tumambad sa kanila ang walang buhay ng bangkay.
Ang mga bangkay na iyon ay sina Roxanne at Charles.
Sila ay bangong kasal lamang. Nagulat ang mga pulis dahil si Roxanne ay isang sikat na Model. Mas lalong nataranta ang mga pulis nang makita nila si Anthony sa gilid ng dalawang patay.
Nakahandusay din si Anthony. Lumapit ang isang pulis upang tingnan sa malapitan si Anthony.
Nang bigla itong bumangon at sinaksak sa Leeg ang inosenteng Pulis.
“AHHHHHHHHHHHH!”
Napasigaw ang mga pulis sa nakita nila! Agad nilang binaril si Anthony sa tagiliran at agad naman itong nawalan ng malay.
Lumapit ang mga pulis at laking gulat nila nang makitang nakasuot si Anthony ng Bullet Proof vest.
“PAPATAYIN NA KITA” – Sabi ng isang Pulis
“TEKA PARE! HINDI MO SIYA PWEDENG PATAYIN! IDADAAN NATIN SA KORTE YAN!”- Pulis
Lumipas ang ilang buwan ng Trial ay tuluyang hinatulan si Anthony ng Habang Buhay na pagkaka kulong. Ang lahat ng kamag anak ng mga pinatay niya ay puno ng galit sa kanya. Hindi napigilan ng kapatid ni Mark na lumapit kay Anthony at sinapak niya ito!
“ANG DAPAT SAYO. MAMATAY NA! HINDI KA DAPAT MAKULONG!” – Kapatid ni Mark
Pero ngumiti lang si Anthony sa kanya. At agad na dinala si Anthony sa Oxford Penitentiary. Napaka daming Media na nakapalibot say Anthony. Nais siyang pagpaliwanagin kung bakit siya pumapatay.
Pero tikom ang bibig ni Anthony sa mga tanong sa kanya.
________________________________________________
Mahigit 15 Years nang nakakulong si Anthony dahil samga kasalanang ginawa niya. Naranasan niya ang lahat ng pag hihirap sa loob ng kulungan, minsan ay inisip niyang tumakas pero bigo siya dahil napakatindi ng seguridad sa Oxford Penitentiary.

BINABASA MO ANG
Letters And Messages
HorrorPaano kung ang spirit ng isang Serial Killer ay lumipat sa isang bagay, kung saan hindi mo ito pag-hihinalaan at pag dududahan. Si Annie ay isang KPOP fan na pangarap magkaroon ng isang napaka gandang Cellphone. Isang umaga habang naglalakad siya ay...