Habang papalapit si Anthony/Annie kay Jonathan ay tinadyakan niya ito. Si Anthony ay tumalsik, at si Jonathan ay bumangon upang lumabas ng bahay.
Pero si Anthony ay napakalakas. Sinakal siya sa leeg si Jonathan at dinala ito sa kusina. Si Jonathan ay sobrang nanghihina na. Nang papatayin na siya ni Anthony ay biglang nagsalita si Annie (Ang totoong Annie).
“Ang cellphone… Jonathan. Sirain mo ang cellphone.” –Annie
Si Jonathan ay unti-unting gumapang papunta sa Sala upang sirain ang Cellphone ni Annie. At hindi nagpatalo si Anthony. Hinila niya pabalik si Jonathan at Sinaksak nito si Jonathan sa Tuhod upang hindi na makalakad.
“AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!” –Jonathan
Nagkalat ang dugo sa sahig. Pinipilit parin si Jonathan na lumayo kay Anthony at saka siya naka-isip ng paraan. Kinuha ni Jonathan ang Cellphone siya sa kanyang bulsa at ibinato ito sa mukha si Anthony. Sa sobrang lakas ng talsik ay napaluhod si Anthony at nahilo.
Gumapang muli si Jonathan papalayo. Nakakita siya ng matrilyo sa tabi ng T.V. Kinuha niya ito at muling gumapang papalapit sa Sofa. Habang si Anthony naman ay nananatiling nahihilo at hindi makatayo.
Pinilit ni Jonathan na kuhin ang cellphone sa Sala. Papalapit na siya ng biglang tumayo si Anthony.
Sa wakas ay nakuha na ni Jonathan ang cellphone. Nilagay niya ito sa sahig. At nang hahampasin na niya ito ay biglang nakuha ni Anthony ang martilyo at hinagis papalayo.
Inangat na ni Anthony ang kanyang kutsilyo at handa na niyang patayin si Jonathan at bago niya ito saksakin ay naunahan siya ni Jonathan na kunin ang cellphone. Bumuwelo na si Anthony sa pagsaksak at inihagis ni Jonathan ang cellphone papunta sa pader.
At tuluyang nabasag ang cellphone at tumalsik si Anthony papalayo. Lumindol ng napaka-lakas pagka tapos masira ng cellphone. Muling nabuhay si Annie at kinuha niya ang martilyo sa gilid at tinuluyan niyang wasakin ang cellphone upang hindi na ito muling umandar.
*BLAG BLAG BLAG*
Kinuha ni Annie ang cellphone ni Jonathan at sa kabutihang palad ay ayos pa ito. Tumawag siya ng Police upang tulungan sila. At agad na niyakap ni Annie si Jonathan.
“Darating na sila. Konting tiis na lang.” –Annie
At tuluyan ng ginamot si Jonathan. Sa sobrang hina nito ay nag-wheelchair muna siya dahil hindi pa siya makalakad. Nagpalamat naman ng malaki si Annie sa kanya dahil siya ang nag ligtas ng buhay ni Annie.
_________________________________________________________
Lumipas ang ilang linggo ay naging normal na muli ang lahat. Si Annie ay nagkaroon na ng bagong cellphone. Hindi na ito IPhone kundi Samsung na. Natuloy ang panunuod niya ng concert ng EXO. Kahit wala na si Jolina ay masaya parin siya dahil alam niyang payapa na ito at tahimik na.
Sa sobrang pagka-adik ni Annie sa EXO ay napilitan siyang bumili ng bagong Album neto at muli niyang dinownloadan ng Virtual Boyfriend App ang kanyang cellphone dahil alam niyang ayos na ang lahat.
**ting**
“Good night babe. Sweet dreams :-)”
At muling kinilig si Annie sa mga nabasa niya. Nagkumot na siya at tuluyan nang natulog ng napakahimbing na may mga ngiti sa kanyang labi.
“zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz” –Annie
_________________________________________________________
**ting**
“I’m here in front of you again. Watching you sleeping. :-)”
THE END
BINABASA MO ANG
Letters And Messages
HorrorPaano kung ang spirit ng isang Serial Killer ay lumipat sa isang bagay, kung saan hindi mo ito pag-hihinalaan at pag dududahan. Si Annie ay isang KPOP fan na pangarap magkaroon ng isang napaka gandang Cellphone. Isang umaga habang naglalakad siya ay...