Quarter Ten

17 4 0
                                    

Chapter 10

MIKEE

Nagising ako dahil sa tunog mula sa cellphone ko, dinilat ko ang mga mata ko agad ko nakita ang simentadong kisame. Wait.. simentado? eh plywood ang kisame ng kwarto ko.

agad ako napabangon pero napahiga din dahil sa naramdamang sakit ng buo kong katawan, natigilan ako. tinignan ko ang sarili ko nakabalot ako ng kumot sinilip ko ang katawan ko sa ilalim ng kumot. napatampal nalang ako sa noo ng mapagtanto kung anong nangyari kagabi.

Ugh!

Naisahan ako ng lalaki na yun porket nakainom ako, Hayst!

RING

From: Coach Rhett

Mikee are you going with us? Were leaving in 20 minutes.

Nanlaki ang mata ko ng mabasa ko ang text ni Coach Rhett, tinignan ko yung oras sa phone ko. nanlulumong nagreply ako kay Coach na on-the-way na ako. kaya dali dali ako umakyat at naligo nagsuot lang ako ng white maong high waist short, hanging black sando na spaghetti strap saka ko sinuot ang varsity jacket na pinagawa ni Coach para sa akin may logo yun ng Red Lion, katulad ng sa team. kinuha ko agad ang backpack ko at nilagay dun ang mga kailangan saka umalis nang bahay. Shit! sana hindi ako iwan.









RIDGE

7:30am palang ay nasa University na ako, pagdating ko kanina ay nanditona din ang iba at konti nalang hinintay hanggang sa dumating si Coach at niyaya na kaming magpunta sa parking space kung nasaan ang mini bus na siyang parati naming service tuwing may game kami, pagmamay-ari ito ng university.

"Hindi ba sasama si Miss Manager?" nagpalingon lingon pa si Rocco na tila hinahanap sa paligid si Mikee.

"Hindi niya sinasagot ang phone niya" si Damon na hawak hawak ang telepono habang panay ang dial.

"Ang sabi niya ay malapit na siya, sumakay na kayo hintayin natin siya sa loob" pagkasabi ni Coach nun ay pumasok na siya sa loob.

"Nalasing siguro siya kagabi" sabi ni Slater at umakyat na din sa bus.

"Baka napuyat" sabi ko at ini-smirk-an sila, nakita ko naman ang pagsama ng tingin sa kin ni Damon at Killian, pero bigla nalang ngumisi si Killian sa kin di ko nagustuhan yun kaya umakyat na din ako sa loob.

pumuwesto ako sa pangatlong upuan sa kaliwa maya maya pa ay tumabi sa kin si Zane, hindi ko nalang pinansin dahil sanay na ko na lagi siya sumisiksik sa kin. binaling ko nalang ang tingin sa labas.









WALTER

pagpasok sa loob ng bus ay pumwesto ako sa pang apat na upuan sa kanan, wala naman tumabi sa akin dahil madami pa namang bakanteng upuan.

ilang sandali lang ay may nagmamadaling pumasok sa loob ng bus at habol hiningang napatigil sa unahan.

"Sorry Coach hangover" kagat labing napayuko si Mikee pagkasabi niya nun, napasilip ako sa unahan tinignan ko si Mikee mula ulo hanggang paa.

Gulp!

Nakashorts lang siya at saka varsity jacket katulad ng suot din namin ngayon, white sneakers at naka messy bun halatang nagmadali.

"Witwiw! Kinis" malokong sabi ko, napatingin si Mikee sa kin na nakakunot ang noo at naiiling.

"Wow, legs!" panggatong pa ni Rocco sa sinabi ko.

"Kayo talaga mga bata tigilan niyo si Mikee" awat ni Coach.

RING

RING

Kill The Lions: Red Lions The Varsity PlayersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon