Quarter Seventeen

13 4 0
                                    

Chapter 17

ROCCO

nung nakaraan pa ako badtrip dahil sa Mom ko, lintek kasi na babae yun kung ipagduldulan ako sa anak ng bestfriend niya. psh!

para di siya magalit edi pinatulan ko, lumabas kami, uminom at dinala ko siya sa unit ko saka may nangyari samin. malay ko ba na kiss n tell ang babae na yun, sinabi pa talaga kay Mom na may nangyari samin kaya gusto nila panagutan ko eh hindi naman buntis, at malabong mabuntis ko siya dahil palagi ko sinisigurado na safe sex ang gagawin ko. nakakainis talaga!

napaangat ako ng tingin nang may humawak sa balikat ko si Damon pala, umupo siya sa tabi ko, nandito pala kami ngayon sa gym para sa practice bukas ay may laban ulit kami dahil nanalo kami nung monday at hindi maganda ang laro ko nun, napatiim bagang ako ng maalala kung paano ako nagkalat sa last game namim.

"Problema?"

napabuntong hininga nalang ako, simula nung lunes wala ako sinabihan ng pinoproblema ko ngayon, mababaw oo pero nakaka pressure at nakakainis na dahil pag tinatawagan ako ni Mom ay parang inuutusan niya ako na panagutan ang babae na yun.

"Babae" nasabi ko nalang, narinig ko nalang ang mahinang pagtawa ni Damon, tsk! ang lalaking to minsan nalang tumawa nang-iinis pa.

"Kayang kaya mo yan, wag mo lang idamay yung laro mo. medyo di cool yun" sabi niya saka tumayo na, tinapik muna niya yung balikat ko saka naglakad papunta sa iba na nagshu-shooting.

pagkaalis ni Damon, si Nixon at Zeke naman ang nakita kong papalapit, napakamot nalang ako ng likod ng tenga ko. bakit ba napaka chismoso ng dalawang to? pagkalapit nila ay umupo sila sa magkabilang gilid ko.

"Ano pre?" sabi ni Nixon at inakbayan ako, sinamaan ko lang siya ng tingin, pansin ko na nagkatinginan silang dalawa at sabay na natawa. Bwiset!

"May period pa din pre, mainit ulo eh" pang-aasar pa ni Zeke at tumawa na naman yung dalawa.

"tigilan niyo nga ako, dun kayo! shooo!" pagtataboy ko sa kanila, kasalukuyang nagtatawanan yung dalawa ng makarinig kami ng malakas na palakpak.

lahat yata kami ay napatingin dun, naramdaman ko nalang ang pag-alis ni Nixon sa pagkakaakbay niya sakin at talbog ng nalaglag na bola.

"Woah! ang sexy ni Mikee pre!" rinig kong sabi ni Zeke

"Tara pre lapit tayo" yaya ni Nixon sa kanya kaya naman tumayo na sila at naglakad palapit kay Mikee na kasama ni Coach, pansin ko din ang paglapit ng iba sa kanila kaya naman tumayo na din ako at naglakad papunta sa pwesto nila.

pagkalapit ko ay pansin ko na agad yung suot ni Mikee, jersey yun na may tatak ng Hudson logo sa harap saka maiksing jersey short. ang sexy niya tignan, athlete na athlete ang dating.

"Wow chiks!" sabay sipol ni Walter, ang haba talaga ng legs at binti ni Mikee. isa yun sa nakakapang akit sakin.

"Boys listen! mawawala ako pansamantala dahil sa seminar ng mga Coaches kaya si Mikee muna ang bahala sa inyo, wag niyo mamaliitin ang Manager niyo, di niyo alam mad magaling pa siya sa inyo" natigilan kami sa sinabi ni Coach.

Si Mikee? siya ang magiging substitute ni Coach Rhett? naglolokohan ba kami dito? alam namin na naging captain siya pero sa women team yun.

"Seriously?" di makapaniwalang tanong ko. pero nginitian lang ako ni Mikee, si Coach naman ay nginisihan ako.

"Parang di ko ma-imagine na babae ang magiging Coach natin ah" sabi naman ni Killian pero halata naman na gustong gusto niya dahil sa ngisi pa lang niya halatang may kalokohan na gagawin.

Kill The Lions: Red Lions The Varsity PlayersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon