Quarter Nine

16 4 0
                                    

Chapter 9

FAUSTO

"Mukhang nagkakasayahan na kayo dito ah" sabay sabay kaming napalingon sa nagsalita.

"Zane?" ngumiti lang siya saka ibinulsa ang dalawang kamay, ilang sandali lang ay may lumapit sa kanya si Ridge.

"O tapos kana agad?" baling ni Zane kay Ridge, ngumisi lang naman ito sa kanya.

napatitig ako kay Ridge na nakatayo pa din sa tabi ni Zane, halatang galing CR, gulo gulo ang buhok at medyo lukot yung damit sa bandang dibdib. nakangising napapailing nalang ako.

"Ridge pare, may lipstick kapa sa leeg" Nang-aasar na sabi ni Walter, nginisihan lang siya ni Ridge at umupo na, ganun din ang ginawa ni Zane.

"Kasama ka pala Zane"sabi sa kanya ni Slater.

"Magkasama lang kami ni Ridge kanina nung nagtext kayo sa kanya" kumuha na siya ng bote ng beer sa bucket na nasa lamesa at binuksan.

"Hoy, hoy, hoy, wag kapal muks! Umurder kayo ng sa inyo" sabi ni Walter kay Zane saka inagaw yung beer na hawak nito.

"Wow naman Walter nahiya kami sayo, kami kayang tatlo ni Nixon at Zeke ang nagbayad ng mga yan" sarkastikong sabi ni Rocco kay Walter kaya nasamid ito habang iniinom ang alak.

"Sandali ako nalang ang o-order"lahat kami ay napatahimik sa sinabi ni Ridge, parang biglang nakaramdam kami ng kakaibang kaba.

Shit!

Nakakaparanoid kapag kasama sa inuman si Ridge, biglang nanuyo ang lalamunan ko. kinuha ko yung baso na pinag-iinuman ko at ininum lahat ng laman nun. Hindi, hindi na ulit ako magpapadala kay Ridge.

"H-Hindi, kami na bahala sa alak. Chillax lang kayo jan" Mabilis na tumayo si Rocco at hinablot ang braso ni Nixon para itayo ito.

"Teka, si Damon yun ah!" napahinto sa pag alis sila Rocco at Nixon, lahat kami ay napatingin kay Zeke na nasa tabi ng railings kung saan kita ang nasa baba. tumayo ako para tignan kung nandun nga sa baba si Damon, ganun din ang iba.

"Totoo nga, si Damon nga!"pagkumpirma ni Zane, tumabi sa kanan ko si Ridge sa kaliwa naman ay si Killian.

Makikita mo agad siya dahil sa kakaibang tangkad niya, naglakad siya sa papunta sa malapit sa entrance. may nilapitan siyang babae na mahaba ang kulot na buhok, matangkad din at may suot ng pulang dress na hapit na hapit sa katawan nito.

"Woah! ang sexy ng chix ni Damon" sabi ni Walter

"Hot babe! naka-jackpot si Damon ngayon ah" dagdag pa ni Zeke nagpalingon lingon yung babae na parang may hinahanap kaya nagkaron kami ng pagkakataong makita ang mukha niya.

"O shit! ang ganda!" biglang sabi ni Rocco. tama siya ang ganda nga mukhang nakabingwit ng goldfish si Damon.

mukhang nag-uusap pa dun si Damon at ang babae, maya maya pa ay tumalikod ang babae parang may kausap sa phone, si Damon naman ay inilibot ng tingin ang buong bar. umangat ang tingin ni Damon sa banda namin, napahinto siya pero agad na napangisi nilingon ko ang mga katabi ko.

Si Killian na nginisian lang din si Damon, si Ridge na seryosong nakatingin lang. si Walter naman ay kumaway pa sa baba tinanguan lang siya ni Damon.

bumalik din yung babae at kinausap si Damon, naglakad na silang dalawa papunta sa hagdan. bumalik na din kami sa couch na inupuan namin.

um-order nalang si Rocco sa napadaan na waiter, tinamad na sigurong tumayo.



Kill The Lions: Red Lions The Varsity PlayersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon