Quarter Six

16 4 0
                                    

 Lion 10 (part1)

Chapter 6

MIKEE

Kumatok ako sa pinto atsaka ko binuksan, sinilip ko muna kung sino yung nasa loob siya lang ang nandoon kaya pumasok na ako, agad naman siyang tumayo saka ako nilapitan.

"Kanina pa kita hinihintay Mikee, Ayos na lahat. halika check mo" Ngumiti ako kay Julie at sinundan siya sa isang kwarto doon.

Nandito ako sa Fashion Club para kuhanin ang mga uniforms ng team. pagpasok namin sa loob ay meron din ibang istudyante doon.

Isa isang nakalatag ang mga yun sa mahabang lamesa, sinuri ko lahat kung may mali pero lahat ay perfect ang pagkakagawa katulad kung ano ang nasa layout.

"This is great Julie, Good job magugustuhan ng team to" nakangiti kong sabi habang nakatingin pa din sa mga yun, na-focus ang mata ko sa isang jersey dun, inabot ko yun at kinuha.

Jensen
  26

"Kay Ridge yan, pansin mo din?" nabaling ang tingin ko kay Julie na nakatitig sa hawak kong jersey, tinignan ko ulit ang hawak ko.

"Eto ba talaga yung number ng jersey niya sa simula pa lang?" takang tanong ko, sumeryoso ang ekspresyon niya.

"Hindi, Two years ago hindi naman yan ang number ng jersey niya, ang Jersey number ng Red Lion dati ay one hanggang ten" nakatingin lang siya sa iba pang nasa lamesa at pinasadahan niya ng kamay ang mga yun, nakatingin lang ako sa kanya naghihintay ng susunod niyang sasabihin.

"Si Damon bilang siya ang Captain siya ang #1, Si Walter ang #2, si Slater ang #3, si Ridge ang #4, si Fausto ang #5, si Killian #6, si Rocco #7, si Zane #8, si Zeke #9, at si Nixon naman ang #10. Lion10 pa dati ang tawag sa kanila, dahil sila ang batch na first year college palang ay magagaling na, naiiba sila sa mga nagdaan na member ng team kaya hindi na sila nagrecruit pa ng ibang member sila sila lang hanggang ngayon"

"Bakit naman? simula first year nila hanggang ngayon sila lang ang naging member ng basketball team? bakit hindi na sila nagrecruit? atsaka bakit nag-iba ng number si Ridge? kaya ba hindi na Lion10 ang tawag sa kanila?" sunod sunod na tanong ko, curious ako kung bakit siya nag-iba ng # may dahilan panigurado.

"Walang direktang rason si Ridge dun, pero ang kumalat na balita noon ay dahil iyon daw ang birthday ng kinabaliwang babae ni Ridge noon yun ang sabi sabi" kibit balikat niya. lumingon ulit siya sa akin saka muling sumeryoso ang titig niya. "Nung first year sila hindi talaga magkakasundo ang mga yun, para silang mga leon na parating nag aaway para maging hari ng kagubatan. sa madaling salita nagpapayabangan at nagpapagaling silang lahat iisang team lang sila pero nagkukumpitensya sila" napansin ko na nagsilabasan ang tatlong babae na kanina ay kasama nila sa loob, sinenyas niya sa akin ang upuan sa malapit kaya umupo ako katabi niya.

"Dahil sa ginagawa nila minsan kapag nasa laro na hindi sila nagkakasundo dahilan ng pagkatalo ng team sa mga laban nagresign ang dating Coach at si Coach Rhett ang pumalit nung siya ang naging bagong Coach madaming nagbago limitado nalang ang mga tao na pwede sa gym pero biglang nag announce siya na nangangailang siya ng manager para sa team di nga namin alam kung bakit ganun ang tawag siya e parang assistant naman ang trabaho ng sinasabi niyang manager, lahat ng mga babae sa university ay nagkainteres dun. nakakatawa nga pati ako ay sumubok noon kami ng kaibigan ko, hindi ako napili pero laking gulat ko na ang kaibigan ko na kasama ko na nagapply para dun ay natanggap kaya madami naiingit sa kanya" ngumiti siya ng mapatingin sa mukha ko.

"Alam mo ba naalala ko siya kapag nakikita ko ang mukha mo may pagkakahawig kayo" Napaiwas ako ng tingin sa kanya biglang bumilis ang tibok ng puso ko at napalunok. kinalma ko ang sarili ko dahil nakatitig pa din siya sa akin.

Kill The Lions: Red Lions The Varsity PlayersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon