Quarter Twentyfour

12 3 0
                                    

Rocco

Maaga ako dumating sa university dahil maaga ang practice namin, mas mahigpit na si Coach dahil kasama na kami sa semis. dumaretso agad ako ng lakad papunta sa gym.

Pagdating ko sa gym ay nandun na ang iba pero si Coach ay wala pa din, naalala ko na naman si Nixon.

Ang walang hiya saan na kaya ang sira ulong yun?

Umupo muna ko sa bleacher habang ang iba ay nasa court na at nawawarm up. Napatingin ako sa gawi ni Damon, napatingin din siya sakin sa nagsimulang maglakad palapit.

Napaangat ako ng tingin sa kanya ng huminto siya sa harap ko, napasandal ako saka pinatong sa sandalan ang kanang siko ko habang nakatingin kay Damon, tinanguan ko ito.

"Hindi mo kasama si Zeke?" Tanong niya saka luminga linga pa na parang hinahanap kung may kasunod ako. Kumunot naman ang noo ko sa tanong niya.

"Hindi, wala pa siya?" Takang tanong ko saka lumingon pa sa bandang entrance ng gym saka binalik ulit ang tingin kay Damon, umiling ito.

"Did you call him? Diba sinabi ko sayo na sabihan mo siya na maaga tayo ngayon?" Halatang inis na siya, napakamot ako ng batok.

"Oo nga pala, nakalimutan ko" napapailing naman siya sa sinabi ko. Kaagad ko naman kinuha sa bag ang phone ko para tawagan si Zeke.

"Diba kay Zeke to?"

"Patingin.. Oo nga kay Zeke yan ah"

Napalingon ako sa pwesto ni Walter at Slater sa kabilang bahagi ng gym, sa tapat ng inuupuan ko. Nakaupo dun ang dalawa at may hawak na camera.

Nagkatinginan kami ni Damon na nagtataka, tinago ko sa bulsa ng pants ko yung phone ko saka tumayo at nalakad papunta sa pwesto nila Walter. Paghinto ko ay naramdaman kong may huminto din sa tabi ko, nilingon ko si Damon na nakatingin din sa dalawa kaya tumingin din ako sa kanila.

"Oh, Rocco. Diba kay Zeke to?" Sabi ni Slater, nakaangat ang tingin nila sakin. Tumango ako sa kanila.

"Eh bakit nandito? Burara pala yung loko na yun" sabi ni Walter saka sumandal sa bleacher.

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, hindi basta basta iniiwan ni Zeke ang gamit niya.

"O anong ginagawa niyo jan?"

Napalingon kaming apat sa kakalapit lang na si Fausto. Tinignan niya kami isa isa na parang nagtatanong kung ano nga ba ang ginagawa naming apat dito.

"Ah, nakita kasi namin tong camera ni Zeke dito sa bleacher" sagot ni Slater sa kanya at inangat ang isang kamay niya na may hawak nung camera, napatingin dun si Fausto saka napakunot noo.

"Teka.. Diba yan yung camera na pinusta niya kay Mikee?" Takang tanong ni Fausto, biglang pumasok sa isip ko yung nakipagpustahan kami kay Mikee at natalo kami.

"Oo nga, yan nga yun" pagsang ayon ni Walter, kaming lima nila Zeke, Nixon saka sila ni Slater.

"O bakit nandito?" Tanong niya pa ulit saka tumabi ng upo kay Slater, kinuha niya sa kamay nito ang camera saka tinignan ang kabuuan. May pinindot siya a bandang itaas nun, nakita nalang namin ang pag ilaw ng screen nun.

Napatitig siya sa screen ng camera at bahagyang napalayo ang ulo niya sa hawak niyang camera, unti unti din nag iba ang ekspresyon ng mukha niya.

"What's wrong?" Tanong ni Damon, kaming apat ay takang nakatingin sa kanya, nag angat siya ng tingin kay Damon.

"Hello, good morning guys!"

Napalingon kami sa kadadating lang na si Miss Manager, ngiting ngiti ito. Napakagandang umaga nga.

Kill The Lions: Red Lions The Varsity PlayersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon