Quarter Seven

16 3 0
                                    

Lion10 (part2)

Chapter 7

KILLIAN

Natahimik ang lahat sa sinabi ni Fausto, kahit hindi nagsasalita ang isa sa amin alam ko at nararamdaman ko na may pagkainis, pagkainggit at pagkagalit silang nararamdaman kay Ridge.

"Alam ko na mga bata pa kayo noon kaya hindi niyo maintindihan pero tumanda na kayo, nagmature na kayo physically at mentally kaya sana intindihin niyo kung bakit ko nagawa ang mga yun" pahinang sabi ni Coach, napa irap nalang ako sa sinabi niya, ginawa niya yun para sa sarili niya. tss!

"Napaka dadrama niyo tigilan niyo na nga yan" naghikab ako pagkasabi ko nun dahil ayoko talaga pag nauungkat at napag-uusapan ang nakakairitang nakaraan.

"Bakit ayaw mo napapag-usapan to Killian?.. Ah, oo nga pala.. hindi ka apektado kasi hindi ka naman sangkot sa nangyari" napalingon agad ako kay Damon at nanliit ang mata ko habang masama siyang tinignan, nakatingin lang din siya sa akin walang ekspresyon hindi ko mabasa ang iniisip niya.

"Tama! hindi ako apektado kaya wala akong pakialam, kaya ayoko pag-usapan" ngumisi ako sa kanya atsaka pairap na binaling sa ibang direksyon ang tingin.

"O tama na yan mga pre, Chillax lang kayo" singit ni Rocco

"Nakaraan na yun, wag na natin ungkatin pa" kumento ni Zeke

"Oo nga naman mga pre, matagal na yun e. hindi na natin dapat iniisip pa yun" dagdag pa ni Nixon, hindi na ko nagsalita pa. bumabalik nanaman kami sa simula nung mga panahon na hindi kami magkakasundo. tss!




DAMON

Matiim akong nakatingin sa pwesto ni Killian, wala siyang ginagawa pero bumabalik nanaman yung pakiramdam na wala naman talaga siyang ginagawa pero lagi siyang nananalo.

Naiinis ako sa kanya dahil wala siyang ginagawa! kahit na paringgan ko siya tungkol sa nakaraan hindi pa rin siya kumikibo na parang wala lang sa kanya ang nangyari, na wala talaga siyang pakialam.

ramdam ko ang tensyon nakapalibot sa amin, dahil naungkat at napag-usapan nanaman ang nangyari dati. Napatingin ako kay Fausto siya ang nagsimula sa usapan na to, inis siya dahil hindi niya tanggap ang nagawa niya dati. tss!

huli na para magsisi dahil halos lahat ay pinanindigan na ang nangyari na yun, maski ako tanggap ko na ang pagkakamaling nagawa noon na hanggang ngayon ay hindi ko pinagsisisihan.

"Wag na lang ulit natin pag usapan to, lalo na at may ibang tao baka may malaman pa ang bagong manager at umalis agad nang hindi natatapos ang pustahan" Biglang salita ni Slater, hindi ako kumibo napansin ko naman na tumango ang iba kasama si Coach.

napansin namin ang paglabas nina Ridge at Mikee sa shower room, nakangiti si Ridge na nakatingin kay Mikee na tumatawa habang naglalakad sila palapit. kung nasan kami.

Kanina lang ay walang emosyon at walang pakialam sa paligid si Ridge ngayon ay iba nanaman ang personality na pinapakita niya, para siyang joker na pwedeng maging Jack, Queen at King ano mang oras.




MIKEE

Pagkabigay ko kay Ridge ng Jersey niya ay lalabas na dapat agad ako pero pinigilan niya ko sabay na daw kaming lumabas kaya hinintay ko pa siya, inayos niya daw kasi ang mga gamit niya sa locker niya at patapos na siya.

Nang palabas na kami ay bigla niya ako niyaya na magmiryenda pagtapos ng practice tumanggi ako dahil wala ako sa mood at pagod pa nagulat nalang ako ng bigla siyang ngumuso at umarte ng nasaktan kaya natawa ako ng makalabas kami sa shower room hindi ko din inakala na may ganito siyang side akala ko ay laging seryoso lang siya.

Nakalapit na kami sa pwesto kung nasaan sila Coach, napansin ko naman na lahat sila ay tahimik at kunot noong nakatingin sa amin ni Ridge.

"Woah! Dumada-moves kana kay Miss Manager Ridge ah" pang-aasar ni Rocco, napalingon ako kay Ridge tumingin din siya sa akin. nginitian niya lang ako, nag iwas agad ako ng tingin kasi hindi ako sanay na makita siyang ganun.

"Buti sila napapansin mo Mikee babes, ako halos mangawit na ang talukap ng mata ko kakakindat sayo para mapansin mo pero walang epek" madramang sabi ni Walter habang nakahilamos sa mukha ang dalawang kamay saka iiling iling, kaya naman napalakas ang tawa ko dahilan para mapatayo siya at titigan ako saka siya napangisi.

"Walter ang bakla mo pare"Natatawang sabi ni Slater sa kanya, sinamaan naman siya nito ng tingin.

"Bakla? ako bakla? e kalahati ng populasyon ng mga babae sa Hudson nagkakagusto sa akin tapos one fourth nun, na-ikotse ko na, na-ibanyo, na-ilocker, na--"

"SHUT UP!" sabay sabay na sabi ng lahat maliban kay Killian, Damon, Ridge at ako na ikinatahimik ni Walter sa malalaswang sinasabi niya.

Napakagat ako ng ibabang labi para mapigil yung tawa ko, kahit papano ay nakakatuwa sila.

"Hoy, hoy, hoy Mikee tigilan mo yan baka di ako makapag pigil sunggaban kita jan" alam ko na yung pag-lip-bite ko ang tinutukoy niya at alam ko din na pabiro lang niya yun sinabi kaya napatakip agad ako ng bibig at umiling iling.

"Aba, Walter pumaparaan ka din ah" sabat pa ni Zeke

nag-asaran pa sila, napadako ang tingin ko kay Coach Rhett nakayuko lang siya at parang malalim ang iniisip. napansin din siguro ni Damon na katabi lang niya dahil tinapik nito ang balikat ni Coach Rhett na nakapag paidtad sa kanya.

Anong kayang iniisip niya, bihira ko lang siyang makita na ganun, sobrang lalim ng iniisip kadalasan ay nakangiti ito at nakikipagbiruan sa buong team.

"Mikee Ayos ka lang?" napatingin ako kay Ridge nakangiti padin ito na, kahit na naiilang pa rin ako kay nginitian ko din siya.

"Oo naman"

Nagpaalam na ako sa kanila na mauuna na akong umuwi dahil wala nanaman akong kailangan gawin dun, pumayag naman agad si Coach kaya umuwi na din agad ako.

Nang makauwi na ako sa apartment na tinutuluyan ko ay dumaretso na agad ako sa taas dahil nandoon ang kwarto ko, pagdating ko dun ay hinagis ko nalang kung saan ang backpack ko at nagdive sa kama.

Nakakastress ang araw na to, lalo na yung mga naikwento ni Julie sa akin. madami pa akong gustomg malaman yung hindi manggagaling sa isa sa mga Lions dahil alam ko na puro kasinungalingan lang ang sasabihin nila at baka magtaka sila kung bakit ako nagtatanong tungkol dun.

kinuha ko ang frame na nasa night stand, ang picture naming dalawa. napakasaya niya sa picture, napakasaya namin, walang problema, walang mabigat na pinagdadaanan. sana pwedeng palagi nalang kaming ganun, masaya lang kaso hindi, hindi na pwede.




-

Hidden Eye👀

Kill The Lions: Red Lions The Varsity PlayersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon