Quarter Twelve

15 4 0
                                    

Chapter 12

MiIKEE

Naglalakad na ako papunta sa sinabi na lugar ni Dave kung saan kami mag-uusap, medyo malayo yun sa locker room area wala din masyadong tao ang nagpupunta dun dahil storage room yun.

liliko pa ako dahil sa dulo nun ang storage room, bago pa man ako makaliko ay may humatak ng braso ko, pagkaharap niya sa kin sa kanya ay napataas ang kilay ko ng mapagsino ko yung humablot sa kin.

"Ano nanaman ba Ria" iritang sabi ko saka malakas na binawi ang braso ko sa pagkakahawak niya.

"Bakit ba nagpakita kapa? hindi ko alam na sa Hudson ka pala lumipat" taas kilay niyang sabi, binigyan ko lang siya ng bored-look.

"Ano bang pake mo" napaka-papansin ng babae na to, naiirita na ko. nginisihan niya ako.

"Gagaya kaba sa yapak ng Ate mo? magiging disgrasyada! balita ko taga Hudson ang nakabuntis sa kanya" taas kilay niyang sabi, kumulo ang dugo ko sa sinabi niya pero kinontrol ko ang sarili ko na hindi siya masaktan katulad kanina.

"Kung ako sayo Ria ilugar mo ang sarili mo, wag kang papansin. kung hindi mo kaya ako ang maglalagay sayo kung saan ka nararapat" lumapit ako sa kanya saka nilapit sa tenga niya ang bibig ko. "Kilala mo si Wena? alam mo ang ginawa ko sakanya diba? gusto mo sumunod sa yapak niya?" bulong ko sa kanya, pansin ko naman ang pagbigat ng hininga niya. tinulak niya ko saka mabilis na umalis. napairap nalang ako sa hangin.

naglakad na ulit ako kung saan dapat ako pumunta, pagbukas ko ng pinto ay agad may humatak sa kin at isinandal ako sa likod ng pinto pagkasara nun, nakakailang irap na ko ah, uso ba ang hatakan.

"I miss you Ari" namiss ko ang boses niya, bigla akong nakaramdam ng sakit. iniwan ko lang siya bigla hindi ko man lang siya kinausap.

"Bakit kaba lumipat dun Ari? dahil ba to sa ate mo? hindi mo naman kailangan gawin to e. tutulungan kita makalimot, please bumalik kana" kitang kita ko ang lungkot sa mukha niya, hinaplos ko ang mukha niya at pinunasan ang tumulong luha sa isang mata niya.

"Hintayin mo ko Dave, kailangan ko tong gawin para matahimik na ko" hindi makapaniwala ang ekspresyon ng mukha niya, nakatitig lang siya sa kin at saka napabuga ng hangin.

"Siguraduhin mo na babalik ka sa kin ng buhay Arianna" tumingkayad ako para maabot ang mukha niya saka ko siya hinalikan, tinugon naman niya ang bawat halik ko.

babalik ako sayo ng buhay Dave, hindi nila ako mauunahan. hindi niya ko maiisahan.





KILLIAN

lumabas muna ako ng kwarto dahil wala naman ako makausap sa loob, nakasandal ako sa pader sa labas ng room D habang umiinom ng softdrink in can.

napansin ko naman ang katabing room ng katapat ng locker room namin.

       Blue Aces
Stafford University

Ganung mga tao pala ang nakakasama ni Mikee sa dati niyang school, napatingin ako sa babae na kadadating lang at huminto sa tapat ng pinto ng kwarto ng mga taga Stafford, nakatayo lang siya dun. bigla siyang lumingon sa pwesto ko kaya nakilala ko siya, siya yung kasagutan ni Mikee kanina. nginisihan ko siya, napakunot naman ang noo niya sa ginawa ko.

nawala ang pagka-kunot ng noo niya at ngumiti lumapit siya sa kin, hinintay ko lang siya makalapit.

"Hi, I'm Ria, and you?" ngumiti siya sa kin, ngiting nakikipag flirt.

Kill The Lions: Red Lions The Varsity PlayersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon