Quarter Twenty

16 3 0
                                    

ZANE

Hays, Ang boring. Napalingon ako sa katabi kong si Ridge, nakayuko siya sa upuan niya, halatang natutulog. Nasa room kami ngayon. kakatapos lang namin sagutan ang special quiz at activity na binigay ng prof. namin kaya nakatunganga nalang kami.

Hindi na namin kailangan makinig sa tinuturo niya dahil alam na alam na namin yun.

pagkatapos ng klase ay lumabas na kami ng room at sabay naglakad papunta sa gym.

Tsk! Di man lang kami kakain? Nagugutom na kaya ako. Nakasunod lang ako kay Ridge habang napapakamot ng ulo, papabili nalang nga ako kay Mikee.

Nasa harap na kami ng gym, nakita pa namin si Damon na binubuksan ang double door ng gym. Ang aga namin. Napansin na kami ni Damon tinignan niya lang kami saka pumasok sa loob, sumunod nalang kami ng pasok saka humahanap ng pupwestuhan.

Di din nagtagal ay dumating na ang iba, si Nixon nalang ang wala.

"Ang tagal naman ng mokong na yun" sabi ni Rocco saka napapatingin sa wrist watch niya.

"Baka naman hindi siya pumasok kaya hindi din magpapractice" sabi naman ni Mikee habang nilalapag ang dala niyang bag.

"Nah. Hindi aabsent yung mokong na yun dahil may game tayo bukas" sagot naman ni Rocco saka binaling ang tingin sa katabi niyang si Zeke. "Classmate kayo diba? Pumasok siya?" Tanong niya dito.

"Nope" kumunot ang noo ni Rocco sa naging sagot ni Zeke saka napakamot ng ulo. Hindi nga pumasok si Nixon.

"Lets start our practice, tatawagan ko nalang siya kung makakahabol" sabi ni Damon saka kinuha ang cellphone sa bag at nagsimulang magdial.

"Kunin ko muna yung mga bola" biglang sabi ni Mikee saka tumayo at nagsimulang maglakad papuntang locker room.

"Hala, magpapabili nga pala ko ng pagkain kay Mike" mahinang sabi ko pero sa tingin ko ay narinig ni Ridge yun dahil napatingin siya sakin na nakataas ang isang kilay.

"Mike?"

"Si Mikee, pinaiksi ko lang" nakangising sabi ko saka tumayo para magpunta ng locker room para sabihan si Mike at makapagpalit na din, nakakailang hakbang palang ako ay..

"AHHHHHH!!"

Napahinto ako sa paglalakad dahil sa gulat pero maya maya pa ay nag uunahan na ang iba na patakbong nagpunta sa locker room kung saan galing ang sigaw malamang ay si Mike yun.

Dahil may kabilisan ako sa pagtakbo ay ako ang nauna makarating pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Mike na nakaupo sa sahig at parang takot na takot na nakatingin sa harapan niya kaya tinignan ko kung saan siya nakatingin.

Sa mahabang upuan ay may kulay itim na kahon dun, agad ko yun nilapitan. Pagkakita ko kung ano ang nasa loob ng kahon ay di ko maiwasang mapaatras ng hakbang.

Shit!

Napalingon ako kay Mike na tulala pa rin na nakatingin sa kahon at nagsisimula ng tumulo ang mga luha, di ko napigilan ang sarili ko na lumapit sa kanya, yumuko ako para magpantay kami saka siya niyakap at inalo.

"Whats happening here--"

Napatingin ako sa bandang pinto at nandun na din ang iba, halata sa mukha nila ang pagkalito at pagtataka. Sinenyasan ko sila gamit ang ulo ko saka tinuro ang itim na kahon. Dali dali naman silang pumasok at lumapit sa kahon.

"Fvck!"

"Damn!"

Ilan lang sa mga nasabi nila nang makita nila ang laman ng kahon, napatingin ako kay Mike na hanggang ngayon ay wala pang imik.

Kill The Lions: Red Lions The Varsity PlayersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon