Quarter Fourteen

19 4 0
                                    

Chapter 14

ZANE

Nakasakay na kami ngayon sa van na prinovide ni Zeke, pagka sama-sama kaming lalabas ay si Zeke ang gumagawa ng paraan para dun. yung mga sasakyan niya ang nagiging gate-away-vehicle namin parang tulad lang ng dati.

napatingin naman ako kay Nixon na nasa kanan ko, nakangiti ito habang tumitipa sa kanyang cellphone. tss! kahit kelan mabilis kiligin ang lokong to, may nauuto nanaman siguro siyang babae.

"Tss! Nixon tigilan mo nga yang kakangiti mo, kakairita" pag-susungit ni Ridge na nasa kaliwa ko naman nakaupo, sinamaan lang siya ng tingin ni Nixon pero di naman siya tinapunan ng tingin ni Ridge.

Hindi talaga mabasa ang ugali nitong ni Ridge kanina lang ay palangiti ngayon naman ay masungit, napapailing nalang ako sa kanya. lumapit naman ako kauti kay Ridge saka inilapit ang bibig ko sa tenga niya para di marinig ng iba.

"May plano kana ba? baka gusto mo ako isali jan, nakita mo ba kanina habang pinapanuod nila si Mikee? mas lalo sila ginanahan" pagtapos ko ibulong yun ay nilayo ko ng kaunti ang mukha ko, tinignan naman niya ako with his blank expression na lagi naman niyang ginagawa bukod sa paborito niyang ngisi.

"Wala pa" yun lang at binaling niya na ulit ang tingin sa harapan, nagkibit balikat nalang ako. kinuha ko nalang ang phone ko at pinanuod ang video na hiningi ko dun sa babae kaninang kumukuha ng video sa sayaw nila Mikee.

bawat galaw niya ay mabubuhayan ka talaga dahil maaakit ka sa kanya, dalang dala niya ang sayaw. Whoo! baka kung ako ang sayawan niya ng ganun ay di ako makapag pigil at susunggaban ko agad siya. Oh shit! pinag nanasahan ko ba si Mikee? napangisi nalang ako sa isip.

pagdating namin sa club ni Dexter ay dumaretso na agad kami sa pinareserved niyang pwesto, walang taas yung club pero malaki at malawak naman. hapon palang kaya konti lang ang nandito baka mga staff and crew pa nga sila.

"Dahil kayo ang first costumer ko ngayong araw, libre na ang drinks niyo. pakalasing kayo wala naman kayong pasok diba?" sabi ni Dexter nang maka-upo na kami. natawa naman ang iba sa sinabi ni Dexter.

lumipas ang ilang oras at medyo tipsy na kami beer lang naman ang ininom namin dahil masyado pang maaga nung dumating kami pero ngayon unti-unti nang dumadami ang tao.

"Woah! ang daming chix, teka manghuhuli muna ko" tatawa tawang sabi ni Zeke saka tumayo para kumuha ng babae.

"Aba! teka ako din, jan na kayo" sabi ni Rocco at umalis na din.

"Tsk! Tsk! babae ang dapat lumalapit satin hindi tayo" naiiling na sabi ni Killian

"Hayaan mo na sila Killian, ganyan na talaga ang mga yan"natatawang sabi ni Dexter, napangisi naman si Killian dun sa sinabi ni Dexter. napatingin naman ako sa tumayong si Nixon, hahanap din siya ng babae?

"O maghahanap ka din ng babae?" tanong ni Walter sa kanya, napatingin naman siya dun at ngumisi. napakunot ang noo ko, bakit kaya?

"May susunduin lang" sagot niya saka tumingin sa cellphone niya

"Babae ba?" tanong ko, napalingon siya sa kin at ngumiti

"Malamang babae yun" singit ni Slater

"Susunduin ko lang si Mikee" sabi naman ni Nixon kaya lahat kami ay napatingin sa kanya, Mikee? close na pala sila?

"Yung sexy-ng manager niyo? akala ko ba ay hindi siya pwede?" tanong agad ni Dexter, mukhang interesado siya kay Mikee unang kita palang panay na ang tanong niya tungko sa kanya.

"Nagkayayaan daw sila ng mga kasama niya sa dance club, nag-suggest ako na dito nalang sila magpunta. pumayag naman pero hiwalay na table daw" napa-tango tango naman si Dexter dun at mukhang na-excite ang expression ng mukha niya.

Kill The Lions: Red Lions The Varsity PlayersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon