Quarter Three

25 4 0
                                    

The Bet

Chapter 3

NIXON

Kasalukuyan kaming nagliligpit ng mga ginamit namin na bola dito sa gym, huminto ako sandali at tumingin sa direksyon ni Coach Rhett kasama ang magandang manager nang may umakbay sa akin nilingon ko kung sinong papansin to.

"Ganda ng bagong manager diba? mas maganda kesa sa mga naging manager natin" nakangising sabi ni Killian habang nakatitig kay Mikee na ngayon ay kausap ni Coach.

"Oo, hindi ko pa siya nakita sa campus transferee kaya?" tanong ko sa kanya, nagkibt balikat lang siya at tinggal ang pagkakaakbay sa akin at tumalikod.

"Nixon bilisan mo kumilos, nag umpisa na ang laro. Baka makulelat ka nanaman" Seryoso ang tono pero di nakalagpas sa akin ang nakakalokong ngisi niya, tinapik niya ang balikat ko at naglakad palayo.

lumingon ako sa nakatalikod na Killian, siya lagi ang nananalo kaya ang lakas ng loob niya magyabang tss! makikipagsabayan ako sa inyo. tinitigan ko si Mikee, maganda nga ito kumpara sa mga nagdaan na manager namin.

Sa akin ka unang babagsak Manager.




WALTER

Nasa loob kami ng locker room para ibalik ang mga bola na ginamit namin, kaming dalawa ni Slater ang nandito sa loob. parang biglang tumahimik si Slater kaya nanibago ako.

"Hoy Slate! ang tahimik mo ah" kunot noong lumingon naman siya sa akin.

"Kulang lang sa sex to" tumatawang sabi niya kaya binato ko siya ng towel na nasa balikat ko.

"Hahaha gagong to! wag mo nga akong lokohin gabi gabi ka nga may schedule" pang aasar ko sa kanya, nginisihan niya lang ako sa sinabi ko pero biglang sumeryoso yung mukha.

"Walter yung si Mikee" napataas ang isang kilay ko.

"Bakit?"

"Parang pamilyar siya, parang nakita ko na siya pero parang hindi din kasi iba ang dating niya na ngayon ko lang nakita" umiiling iling niya na sabi kaya humagalpak ako ng tawa na ikina lukot ng mukha niya.

"Ang gulo mo! siguro common ang mukha niya kaya mo nasasabi na nakita mo siya, paranoid ka lang" seryoso ko na sabi sa kanya at ngisihan siya. "Kung ako sayo gumalaw kana dahil yung iba kumikilos na, alam ko na wala lang sayong ipamigay ang girlfriend mo pero ang laki ng 100k sumasakit ang ulo ko" natawa pa ko sa sinabi ko.

"Ang ganda niya, kung titignan ay parang virgin pa. pero ang pinagtataka ko bakit ang laki naman ng pusta ngayon?" tanong niya, napaisip din ako dun ah.

"Oo nga nu? kadalasan ay nasa 50k lang ang pusta at pagiging first five sa mga game pero ngayon iba na. ano kaya naisip ni Killian at yun ang naisipan" nagtatakang sabi ko.

"Sumasakit na din ang ulo ko halika na nga" nagkibit balikat nalang ako at sumunod na sa kanya palabas ng locker room.




ZANE

Magkatabi kami ngayon ni Ridge na nakaupo sa isa sa mga bench dito sa loob ng gym, nakasandal ako sa upuan habang nakadekwatro at nakapatong sa sandalan ang siko ko habang nakalagay sa sintido ko ang dalawang daliri. Si Ridge naman ay nakayukong nakapatong ang mga siko sa hita at matiim na nakatingin sa pwesto ni Coach Rhett kasama si Mikee na bagong manager.

Kill The Lions: Red Lions The Varsity PlayersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon