Quarter Twentyeight

18 3 0
                                    

MIKEE

Umuwi ako sa bahay para makapagpalit ng school uniform, masyadong maaga niya akong tinawagan kanina para pumunta sa gym.

Kinuha ko na ang bag ko na nasa sofa pati na din ang susi ng bahay na nasa lamisita sa may sala, naglakad na ako papuntang pintuan.

Pero di ko inaasahan ang bumungad sakin pagbukas ko ng pinto, nakatitig lang ako sa lalaking nasa harapan ko ngayon na bahagyang ngumiti, kita sa mukha niya ang lungkot at pangungulila.

"Dave..."

Kasabay nang pagsabi ko ng pangalan niya ay ang paglapit niya sakin, hinatak niya ang isang kamay ko papalapit sa kanya saka niya ako mahigpit na yinakap, siniksik niya ang ulo niya sa may leeg ko.

"Miss na miss na kita Ari" malungkot at mahina ang tono ng boses niya, lalo din humigpit ang yakap niya sakin.

"D-Dave.. Anong ginagawa mo dito?" Pilit ko siyang nilalayo sakin sa pamamagitan ng pagtulak sa dibdib niya.

Lumayo siya ng kaunti sa akin saka hinawakan ang magkabilang balikat ko at seryosong tumingin sa mga mata ko.

"Ari, pagod na pagod na ko.. Pagod na ko maghintay, hindi ko na kayang maghintay ng mas matagal pa" pagkasabi niya nun ay nabaling ang tingin niya sa may kaliwang bahagi ng pisngi ko pababa sa may labi ko, napaiwas ako ng tingin sa kanya.

"Dave umalis kana" sabi ko nang hindi tumitingin ng daretso sa kanya. Hinawakan niya ang magkabilang pisnge ko saka iniharap sa kanya.

"Anong nangyari dito? Sino may gawa nito sayo?" Bakas sa mukha niya ang pag aalala at galit habang nakatingin sa mukha kong may pasa. Hinawi ko ang kamay niya na nakahawak sa mukha ko saka umatras ng kaunti.

"Wala to, natamaan lang ng bola" sabi ko, nagsalubong ang dalawa niyang makakapal na kilay. Alam kong di kapanipaniwala yung rason ko pero di na siya nagsalita pa.

Naglakad ako papunta sa may sofa saka naupo, nilagay ko din sa may lamisita ang hawak kong bag at susi, lumingon ako kay Dave na sinasara ang pinto, matapos niya masara ang pinto ay naglakad siya palapit sa kinauupuan ko, umupo siya di kalayuan sakin. Hindi na ko nagulat ng walang sabi sabing nahiga siya at umunan sa mga hita ko.

Kinuha niya ang kaliwang kamay ko saka dinala yun sa kanyang labi at marahang hinalikan, pinagmamasdan ko lang ang bawat kilos niya.

"Kailan mo ba ihihinto yang ginagawa mo?" Biglang sabi niya kasabay ng seryoso nitong pagtitig sa akin. Naintindihan ko naman agad ang ibig niyang sabihin.

"Dave.."

Nakipagtitigan ako sa kanya pero siya ang unang umiwas, ipinikit niya ang mga mata niya, naramdaman ko din ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko saka nilagay yun sa ibabaw ng dibdib niya.

Napatingin ako sa orasan sa dingding, twenty minutes nalang at magsisimula na ang unang klase ko. Kahit na umalis ako ngayon ay mahuhuli din ako sa klase.

"Pwede bang akin muna ang araw mo ngayon? Kahit ngayon lang, gusto kita makasama ng matagal" napabaling ulit ako sa kanya, nakapikit pa din ito saka dahan dahang nagmulat ang mata. Tipid niya akong nginitian kaya ganun din ang ginawa ko saka tumango bilang sagot sa sinabi niya, lalong lumaki ang ngiti nito saka ipinikit ulit ang mga mata.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na haplusin ang kanyang mukha, para siyang baby kapag nakapikit napaka amo ng mukha, pero kapag una mo siyang titignan ay isang tigasing badboy ang una mong maiisip.

Matangkad si Dave, siguro kasing tangkad niya si Damon ang pinagkaiba lang ay mas maganda ang pangangatawan ni Dave, moreno din siya na dumagdag sa kanyang appeal, pati din ang buhok niyang naka semi bald tapos ay may ukit sa gilid ng kanyang ulo, hindi ko alam kung anong tawag sa hair cut na yun pero mas lalong gwumapo siya sa paningin ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 16, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kill The Lions: Red Lions The Varsity PlayersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon