Quarter TwentyOne

12 3 0
                                    

Nixon

Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko, pero sa pagbukas ng mata ko ay puros itim lang ang nakikita ko, nilibot ko ng tingin ang paligid, madilim.

Bigla akong nakaramdam ng kirot sa bandang gilid ng ulo ko kaya napahawak ako dun, may nahawakan akong likido kaya tinignan ko ang kamay ko, dugo.

Tumayo ako, hahakbang na sana ako ng maramdaman ang malalamig na bagay sa dalawang paa ko, napabuga ako ng hangin at litong lito, nakakadena ang dalawang paa ko.

Nasaan ba ko? Sino nagdala sakin dito? Wala akong maalala sa nangyari bago ako mapunta dito.

Zeke

"Argh! Bakit wala pa siya!" Inis na sabi ko at tumingin sa paligid, nandito kami ngayon sa parking lot, kumpleto na kami maliban sa isa, kay Nixon.

Kahit naiinis ay di ko maiwasang mag-alala, si Nixon yun eh. Bukod kay Rocco ay siya ang isa sa mga kasundo ko sa team pero kung si Ridge o Damon yun, hindi ako mag aalala baka matuwa pa ko pag sa kanila nangyari yun ang kaso HINDI!

"Hindi kaya may nangyari nga talagang masama kay Nixon?" Mahinang sabi ni Mikee kaya napatingin ako sa kanya, nakayuko siya at pinaglalaruan ang mga daliri. Napasabunot nalang ako ng buhok.

"Coach"

Naagaw ang atensyon namin ng magsalita si Damon at banggitin si Coach,  kaya napatingin na din ako kay Coach Rhett, yumuko ito at bumuntong hininga saka kami tinignan.

"We should go.. without Nixon"

Napanganga ako sa sinabi niya, maglalaro kami ng wala si Nixon!? Baliw na talaga siya!

"You're joking coach" iiling iling na sabi ni Rocco, maski ako naman ay hindi makapaniwala sa sinabi niya.

"Kailangan natin pumunta sa game, pagtapos ay pwede na nating hanapin si Nixon, wala naman sigurong masamang nangyari sa kanya" napapikit nalang ako sa sinabi ni Coach at hindi pa din makapaniwala, narinig ko nalang ang pag tsk ni Ridge saka sumakay sa bus kasunod si Zane.

Mga walang pake!

Napatingin ako sa katabi ko nang maramdaman ang paghawak niya sa balikat ko, tipid niya akong nginitian.

"Let's hope na walang nangyaring masama kay Nixon" sabi ni Mikee, dahan dahan akong tumango. Hinawakan niya ang kamay ko saka akohinatak pasakay ng bus, di na din ako nagpumiglas pa.

Habang nasa byahe ay di ko pa rin maiwasan na isipin kung ano na nga ba ang nangyari kay Nixon, biglaan naman ang pagkawala niya, wala man lang paalam, clue or something. Badtrip talaga ang Nixon na yun.

Naramdaman ko nalang ang paghinto ng sinasakyan namin na bus, napatingin ako sa bintana. Nakarating na pala kami ng di ko namamalayan, ganun ba kalalim ang pag iisip ko? Hayy.

Bumaba na kami, magkasabay kaming naglalakad ni Mikee habang papasok kami sa entrance, nang biglang may sumugod kay Mikee kaya naman napahiga ito at napaibabawan ng babae, nang mapagmasdan ko ang babaeng nakaibabaw kay Mikee ay nanlaki ang mata ko sa gulat.

"Walang hiya ka! Malandi! Bakit mo nilalandi si Zeke? Di mo ba alam na may girlfriend siya! Sinasabi ko na nga ba eh, makati ka ding babae ka" sabi ni Rox, oo si Rox na girlfriend ko ang nakaibabaw kay Mikee habang sinasabunutan at sinasampal ito.

"Shit!"

Agad akong kumilos at pilit hinihiwalay si Rox kay Mikee pero mahigpit ang kapit nito sa buhok ni Mikee kaya naman hindi ko siya mailayo sumasama lang din ang ulo ni Mikee.

"Wala lang sa paligid ang girlfriend may pahawak hawak kapa ng kamay malandi ka, hindi mo ba alam na walang nakakagalaw sa pag mamay ari ko! At ikaw Zeke bitawan moko tuturuan ko ng leksyon ang malanding to" napabuga ako ng hangin habang pinipilit pa rin sila paghiwalayin. Siguro ay nakita niya ang paghawak ni Mikee sa kamay ko kanina sa parking lot ng school dahil hinatak niya ako papasok ng bus, Naku naman.

Kill The Lions: Red Lions The Varsity PlayersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon