Someday 11

373 16 1
                                    

-Izang-

"Sir Finn inalagaan ko pa kasi ang aso ni Izekaia eh!" napasimangot siya.

"I don't care!" at nagsimula na itong maglakad paalis at iniwan ang aso sa kanya.

Napatalon na lamang siya sa gulat ng isang malakas na tahol ni Coco kasunod noon ay ang pagkabasag ng bagay sa loob, wala sa sariling dinampot niya ang aso na nasa kanyang paanan para iiwas sa napaka dambuhalang aso na sumugod.

"Finnnnnn!!!!!" wala sa sarili niyang sigaw sa lalaki at dimabahan na siya Coco para abutin ang aso na nakataas na hawak niya.

Napapikit siya ng mariin ng marinig niya si Finn.

"Coco Stay!" nang parang wala pa ring narinig ang dambuhalang aso at sige parin sa pagtahol at pagikot sa kanya ay napaiyak na lamang siya.

"Putangina talaga....huhuhu" she was sobbing while cursing.

Naramdaman niya na papalayo ang pagtahol ni Coco kaya ng binuksan niya ang mata niya she saw Finn pulling Coco away.

Pinahid niya ang luha at pumasok sa loob ng room, she put the poor dog in the sofa at mukhang nanghihina pa ito at takot din.

"Hey! Okay lang wag kang mag-alala mabait naman si Coco eh!" kinausap niya ang aso at hinaplos ang balahibo nito.

Nang bumukas ang pinto ay napatayo siya agad akala niya si Coco ang pumasok peru naisip niya aso pala iyon walang key card.

"Hey are you okay?" bakas sa mukha nito ang pag-alala.

"Sa tingin mo okay lang ako?" she ask back with all the sarcasm.

Peru di siya pinansin ng lalaki at bigla tuloy siyang na conscious ng echeck siya nito sa braso kung may gasgas ba siya.

"Okay lang ako, Si Coco?" nag-alala niyang tanong.

"He is with Daiken" he seems relax when he found none. Sus kung makareact parang di man lang ako muntikan ng pinatay ah!

"Di ko sila pwedeng bantayan dito kasi diba nga may binabantayan na akong higante, mayaman ka naman diba? Bakit di ka maghanap ng yaya doon sa aso?" she asked him honestly.

"I have no time, I am late already with my business meeting this time" he said looking at her face.

"Ganun ba? Kawawa ka naman sige na alis ka na baka malugi ka pa ako na munang bahala kay Fernando" taboy niya sa binata.

"Who the fuck is Fernando?" kunot noong tanong nito sa kanya.

Umikot ang mata niya. "Duhh...ayan oh si Fernando" turo niya sa asong walang kamalay-malay.

"You give a weird name for a dog" nakakunot pa rin ang noo nito. At tinalikuran na siya.

"Fernando dito ka lang muna ah! Hanapin ko pa ang baby namin ni Izekaia ko wag kang pasaway ipalapa talaga kita kay Coco" dinuduro pa niya ang aso na parang naiintindihan siya.

She was walking looking for Daiken and Coco ng makasalubong niya ang gwapong mukha ng Izekaia niya.

"Hi.." abot gilagid ang ngiti niyang bati rito.

"Hello.." formal na bati naman nito. Gusto niyang irapan ito wala ba itong alam sa employer-employee relationship? Maturuan nga!

"By the way I need to go to Manila for two days ikaw munang bahala kay Coco." bago pa siya makasagot ay nagsimula na itong maglakad. Hays. Ang gwapo talaga niya kahit maglakad!

Nakatingin lang siya sa bulto nitong papalayo sa kanya.

"Yow" agad siyang napalingon sa nagsalita at tama nga siya si Daiken ito at may dalawang foreigner na kasama habang hilang hila si Coco. The two girls seems fond with the dog.

Ang walanghiya ginamit pa si Coco sa kalandian.

"Yow mukha mo! Akin na yang baby namin ni Izekaia ko malahian pa yan sa kalandian mo!?" irap niyang sabi rito.

"Bakit pinansin ka na ba ni Izekaia?" nang-aasar na tanong rito ngumisi pa ang damuho.

"Malapit na mga 1% na lang ang kulang at mapapasakamay ko na din siya" taas noo niyang sabi.

Tumawa naman ang damuho.

"Ayaw mong maniwala? Baka magulat ka nalang nagpropose na siya sa akin"nakamaywang na sabi niya na lalong ikinatawa ni Daiken.

"Nalipasan ka ata ng gutom Izang, tara libre kita!" umakbay naman ito sa kanya pagkatapos magpaalam sa dalawang foreigners.

"Nakapag move on ka na?" tanong niya habang naglalakad sila naka akbay parin ito sa kaniya habang hila si Coco nito.

"Bakit ba ang chismosa mo di ko nga inalam na di ka pa naka first base kay Izekaia ah!" siniko niya ito.

"Ouch...ang sadista!" reklamo nito na ikinairap niya.

"Ang overacting" she said while rolling her eyeballs.

"Di mo ba kilala ang kasama mo ngayon? Ako ang pinakagwapo sa mga Del Pierro at tinalo ko lahat ng gwapo sa mundo!" pagmamalaki nitong sabi.

"Talaga? Di mo nga malamangan si Izekaia eh kahit ilang beses ka pang maligo" ganti niyang sabi rito masyado din itong bilib sa sarili eh.

"Retokado iyon" seryoso nitong sabi.

"Ikaw kaya ang mukhang retokado" natatawa niyang sabi.

"What? Peke lang yang mata mo" mas lalo itong naging cute kapag ngumuso.

At ang saya lang niya na doon sila pumunta sa isang "Kamayan Restaurant" si Coco naman ay iniwan nila sa isang animal care sa isla.

"Matagal ko na gustong kumain dito peru wala akong makasama eh. Baka dumugin pa ako ng mga chikababes" pagkuway sabi nito ng magsimula na silang kumain.

"So di ka na dumugin ng mga babae ngayon dahil akala nila girlfriend mo ako?" she ask while smiling sarap kaya maging girlfriend ng gago na ito kasi pakakainin ka!

"Mukha mo Girlfriend? Lul pang bodyguard ka lang uy" muntik na iya itong hambalusin ng plato peru naalala niya sayang ang kanin.

"Pakyu! Di mo na..." di na niya natapos ang sasabihin ng basta na lamang pinasakan ng kanin ni Daiken ang bibig niya.

"Wag ka ng sumagot! Katotohanan na iyon. Mura ka ng mura ang sakit sa taenga nasa harapan tayo ng pagkain" tinaliman niya ng tingin rito.

"Pag ikaw mag-mura ng english okay lang? Pag ako hindi dahil pangkanto lang? Ouch graveh ang discrimination" umaarte pa siyang nasasaktan at humawak sa kanyang dibdib.

"Hahaha You are funny Izang" at sumbo na ito habang nakatitig sa kanya.

Ngumuso na lamang siya.

"Wag mo akong titigan ng ganyan baka ma inlove ako sayo sige ka"

"Kilabutan ka nga" umasim ang mukha nito sa sa sinabi niya kaya natawa na siya.

"Bakit? Bawal ka bang mahalin?" napaubo si Daiken at napainum ng tubig.

"Gutom lang yan gurang" naiiling itong sumubo ulet.

"Anong gurang? Hah! Sa ganda kung ito gurang ka jan mapagkamalan pa nga akong high school sa sobrang baby face ko!" buhat din niya ang sariling bangko di siya paapi sa taong ito.

"Mukha kang fetus! Kaya manahimik ka na" Daiken said wiggling his eyebrows .

Ang gwapo parin ng gagong ito kahit saang anggulo tingnan.

"Maybe, Someday"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon