-Someday 18-

349 11 0
                                    

-Izang-

Isa na namang linggo ang kailangan niyang mapag tagumpayan sa pagka miss na miss niya sa anak niya. Peru pinatatag niya ang loob she's doing this for Franco.

"Good Morning Izang puso" Ge-em greet her in hyper mode.

"Morning..." she replied.

Pumasok naman si Bryne na may dala-dalang kape it's his habit to drink coffee.

"May chikababes si Big Boss, ang ganda model na model type na type ko!" Bryne said after he put down the coffee in the working table.

"Ang malaking tanong type ka ba?" tumatawa tawang tanong ni Ge-em.

Wala ba siyang balak umalis dito? Ay oo nga pala company niya ito!

Habang nagbabangayan ang dalawa ay pumasok si Finn at ang napakagandang babae matangkad ito at ang ganda ng mukha . Seriously? paano kaya siya ginawa ng magulang niya makapanghingi man lang ng tips.

Peru napansin niya ang brown din nitong mata kung di lang ito contact lens bagay sila ni Finn. Kung magkaka anak sila ay di na Brown Eyes ang tawag sa kanila kundi Brown Tree.

"Good Morning Sir!" agad na bati nila.

"Mr. Prejoles, Ms. Franscisco and Ms. Buencameno this is Iesha De Cuesta she is in on her Marketing Training" pakilala ni Finn.

Agad silang bumati nito at tumango lang ang babae medyo may katarayan ang hitsura.

Teka? De Cuesta?

Wala sa sariling napatitig siya sa mukha ng babae ngayon lang niya napansin ang pagkakahawig konti nito ni Izekaia.

"Is there a problem Ms. Buencameno?"

Peru ang pagkakaiba lang ay si Izekaia ay itim ang shade ng mata, peru baka contact lens lang ito.

Siniko siya ni Ge-em bago siya natauhan na matiim na pala niyang tinitigan ang babae.

"I'm sorry Maam" hinging pa umanhin niya.

Tinitigan lang siya nito in a very formal way. The girl has this vibes na maldita kahit wala pang ginagawa but kailangan talaga niya itong itanong..

"Maam, totoo po ba yang mata mo o peke?" she ask as much as possible in very diplomatic way.

Kumunot agad ang noo ni Finn at agad na itinaas ng babae ang isang  kilay.

"What do you mean?"

Narinig niya ang pigil na pagtawa ng dalawang kasama.

"I mean contact lens lang po ba yang color ng mata mo?" lakas loob niyang tanong kahit nakaramdam na rin siya ng kaba.

"And why would you like to know? Does it concern you?" di pa rin mababa baba nito ang kilay hilain kaya niya?

Umiling naman siya. Hinawakan ni Finn ang braso nito

"Continue your work" maawtoridad na utos nito.

Pasimple lang niya  itong inikutan mata.

Peru bago pa ang mga ito umalis sa kanilang harapan ay maarte muna siyang nilingon ng babae.

"For your Information! It's real" at inirapan siya bago umalis.

"Hahaha ubos na talaga ang bilib ko sayo Izang!" Bryne burst out laughing same with Ge-em.

Peru napabuntong hininga siya, matagal na kasi niyang tanong bakit brown ang shade ng mata ni Franco kasi sila ni Izekaia ay Black lang naman yun pala ay may kaanak ito na brown eyes.

Biglang nag ring ang telepono sa desk niya di pa siya nakapag hello ay nagsalita na ang kabilang linya.

"Come to my office" at binaba na agad ang tawag ang bastos! Di sinabi kung saang opisina siya papuntahin? Shunga lang?

She press the return call button of the line at ng sinagot na ito di na rin niya pinagsalita. "Anong office po?" kalma niyang tanong narinig pa niya ang marahas na paghinga sa kabilang linya.

"Top Floor" yun lang ang sabi at siya sana ang may balak na magbaba siempre siya ang tumawag peru naunahan na siya ng kausap.

Agad siyang tumayo at nakasimangot na pumunta sa opisina nito na nasa top floor.

Ito lamang ang natatanging opisina dito.

Kumatok muna siya bago itinulak ang pinto wala kasi ang sekretarya nito sa table.

"Sir bakit po?" magalang niyang tanong rito kahit ang gusto niyang gawin ay sigawan ito.

"Have a sit, Carizza" he lean his back on his chair.

The way he called her name bat ang ganda pakinggan?

Napatitig siya sa mata nito, still beautiful than ever.

"Balak mo naman ba akong tanggalin sa trabaho?" diretso niyang tanong nito na nagpakunot agad ng noo nito ang ang hilig talaga nito sa kunot noo.

"What?"

"The last time you let me have a sit di mo ako tinggap sa trabaho kasi wala akong available na positon sa company mo" she said in as-a-matter-fact tone.

Finn stared at him intently.

"You don't easily let go don't you?" linabanan niya ang paraan ng pagtitig nito sa kanya.

"Sa lahat ng ginawa mo sa akin? Di uso ang let go sa bokabularyo ko" sabi na lamang niya at naiinis siya bakit ba kasi nangangatog ang tuhod niya.

"That was fucking three years ago!" medyo tumaas ang boses nito at pinandilatan lang niya ito ng mata.

"Ay galit ka?!"

"Sa tingin mo nag-enjoy ako?" patuya nitong tanong sa kanya.

"Aba malay ko, bakit ako ang tinanong mo kung nag eenjoy ka? Utak ko ba ang utak mo?" pambabara din niyang tanong nito.

"Sinabi ko bang utak mo ang utak ko?! Damn woman! We are arguing for non-sense things here!" napahilot na ito ng kanyang sentido.

"Buti alam mo Boss ano ba talaga ang pinaglaban mo?" she rolled her eyes.

"I told you stop calling me Sir or Boss" kumalma naman ito peru may diin parin ang boses nito.

"Bossing ko po kayo ano po ba ang problema mo?" nagsimula na namang tumaas ang tono niya dapat talaga nag singer na siya eh.

Tinitigan siya nito peru di ito nagsalita kaya napabuga siya ng hangin.

"Okay Gabe"

she said kumunot na naman ulet ang noo nito kaya agad siyang dumepensa.

"Gabe kasi Gabriel ang second name mo" she said.

Di nakaligtas ang pagtaas ng sulok ng labi nito. That made her heart leap.

"Okay Gabe indeed, Carizza" tumango na lamang siya.

Tinitigan lang siya ng kaharap kaya naasiwa siya.

"Si Iesha? Kaano ano siya ni Izekaia?" agad na nawala ang kakaibang kislap sa mata nito at napalitan ng pagkatiimbagang.

"Iesha is Izekaia's sister you may now leave" yun lang ang sabi nito kaya nagtataka siyang lumabas.

Di ata ito bati ang future brother in law. Bagay pa naman sila ni Iesha sa Brown Tree family goal.

"Maybe, Someday"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon