Someday 8

342 14 0
                                    

-Izang-

Pinagpagan niya ang damit at agad tumayo napalunok siyang pinasadahan ang katawan ng Baby Izekaia niya mas lalo siyang nagutom.

"I'm sorry about that" napakagat labi siya ng marinig ang boses nito, bat ba lahat nalang ng parte nito gwapo?

"Hey were you hurt?" humakbang ito at lumapit sa kanya ng hinawakan nito ang braso niya pakiramdam niya nanghihina ang tuhod niya.

"Izekaia..." tanging lumabas sa bibig niya gustong gusto niyang banggitin ang pangalan nito.

His brows furrowed. "How did you know my name?"

"Ahm..si Daiken..sinabi niya ang pangalan mo..." malapit na talaga siyang mauutal konti na lang.

Tumango tango ito.

Pero di pa rin ito ngumiti nanatili pa rin ang napaka intimidating nitong aura.

Tumahol naman ang aso nitong dambuhala.

"Behave!" he commanded the dog.

"Anong lahi niya?" makapagsimula man lang sana ng conversation once is a lifetime lamang ito kaya pag igihan niya.

"St. Bernard" he said, nakakadistract talaga ng mata ang napakasexy nitong katawan.

"Mahilig ka pala sa aso" komento niya ayaw na ayaw niyang matapos ang pag-uusap nila.

"Its not mine, my sister owns it inihabilin lang muna sa akin" na patango siya.

Linapitan niya ang aso at hinimas ang ulo mukhang nagustuhan naman nito.

"Hey you are Coco right?" kausap niya sa aso kailangan talaga english kasi resked ang may-ari pati Uncle kaya obvious na iyon.

"Good boy!"

"What brought you here?" tanong nito.

"Applying for a job, but di ako natanggap eh" kibit balikat niyang sagot ngayon na nandito sa paligid si Izekaia ayaw muna niyang mag-isip ng problema baka papangit siya.

Di ito sumagot ng napakatagal di niya alam ang ginagawa nito kasi nakatalikod na siya rito. Pinaglaruan na lamang niya ang aso nito at kinakausap bahala na siya tinatawag nito na baliw.

"I will pay you 15 thousand be Coco's nanny for 3 weeks here in the island" He blurted out.

At agad siyang napalingon wala naman ibang kinausap ito siya lang. At hinihintay talaga nito ang kanyang sagot. He was staring directly at her eyes. God! Ako lang ata ang mamatay sa lunod na walang tubig, nakakalunod tumitig si Baby Izekaia ko.

"So?"

"Okay pero di ako nagdala ng damit eh kasi three days lang ang schedule namin dito"

"Don't worry about that"

"Pero ayaw kung kaltasan ang sweldo ko may pinaglalaanan ako niyan" nakasimangot niyang sabi.

Kumunot ulet ang noo nito sarap tuloy haplusin para mawala.

"Your point is?" he asked

"May pera pa kasi ako dito hanggang pag-uwi lang di na ako makabalik kaya pahiram muna ng pera iyon lang ikaltas mo sa sahod ko para makabalik ako dito" she said. May dumaan na emosyon sa mukha ni Izekaia pero agad ding nawala iyon.

"Okay, wait for me here" at umalis na ito.

"Naku! Coco nalimutan ng Daddy mo ang Goodbye kiss sa akin" nakanguso niyang sabi sa aso at umupo sa tabi nito

Tumahol naman ito ng isang beses.

Hinaplos naman niya ang balahibo nito sa katawan.

"Mukhang magkasundo tayo Coco Martin, ikaw ang Baby namin ni Izekaia okay?" napangiti siya sa sariling kalokohan.

May tumikhim sa likuran niya at napahawak siya sa kanyang dibdib sa gulat bago kunot noong lumingon.

"The speedboat will leaving in ten minutes, be ready" he formally said at naglakad patungo sa speedboat na naka standby sa di kalayuan.

"Mananatili ako rito no! Kala mo!" she said napahinto naman ito at kunot noong napalingon sa kanya.

"And why is that?" he asked

Bago pa niya masagot ito ay dumating na ang Baby Izekaia niya.

"Here, is this enough?" tinanggap at binilang niya ito five thousand lahat.

"one thousand lang naman kasya na eh sobra pa nga kaya ito lang kukunin ko" akmang ibabalik na niya ang four thousand ng di siya nito pinansin at kinuha ang tali ni Coco at naglakad patungo kay Rivas.

"Dude!" bati nito kay Rivas.

Okay di sila na ang mayaman! Ako na ang mahirap.

Nag-uusap ang dalawa ng lampasan niya ang mga ito at nagtungo sa speedboat.

Napalinga siya wala naman siyang ibang taong nakikita.

Nagulat na naman siya ng basta nalang siyang lagpasan ni Mr. Rivas at naglakad patungo sa speedboat at sumampa roon.

"Sasakay ka rin?" tanong niya na pasigaw pero pina andar nito ang makina ng speedboat dahilan para lumikha ito ng ingay.

Sa kauna unahang pagkakataon nasagad nito ang pasensya. Ano ba ang pinaglalaban nito?

Since wala na siyang ibang choice ay nagpasya siyang sumampa na rin.

At bago pa siya maupo ay bigla nitong pina andar ang speedboat dahilan para matumba siya sa mga karton.

Nang makabawi sa pagkabigla at makabangon sa pagkatumba ay walang pasabi sabi niyang sinugod ang lalaking pamangkin ata ni Lucifer.

"Putangina mo!!!!!!!" pinaghahampas niya ito ng dala niyang backpack! Na sinalag naman nito.

"Ano bang problema mo!! Leche ka!! Balak mo ba akong patayin hah!!mamatay ka sana!!" nanginginig na siya di niya alam sa takot ba o sa galit.

Walang kahirap hirap siyang nahawakan ni Rivas sa dalawang kamay at galit din itong tumitig sa kanya at walang pasabi sabing itinulak siya sa dagat.

Napainum siya ng tubig sa sobrang gulat at agad na nagpanic ang buong sistema niya di siya marunong lumangoy. Pilit niyang ikinampay ang mga paa para lumitaw.

"Tu...ahmm..tulon!!!!" at tuluyan na siyang lumubog.

Mama, Papa, Gray, Blue, Neon at Red di ko man lang kayo masilayan sa huling pagkakataon.

Ipinikit niya ang mga mata at hinayaan ang dagat na lamunin siya.

Kadiliman....

Parang hinila ang hangin ng baga niya dahilan ng pagsinghap niya sa mga labing nakalapat sa bibig niya at sa hangin na binibigay nito sa kanya at napa-ubo siya ng tubig.

Nang mahismasan at makilala kung sino ang tumulong sa kanya ay mag-asawang sampal ang pinakawalan niya rito at sumiksik sa gilid ng speedboat at humahagolhol ng iyak.

She thought it will be the end of her life already.

"I thought you knew how to swim, I'm sorry" he said.

Di niya ito sinagot umiyak lang siya ng umiyak.

Kapwa sila basa ng lalaki at nanginginig na siya pero sige parin siya sa pag-iyak.


"I'm so sorry..." iyon lang ang palaging binanggit ng bibig ni Mr. Rivas

"Maybe, Someday"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon