-Someday 15-

359 13 1
                                    

-Izang-

She was beaming and almost bouncing in happiness after her "self proclaimed date" yesterday peru yung epekto nun sa kanya di ma expire expire. Today may schedule siya na dalhin si Coco sa vet dito sa isla.

Alas nuebe ang kanilang schedule peru eighth thirty nandun na sila early dog si Coco eh.

Nang bumukas ang pinto lumabas doon ang secretary ni Finn hilang hila ang asong si Fernando?

Bahagya pang nagulat si Nica ng makita siya.

"Hey..nandito ka sa isla?" nakangiting sabi nito sa kanya habang tumahol naman si Fernando at highblood na naman si Coco.

"Oo Nanny ako ng asong ito, peru teka bakit nasa iyo si Fernando?" takang tanong niya rito.

Kumunot ang noo nito at pagkuway ngumiti naman  at mukhang kinikilig kagagawan na naman ito ng kamandag ni Daiken.

"Nakisuyo ang bossing nito eh" kumindat pa ito sa kanya .

Tumango lang siya at nagpa alam na itong umalis she pat Fernando's head.

"Pakabait ka kay Nica ganda hah!" sabi niya kay Fernando bago ito tuluyan ng umalis.

Di kaya ako magmukhang aso nito sa dami ng aso na nakapaligid sa akin.

Naghihintay siyang matapos ang check up ni Coco ng lumitaw ang pigura sa pamangkin ni Lucifer sa pintuan. Nagtama ang kanilang mga mata di niya alam kung ngingitian ito o irapan.

Sakto namang lumabas ang maganda at mestisahing Veterinarian.

"Finn what brought you here?" agad na ngumiti ang babae kay Finn.

"I miss you" Finn said while walking directly to the doktor at agad namang ikinawit sa braso nito ang mga kamay at ngumuso ang ganda lang!

"Maniniwala na ba ako niyan?" malambing na sabi nito.

"You have no choice babe" malambing din na sabi ng pamangkin ni Lucifer di niya maiwasan na mapaikot nang mata.

Excuse me! Single po ako, pwede sa loob na kayo maglambingan. Ang sakit nyo sa mata!

Dumukwang sa pintuan ang assistant nito.

"Maam Macey emergency daw po" itinaas nito ang telephone na hawak at parang modelo lang itong naglakad. Sus pagkuha ng telepono kailangan rumampa.

At pumasok na ito sa loob habang naiwan na nakatayo si Finn at siya na nakaupo at kunwaring nakatingin sa magazine.

Nararamdaman niyang umupo ito malapit sa kanya at mas lalo pa niyang itinaas ang magazine para takpan ang mukha niya at interesadong interesado siya sa binabasa.

"You can asked me" pagkuway sabi nito.

Lumingon muna siya sa paligid at nang masigurong sila lang dalawa ang tao doon ay kunot noong tiningnan niya ito..

"Why would I ask you?" tanong niya rito nag english na rin siya para mas sosyal pakinggan.

He shifted his position and all his attention was all over her already.

"Because I can answer you directly and precisely, no filters" he said seriously and confidently.

Napataas naman ang kilay niya "Bakit? Alam mo ba lahat ng nakasulat sa magazine na ito? Matalino ka pa dito?" masyadong bilib sa sarili din nito.

Sumilay naman ang isang nakakalokong ngiti sa labi nito.

"Mas gwapo, mas matalino at mas sakto pa ako kaysa jan" ininguso nito ang magazine na hawak niya at sumandal sa sofa habang nakahalukipkip.

Ibinaba niya ang tingin sa magazine na hawak. At umasim agad ang hitsura niya ng makita ang mukha ni Finn sa magazine, at ng tiningnan niya ang cover ng magazine mukha naman ni Finn na nakangiti ang whole cover.

"Hays. Ang boring naman ng magazine na ito wala ba silang ibang nakita na model at pinagtyagaan nalang ang pagmumukha mo?" pang-insulto niya sa lalaki.

Sumilay naman ang ngiti nito sa labi na dahilan ng paglukso ng puso niya he look at her in sideways.

"Pinagtyagaan ako? Lumuhod nga sila sa harapan ko para lang makuha akong model eh" kumindat ito sa kanya at ngumiti naman.

"Sus. Binayaran mo lang sila para e cover ka, ganun naman talaga ang mayayaman eh nadadaan lahat sa pera-pera lang yan" sabi niya at nag cross din siya ng legs at sinandal ang likod sa sofa at idinapa ang dalawang braso sa ibabaw ng sandalan ng sofa.

"They paid me millions to be their cover ganun ako kamahal" he arrogantly said.

Tumingala siya at itinirik ang mata.

"Ang sabihin mo ganun ka kahambog"

"I'm just stating the fact" he said at ganun pa rin ang posisyon nilang dalawa ng lumabas si Macey.

"Ms. Buencameno Coco is fine and healthy pagpatuloy niyo lang ang vitamins niya" nakangiti nitong sabi sa kanya umayos siya ng upo at hinaplos ang ulo ni Coco. Saka tumayo.

"Salamat Doc." she smiled at her peru ang atensyon nito ay nasa kay Finn na at tumango lang ito sa kanya. Kaya napagpasyahan niyang umalis na agad.

-Finn-

When she's out Macey eyesbrows wiggle.

"What?" kunot noong tanong niya rito.

"You look good together" she was grinning ear to ear.

"Pacheck up ka na sa boyfriend mo Mace sira na ang mata mo" napanguso naman ito.

"Di sira ang mata ko may chemistry kayo" Macey insisted.

Binalewala lang niya ang sinabi ng pinsan.

"Kumusta si Adi? Still drowning in heartache?" pagkuway tanong nito kaibigan ito ni Adrienne.

Macey is her cousin in Father side and Adi is on her Mother side.

"Don't remind me I'm still urging to break Eldea's face" seryoso niyang sabi.

"Pahiramin natin ng mukha ng Gecko ako ang magpresentang mag opera" Macey giggle, baliw din itong isang pinsan niya.

"Whatever Mace" naiiling ulet na sabi niya at pinatitigan ang mata nito

"May I remind you Mace, kalahi ni Eldea yang boyfriend mo. Wala ba talaga kayong ibang mahanap na lalaki?" naiiling na tanong niya sa pinsan.

"Revo will not cheat on me! Patay na patay iyon sa akin" nagmamalaki nitong sabi.

"When times comes Revo will hurt you makikita niya ang hinahanap niya" nagbabanta niyang sabi at tumayo na siya.

Yumakap naman si Macey sa kanyang baywang habang naglalambing.

"Aweee..Mag girlfriend ka na kasi Finn para di ka hanggang usyoso lang sa may lovelife" nakangiti nitong sabi sa kanya.

Isang tikhim ang nagpalingon sa kanilang dalawa.

"Sorry kunin ko lang ang mamahalin kong cellphone" sabi ng babae habang hilang hila pa si Coco.

Naglakad ito papunta sa center table at kinuha ang maliit na keypad cellphone.

"Okay resume na kayo" at nagmamadaling umalis.

Tumatawa naman si Macey.

"Ewww. that's gross but she's adorable" Macey said while smiling

"Sira na ata talaga ang utak mo si David na ang kailangan mo" agad naman nalukot ang mukha ni Macey pagkabanggit ng pangalan ni David.

"Hell No! kahit siya na lamang ang matirang doctor ng utak sa mundo hinding hindi ako lalapit sa kanya!"napairap pa ito.

That's how she despise David.

"Maybe, Someday"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon